LUNA
"Manang, nakita niyo ba si Elyse?" Tanong ko sa isa naming katulong
Andito kami ngayon sa mansion kasi dinaanan namin si yelo, iniwan ko dito kanina sa may sofa si Ma'am kasi kukunin ko lang si yelo pero pagbalik ko naman wala na siya
"Nakita ko po siyang umakyat sa taas." Sagot niya kaya tumango nalang ako
Ibinaba ko muna si yelo bago umakyat. ano naman gagawin niya sa taas?
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si mommy na kakalabas lang ng kwarto ko, sa may kabila sana ako dadaan ng tawagin niya ako
"Hindi mo man lang ba kakamustahin ang mommy mo?" Saad niya na nagpagulat sa akin
This is the first time na siya ang unang kumausap sakin. tapos gusto niya pang kamustahin ko siya
Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. ibang iba yung mukha niya ngayon, dati kasi kapag nakakasalubong ko siya wala kang makikita na kahit anong emosyon sa mga mata niya pero ngayon halo halo yung nakikita kong emosyon. mukha siyang masaya na malungkot
"K-kamusta po kayo?" Nautal pa ako dahil sa kakaibang nararamdaman
Masaya ako kasi kinausap niya na ako pero at the same time nagtataka ako kung bakit ganito siya bigla
"I'm fine, you? how's life with your wife?" Bahagya pa niya hinaplos ang pisngi ko kaya hindi ko na napigilan ang pag bagsak ng mga luha ko
I waited this for a long time. nagkakatotoo na ba yung mga hiling ko noon? kasi kung oo hihiling pa ulit ako
Charot, baka sabihan na akong abusado ni papa god
"Shh stop crying." Punas niya sa mga luha ko
"M-mommy" Tanging nasabi ko at niyakap siya ng sobrang higpit
Lalo pa akong napaiyak nang yakapin niya ako ng mahigpit. hinahaplos niya rin likuran ko
"Pasensya kana kung marami na akong pagkukulang sayo bilang mommy mo." Umiiyak na rin siya
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya bago ako magsalita "Kahit napakarami niyo na pong pagkukulang sakin hinding hindi ko kayo kakamuhian dahil umaasa akong mamahalin niyo rin ako gaya ng pagmamahal mo kay kuya at ate. mahal ko po kayo kahit kinamumuhian niyo ako." Pagak akong tumawa
Ilang taon ko rin hinintay yung pagkakataon na mangyayare to. kahit pa ilang beses niya akong pinagtaboyan noon bibigyan ko pa rin siya ng chance para bumawi sakin, gusto ko rin maramdaman yung pagmamahal niya na sa dalawang kapatid ko lang niya pinaranas
"I'm sorry anak, masyado akong naging bulag sa mga nangyayare noon." Naiiyak niyang saad
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Taka kong tanong sa kanya
"Listen, wag na wag kang pagtitiwala ng basta basta sa mga taong nakapalagid sayo." Sabi niya at hinaplos pa niya ulit ang pisngi ko
Nagugulohan ko naman siyang tinignan "Hindi ko po kayo maintindihan." Nagugulohan kong saad
Anong hindi dapat ako magtiwala ng basta basta sa mga taong nakapaligid sakin? si mommy naman, ngayon na lang ako kinausap pero pinapa overthink pa ako dahil sa mga sinasabi niya
"Sige na anak, puntahan mo na ang asawa mo. nasa office ata siya ng daddy mo." Kahit nagugulohan ay tumango nalang ako
Lutang ako habang naglalakad patungong office ni daddy, parang naiwan pa ata utak ko dahil sa mga sinabi ni mommy