19th Shot: Siya

104 4 0
                                    

Siya.

Isa siya, kung hindi man pinaka, sa mga magaganda sa campus. Simula Prep, Elementary, Highschool, hanggang College. Siguro siya ang nasa isip nung taong gumawa ng salitang 'Diyosa'.

"Para kang diyosa Agatha! Ganda mo talaga." Sa babae pa mismo galing 'yan ah. Suki rin siya sa mga Crush-shoutouts sa mga social media sa University.

Isa rin siya sa mga matatalino sa Batch namin. With honors ng Elementary, Valedictorian ng Highschool at running for Cum Laude ngayong College.

"Congrats, Agatha!"

"Salamat, Ace! Hindi ko magagawa kung wala ka!"

Pero hindi siya isa doon sa mga mayayabang na porket may Ganda at Talino, wala nang proper decorum, delikadeza. Sobrang down to Earth niya, humble at mabait.

"Agatha, patulong naman ako dito sa homework natin."

"Oo ba!"

Passionate. Isa siyang passionate na babae. Kahit anong gawin niya, nagiging magaling siya nang dahil sa passion niya. Pero sa lahat lahat ng talents niya, pinaka-magaling siya sa painting. Iyon ang forte niya, ika nga nila.

"Sino iyang ipinipinta mo, Agatha?"

"Secret!" Tapos pilit niyang nililihim yung porttrait. Pero nakuha ko din naman saka tinignan maigi.

"Ako ba 'to, Agatha? Hahahah! May pagnanasa ka sa akin?!"

"Hoy wala no! Akin na nga yan!"

Hindi maaaring mawala na napaka-masayahin niya. Kahit saan mo siya makita, lagi siyang naka-ngiti. O naka-tawa. 'Yung tawa niya. Parang musika sa mga tainga ko. Hindi lilipas ang isang araw na hindi ka niya napapangiti man lang. At least, for me.

"Do you know the story of the man with a broken left arm and left leg?" Tanong ko sa kaniya.

"No. Is he okay now?" Kunot noong sagot ni Agatha.

"Well.. You don't have to worry about him. Because he's... alRIGHT now."

"Hahahahahahahaha!"

Family-oriented at God-fearing. Halata na iyan sa kaniya. Mahal na mahal niya ang pamilya niya at ang Diyos.

"Nasasakal na nga ako sa pagmamahal niya eh!" Pabirong sabi ni Tito Ed, Daddy ni Agatha.

"Hala ka Dad! Isusumbong kita kay Agy!" Sabi ni Kuya Darr, pangalawang kuya ni Agatha.

Pero hindi siya boring na tao. Sobrang gaan at saya niyang kasama. Kahit ano o sino kaya niyang sabayan ang trip. Shopping, girl stuff, any genre ng music at books, Game consoles, pagsasayaw, Pokemon, Magic the Gathering o kahit Ragnarok pa 'yan!

"Ang weakling mo naman, Ace!"

"Tatlong beses na kitang natalo ng Tekken 6 oh!" Pahabolpa niya.

One of the boys din siya. Mas sanay kasi siyang makihalubilo sa mga lalaki (may mga kaibigan pa rin siyang babae) kasi apat na lalaki ang kapatid niya. At namatay ang nanay niya noong 10 yrs old siya dahil sa isang aksidente.

"Agatha! Our baby!" Bati sa kaniya ng isa sa ka-tropa ko. Close siya sa Tropa ko eh.

"Baby ka diyan, Mon! Miss you, guys!!" Tapos isa isa niyang niyakap kami.

Isa siyang napaka-buting kaibigan. Sa tuwing may nadedehado sa isa sa mga kaibigan niya, tunutulungan niya. Mapa-utang, advice, yakap o kahit ano oang kailangan ng kaibigan niya, ibibigay niya. Gumaan lang ang pakiramdam nun.

"Okay lang 'yan, Ace. Makakabawu ka pa naman sa Finals!!" Sabi niya habang hinahagod ako. Sa aming dalawa, ako ang mas iyakin, kahit na lalaki ako.

"Tignan mo nauhugan mo pa ako!" Dagdag niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hehehe joke lang. Labyu Ace!"

Kung iisa-isahin ko ang mga katangian niya, (Oo hindi pa iyan lahat) aabutin tayo ng 2038. Kasi sobrang perpekto niya. Wala ka ng makikitang ibang katulad niya. Napaka-natural niyang babae.

At sino ako? Ako si Ace. Pinaka-matalik na kaibigan ni Agatha. Oo, alam ko kung anong iniisio niyo. Na wala naman talagang perpektong tao eh. Totoo naman, wala naman talaga.

Pero kapag nagmahal ka na? Ang makikita mo nalang sa isang tao ay 'yung mga magagandang katangian niya. Dahil 'yung mga pagkakamali, pagkukulang at nagagawa nating masama? Sila 'yung bumubuo sa atin. Para mas maging perpekto. At iyon ang nakita ko kay Agatha.

Kung sino man sa inyo ang nakakakilala kay Agatha, pakisabi naman na mahal na mahal ko siya at huwag na siyang gabi-gabi umiiyak nang dahil sa akin, kasi nasasaktan din ako. Hindi ko kasi nasabi kahit sa mga huling hininga ko. Paki-sabi na rin na masaya ako dito kasama Nanay niya. Mahal din siya nito. Salamat, mambabasa.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon