Chapter 7: Promises

1.3K 18 0
                                    

Akiesha Miest POV.


"Hey, babe", kalabit sakin ni Miggy. Nasa bench ako sa labas ng school namin 1 week kasi namin bilang magkasintahan kaya naman napagpasyahan naming mamasyal after ng class hour.

" O,? bat ngayon ka lang ? 😒😒 ",kunwari tampong tanong ko sa kanya.

" Sorry babe ahh? traffick kasi e, nagcommute lang kasi ako."sagot nya, pero nagcross arms lang ako at tumalikod para kuwaring galit ako.

"Babe .. Sorry na, I love you", pang lalambing nga sakin. Alam na alam nga talaga kung paano ako amuin kapag nagtatampo tampuhan ako. Isang I love you nya lang ayos na kahit 1 week pa lang kami e, matagal nya naman akong niligawan.. Kasi di naman ako easy to get hahaha..

" O, sige na nga ,I love you too",kunyaring napipilitang sagot ko hehehe..

Agad naman niya akong inakbayan."So saan tayo pupunta ?", tanong nya.

"Kahit saan basta ikaw ang kasama ko", kinikilig na sambit ko.

" O sige, manunuod nalang tayo ng sine then dinner date okey ba yun sayo ?",nakangiting saad nya.

"Okey", sabi ko.

Nagcommute lang kami papunta sa pinakamalapit na mall para manuod ng sine. Magkaholding hands kami mula pagsakay sa jeep hanggang sa pagpasok sa loob ng sine.

Lovestory ang panunuorin namin tutal weeksary naman namin hehehe, pagpasok sa loob pumwesto kami sa pinakaitaas sa may pinakagilid para daw romantic pag madilim hehhee....

Ilang minuto na matapos magsimula ang palabas ito na yung time sa movie na nagtataksil ang lalaki sa girlfriend nya. Tapos nahuli nya ito, iyak ng iyak si girl sa nasaksihan nyang paghahalikan ng pinakamamahal nyang kaibigan at ng bestfriend nya.

She feel betrayed and hurt at the same time . Maya maya may naramdaman akong pumisil sa kamay ko at dun ko narealize na umiiyak na din pala ako.

" Hehehe, sorry na carried away lang ako",sabi ko sabay punas ng luha ko.

"Babe , Look at me," he said, at iniharap nya ako sa kanya.

"What?",nagtataka kong tanong.

" I promise , Hinding - hindi mo mararanasan kung ano man ang naranasan ng babaing yan sa movie, di kita sasaktan at ikaw lang ang mamahalin ko",panimula nya.

"I'll do everything to make you happy, I'll love you until my last breathe,kaya di ka dapat maapektuhan sa movie na yan dahil hindi naman yan mangyayari sayo", dugsong pa nya. "I'll die if I hurt you because I love you so much", sinserong pahayag nya habang nakatingin lang sa mga mata ko.

" I love you too", saad ko saka sya niyakap.

Krrriiinnngg......

tunog ng Alarm Clock ko nagising ako sa isang panaginip na ngayo'y bangungot na para sa akin.

Yung mga ipinangako nyang di nga tinupad ang ngayo'y gumagambala sa aking isipan.

Lalim diba ? hehehe.

Punyemas ! pa promise promise pa sya e mas malala naman yung ginawa nya at naranasan ko kesa dun sa nangyari dun sa pinanuod namin movie noon..

My Cold BoyfriendWhere stories live. Discover now