Chapter 24: Tease (2)?

8 0 0
                                    

Akiesha's POV.

Nakaramdam ako ng konting pagyugyog at ng imulat ko ang aking mga mata ay si Urry pala ito.

"Lunch na hehe",batu nito.


Kumain lang kami kahit na wala naman akong malasahan. Para lang di kami magutom pag dating.


Maya maya pa ay tumunog ang intercom.

Ang sabi ng piloto ay malapit na kami sa lalapagan. Mas malapit ito sa unang destinasyon na napagpasyahan ng paglapag. Kaya hindi na kami magbibiyahe ng matagal.


Nagready na kami ng aming mga sarili.

Ako naman ay kinakabahan na may halong excitement dahil unang beses kong makarating ng palawan.


Here we come PALAWAN 

Sana ma-enjoy ko itong 2 nights na bakasyon dahil sa susunod na mga araw ay may pasok na naman.

Ilang minuto lang ay lumapag na ang eroplano at excited kaming bumaba.

Inintay lang namin si Manong dahil binaba nya rin ang van saka kami nagpatuloy sa pagbiyahe patungo sa venue ng gathering.

Family gathering ito ng pamilya ni Urry but since family na rin ang turing nila tita samin ni Leslie ay pinasama nya kami.

Sabi pa ni Tita ng tumawag kay Urry at nakausap namin ay baka raw mabored si Urry doon pag walang kasama.

Hindi kasi kami sumasama noon dahil sa ibang bansa sila pumupunta at ngayon lang sila nagpasyang magsalo-salo sa pilipinas.

Halos kasi lahat ng kamag anak ni Urry ay nasa ibang bansa at ang mga natira dito sa Pilipinas ay ang negosyo nila na pinamamahalaan na ng 3rd-4th-5th generation ng pamilya.

Mabilis lang ang biyahe dahil agad kaming nakarating sa hotel na tutuluyan namin.

Mamayang gabi gaganapin sa isang Isla rito sa palawan ang okasyon pero halos lahat ay andoon na. Kami lang ang nagbook dito sa hotel dahil sa dami ng kapamilya nito na syang mananatili sa isang Villa doon.


Hindi kasi naka early-pagbook sila kaya naman iisang villa lang ang narent. Well okay lang daw kesa naman watak watak ang mga ito dahil malalayo ang pagitan ng bahay mula sa bahay na mismong gaganapan.

Nasa bungad lang kasi ng isla ang paggaganapan dahil tabing dagat ito at malapit din lamang dito sa hotel.


Bumaba na kami ng sasakyan at kanya kanyang kinuha ang maleta at pinamili kanina.

Kaming dalawa ni Urry ang magkasama sa kwarto habang si Leslie naman ay mag isa.

Tumawag na rin kanina si Kuya Bryan na may nakausap na syang magbubukas ng bar kaya naman on the way na rin sya.

Dumiretcho na kami sa elevator pagkakuhan ng susi ng room namin at saka umakyat.

Pagpasok ng kwarto ay nagulat kami dahil may isang maleta na naroon.

"Hi".bati ng isang blonde na babae.

"Hey, cous. andito ka pala." masayang bati ni Urry.

Nailang naman ako dahil nakita kong di kami kasyang tatlo sa kama.

"Oh, by the way Kesh it's my cousin Lily, and cous. this is my bestfriend Akiesha", pagpapakilala ni Urry.

"Di ko alam na may kasama ka pala, akala ko mag isa ka lang dito sa kwarto mo so I said to the receptionist not to tell you to surprise you, I'm sorry cous." sabi pa nito na may pagkaslang.

My Cold BoyfriendWhere stories live. Discover now