27

5.1K 124 5
                                    

LUNA

Siguro kung ako yung babaeng sinasabi ni Ma'am, baka ilibing ko na si ma'am ng buhay ngayon

"You're cheater. Ma'am" Pagak pa akong tumawa.

"Balik na tayo dun, Ma'am." Aya ko sa kanya bago pa siya makapag salita

Baka lalo pa manikip dibdib ko kapag about na naman sa babaeng mahal niya ang mabanggit niya

Tumayo naman siya kaya nauna na akong maglakad.

Gusto ko naba siya? Bakit kasi nagbigay pa siya ng motibo sakin kung may mahal na pala siyang iba

Pwede naman kasi na 'wag na siya pumayag noon sa pilit na kasal na naganap sa amin e

"Bakit naka busangot ka?" Tanong ni Rachel

Naiwan si ma'am kasi tinawag siya ni Sydney

"May sakit ata ako sa puso."

"Baka sa utak." Natatawa pa niyang saad

Walang kwentang kaibigan ampota

"Saan galing yan?" Tanong ko ng mapansin ko ang inaayos na mga tent

Fire retardant bell tent with stove hole ata ang tawag dyan kung hindi ako nagkakamali

Parang na excite tuloy ako kasi first time ko matulog dito, dati kasi nong pumupunta kami rito hindi kami pinapayagan na abutin ng gabi kahit may mga kasama naman kaming bodyguard

"Malay ko. Baka sa sugar mommy mo." Naka ngisi pa niyang saad kaya nairap nalang ako

Ayan siguro ang tutulogan namin kasi maliit lang naman ang bahay ni Lola Marie. sa aming magkakaibigan si Chen lang ang naiiba sa amin. May kaya naman sila pero hindi gaya namin, pero kahit na ganon hindi naiiba ang turing namin sa kanya.

Kami nga ang dahilan kaya nakapag aral siya ng university nong una ayaw niyang pumayag kasi gagastos pa raw kami para sa kanya. pero dahil dakilang makukulit kami ay napapayag namin siya sa huli

"Nagkagusto kana ba sa isang tao?" Biglang tanong ko

Nag isip muna siya bago sumagot "Oo, pero mga character nga lang sa movies." Proud pa nyang sabi

Wala talaga akong aasahan na matinong sagot sa isang to. sabagay masyadong strict parents niya

"Mga apo hali na kayo. nakahanda na ang mga pagkain." Tawag sa amin ni lola kaya lumapit na kami

Nakahanda na sa mahabang lamesa ang mga pagkain. Mukhang order pa yung iba kasi hindi naman ganyan yung nakita kong niluluto nila, may cake rin na malaki sa gitna

"Dun kana tumabi kay Prof. Mariano." Sabi ni Seven na inagawan na ako ng upoan

Napa buntong hininga nalang ako bago lumapit kay Ma'am. Tahimik lang siya habang nakatingin sa ibang niluto ni Lola Marie, hindi siguro siya familiar sa iba

"What do you want to eat?" Tanong niya ng makalapit ako sa kanya

"Kahit ano nalang"

Nilagyan nalang niya kanin yung plato ko. kumuha rin siya ng mangkok para lagyan ng adobo

Adobo lang ang kinuha niyang ulam. siguro alam niyang favorite ko kaya yon lang ang kinuha niya

"Here." Lapag niya ng plato sa harap ko

Naghugas nalang ako ng kamay kasi wala ata silang kutsara at tinidor dito. marunong naman akong mag kamay, ewan ko lang dito sa katabi ko

"Salamat." Mahinang sabi ko

PROFESSOR MARIANO (Editing/Revising)Where stories live. Discover now