2nd Shot: You And Me
“Hoy Mimi! Ang liit na nga ng paa mo, pati ba naman kamay mo?!” singhal ko sa kaniya
Hindi ko nga alam kung ba’t nandito siya. Nung tinanong ko siya.. Ang sabi niya..
“Gusto lang kitang makasama ngayon, ano ka ba!”
“Epal ko rin talaga Makani, ‘no? kahit naman maliit paa ko. Mas Malaki mga daliri ko sa ‘yo!” singgal niya rin sa akin.
“Kahit tignan mo pa oh!” Sabi ko sa kaniya
Saka ko hinablot yung kamay niya at ipinatong ang mga palad ko sa mga palad niya.
Hu..huh? Ba’t parang sobrang kinakabahan ako? Ba’t parang may kuryente na dumadaloy sa mga katawan naming dahil nag-connect yung mga kamay namin?
Agad ko naming binitawan ang kamay niya at umiwas ng tingin.
“So..Sorry Mimi” sabi ko ng mahinahon
Tumahimik ng ilang Segundo saka siya nagsalita
“Hahaha! Ang cute-cute mo! Hoy Makani, mauna na ako ah? Andiyan na sundo ko eh.” Sabi ni Mimi sa akin.
Kahit na ang lakas-lakas ng tawa niya, ang ganda-ganda pa ring pakinggan.
“S-sige, Bbye. Mag-iingat ka!” At niyakap niya ako.
Kahit sandali lang kaming nagka-usap at nagkasama, feeling ko, ang haba-haba pa rin nung oras na yun.
Siya si Mimi. Siya ang seatmate ko simula palang Grade 5 kami.
Napaisip tuloy ako, ano ba yung naramdaman ko kanina nung nagka-hawak kami ng kamay?
Ang sabi kasi ni Mama, baka daw crush yun. Pero sabi ko naman sa kaniya..
“Kay Mimi?! May crush ako kay Mimi?! Sa tinagal naming magka-kilala, ba’t ngayon ko lang naramdaman ‘to?!”
Pero tinawanan lang ako ni Mom. Bakit? Hays.
Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang gitara ko. Kagagaling lang ditto ni Mimi sa bahay naming pero parang feeling ko, kasama ko pa rin siya.
Yikes, ang creepy naman nun. Parang obsessed ako sa kaniya.
Te-teka. Pano naman ako ma-oobsessed sa kaniya eh hindi ko naman siya gusto?!
Nag-strum nalang ako sa guitar ko at kumanta..
NP: You and Me by Lifehouse
What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time
Pansamantala akong tumigil.
Bakit ko ba iniisip si Mimi?
'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all other people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you
Totoo kaya ‘yung sinasabi ni Mom? Na may gusto ako sa kaniya?
Sa tingin ko, meron nga akong gusto sa kaniya. Ayan, inamin ko na.
“Makani, Darliiiiiiiiiiiiiing! Bumaba ka na and we’ll eat na”
Binaba ko na muna ‘yung gitara ko at bumaba na.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories. [19]
Short StoryThere is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje