26

5K 126 28
                                    


LUNA

"Kaya niyo po ba?" Tanong ko kay Ma'am, medyo mahirap kasi ang daan. buti nalang hindi siya nag heels



"Dapat po ako ang tinatanong mo nyan kasi maliit ako, malaki naman na po si ate ganda" Singit ni Sydney, parang namula na naman ata mukha ko



Pansin ko pa ang pagkagat ni Ma'am sa lower lip niya para pigilan ang pag ngiti niya



"Kinakausap ba kita?" Pagtataray ko sa kanya




"Let's go." Singit agad ni Ma'am at hinawakan si Sydney para alalayan



Sana all inaalalayan



Okay lang, mahal ko naman sarili ko



Dati naman hindi ganito ang daan dito, bukod sa daan na nabago napansin ko rin yung mga puno na inaakyat namin dati na malaki na ngayon



Napapikit ako ng lumubog yung paa ko sa putikan. white shoes pa naman suot ko ngayon


Buti nalang may dala akong extra.



Inis nalang na naglakad ako kasi iniwan na ako ng dalawa, nakalimutan atang may kasama sila



Napangiti ako ng makita ko yung mga batang naghahabulan, ang saya nilang pagmasdan habang may mga ngiti sa labi nila



Enjoy niyo lang kabataan niyo kasi paglaki niyo stress kayo malala



"Hoy luna bilisan mo nga!" Malakas na sigaw ni Rachel. walang hiya talaga ang isang to




"What happen to your shoes?" Tanong ni Ma'am ng makalapit ako sa kanya



"Tanong mo dun sa putikan." Nilagpasan ko nalang siya. naiinis pa ako sa kanya.




dumeritso ako sa lola ni Chen na malawak ang ngiti, agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit



"Happy birthday po, lola marie." Nakangiti kong saad sa kanya




Nakalimutan ko bumili ng regalo para sa kanya. natulog ba naman ako buong byahe




"Maraming salamat apo, talagang dalaga na talaga ang mga apo ko." Nakangiti niyang sabi




"Pasensya na po kung wala akong mabibigay na regalo, nakalimutan ko po kasing bumili." Kamot ulong sabi ko




"Wag ka maniwala r'yan lola marie, mas inuna pa kasi nyan makipag landian sa pro-" Hindi na natuloy ni Rachel ang sasabihin niya ng salpakan ko ng tinapay ang bunganga niya




Wala talang preno ang bibig




"Hindi na mahalaga ang regalo mga apo, ang mahalaga nakapunta kayo ngayong araw." Masayang saad ni lola kaya napangiti ako




Kahit hindi kami niya mga apo ay parang totoong lola na rin ang turing namin sa kanya.



"Syempre naman po, ganyan ka namin kamahal." Sabi ni Rachel na nilalantakan na ngayon ang tinapay


"Asan pala sila Toby?" Tanong ko kay Rachel



Nilunok niya muna ang tinapay bago magsalita "Ayon bumalik sa mga pagkabata" Turo niya sa dalawang nakikipag habulan sa mga bata



"Si Chen naman sinamahan niya si ate mo magpalit." Taka kong tinignan si Rachel



Ano namang gagawin dito ni Ate? Masyadong busy na tao si ate para sumama rito. tsaka hindi rin naman niya kilala si lola marie


PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now