-Ikaw Pa Rin-
"May gusto ka ba sa kaniya?"
"Gusto mo pa rin ba siya?"
"Tangina naman, sagutin mo 'yung tanong ko!" Naiinis na ako dito sa kumag na 'to. Tinatanong ko siya ng maayos pero tanong din ang isasagot sa akin.
Sumandal siya sa pader tapos tumingin sa akin saka ngumisi.
"Oh bakit, Jin? Akala ko ba, wala lang siya sa 'yo?" Umiinit na talaga ang ulo ko sa lalaking 'to! Konti nalang talaga!
"Wala ka ng paki-alam dun! Sagutin mo ang tanong ko! May. Gusto. Ka. Ba. Kay. Christine."
"Oo, may gusto ako sa kaniya. Ano naman sa 'yo? Diba pinagsawaan mo naman na siya, 'tol?" Sasagot pa sana ako kaso tinawag siya ni Christine eh.
"Jake! Halika na, magprpractice na tayo!" Nginisian lang ulit ako ni Jake saka pinuntahan si Christine. Saka sila naglakad palayo.
Tangina talaga ng Jake na 'yan!
Pagka-uwi ko, pabagsak kong tinapon ang bag ko sa couch saka padabog na umupo.
"Argh!!"
"Jin, anak? Anong nangyayari sa 'yo?" Ay, nandito na pala si Mommy.
"Wala, Ma.. Uhm, stressed lang po ako." Tinignan niya lang ako na parang sinusuri ako.
"Ma, wala po talaga 'to. So, what's for dinner?" pag-iiba ko ng topic.
"Wala pa. Magluluto palang ako eh. ano bang gusto mo?"
"Kahit ano nalang po."
"Alright then." naka-talikod na siya nang bigla siyang humarap sa akin. "Teka nga pala! Prom niyo na bukas ah! Ready na ba ang isusuot mo, Jin?"
Napa-buntong hininga ako. "Yes, Ma."
"Tinanong mo ba kung anong kulay ng isusuot ni Christine nang sa ganon ay terno kayo?"
Sht. Hindi pala alam ni Mama.
Tumayo ako at kinuha anh bag ko. "Aakyat na po ako."
-PROM DAY-
Hindi naman talaga dapat ako pupunta eh. Gusto ko lang kasing bantayan si Christine. I mean.. ugh. Hindi naman sa 'kami'. Actually, may 'kami' noon pero sinira ko. I cheated on her. Saka ko lang na-realize na mahal ko pala siya. Na hindi ko kayang mawala siya.
Tapos 'yung si Jake naman, mukhang may gusto nga kay Christine at balak pa atang pormahan.
"Good Afternoon po. This way po sa Registration." sabi sa akin nung usherette. Sinundan ko lang siya. Pagkatapos kong mag-register, umupo na ako sa upuang naka-reserve para sa akin. Padagdag kami ng padagdag, hanggang sa magstart na ang program. Halata naman sa mga estudyante na walang interesado sa mga speech at pagkain at sayaw lang ang habol.
At ayan na, natapos na kaming kumain at na-open na rin ang dance floor. Kaya ang mga lalaki ay tumatayo at hinahanap ang mga babaeng gusto nilang maging first dance nila.
Tinitignan ko lang si Christine. Ang ganda niya sa pula niyang dress. Bagay pala kami ngayong gabi. Nakapulang polo shirt kasi ako, black tux atsaka black tie. Tatayo na sana ako para yayain siya pero hindi pa ako nakakahakbang nang naka-lapit na si Jake. walangya.
Inalok ko 'yung katabi kong sumayaw para tumabi sa kanila, para marinig 'yung pinag-uusapan nila.
"Alam mo bang kapag hindi ikaw 'yung first dance ko, hindi na ako sasayaw buong gabi?" gago 'tong Jake na 'to. Ang landi, puta.
"Ah! Kinakabahan ako!" Sabi niya tapos umiwas ng tingin kay Christine. Oo, alam ko sobrang ganda niya! Pero akin lang siya! Buti nalang naka-ballroom position lang sila sumayaw!
Buti nalang natapos na 'yung kanta. Nagpasalamat siya kay Jake, uupo na sana kaso may humarang sa kaniya, gusto ulit siyang maka-sayaw. Iba talaga ang ganda niya.
Umupo nalang muna kami nung isinayaw ko. Lahat ng mga sayaw niya, binabantayan ko. Bakit ganun? Alam kong pagod na siya (kasi ang taas ng heels niya) pero naka-full blast pa rin ang ngiti niya?
Tapos biglang inannounce na last five minutes nalang para sa sayaw. Nataranta ako. Tumayo ako agad para hanapin si Christine. Pero tangina. Naunahan nanaman ako ni Jake!
"Oh diba? Para first and last dance!" Naka-ngiti pang sabi ni Jake. Hindi pwede 'to!
Buti nalang kamag-anak ko 'yung coordinator namin kaya pinaki-usapan ko siya na kahit dalawa pang last songs. Just in case, may maka-una nanaman sa akin.
Nung magstart ng mag-play 'yung susunod na kanta, hinanap ko siya at ayun nakita ko siyang may kasayaw nanaman. Ganiyan ba talaga siya ka-ganda? Napabunting hininga ako. Buti nalang pala dalawang kanta pa 'yung pina-play ko.
Hindi pa natatapos 'yung kanta ng natapos din silang sumayaw. Pabalik na sana si Christine nang hagipin ulit siya ni Jake! Puta talaga ng lalaking 'to!
"Last na 'to, Christine. May sumayaw kasi ulit sa 'yo, pagkatapos ko kaya hindi ako 'yung naging last dance mo. Para last dance talaga." sabi pa uli niya. Pucha naman oh.
Hindi pa ulit natatapos 'yung kanta eh pina-upo na siya ni Jake, Panigurado, pagod 'to. Nagsisimula na 'yung pangalawang kantang pina-tugtog ko. Mukhang gulat 'yung mga estudyante. Siyempre, hindi nila ineexpect na may susunod pa pala.
Tinakbo ko na papunta sa table niya. Nag-iisa siya sa upuan at hinihimas 'yung paa niya.
Lumuhod ako sa tabi niya. Mukhang nagulat siya kasi napa-tigil siya eh tapos napa-tingin pa sa akin. Nginitian ko lang siya tapos inalis ko 'yung sobrang taas niyang heels. Ayan, naka-paa na siya ngayon. Ayan, mas gusto ko.
Tumayo ulit ako atsaka inilahad ang kamay ko sa harap niya. Tinignan niya muna ako bago niya kunin iyong kamay ko.
Ang sarap sa pakiramdam na hawakan niya 'yung kamay ko. Ang init ng palad niya.
Siya ang nag-lead ng position namin. Kaya naka-ballroom position kami. Siyempre, hindi ako payag. Kaya kinuha ko 'yung kamay niya at nilagay 'yon sa likod ng leeg ko. Tapos nilagay ko 'yung mga kamay ko sa magkabilang beywang niya. Mas nilapit ko pa siya sa akin.
"H-hoy Jin." sabi niya na parang hindi komportable sa position namin ngayon.
"Bakit, Christine?"
"Nakakainis ka! Naka-paa kaya ako!" yumuko ako (ang liit kasi niya) at nginitian siya.
"Alam ko. Nararamdaman ko nga 'yun mga yapak mo eh, ang liit. Atsaka mas gusto ko nga 'yan eh. Mas maliit ka sa akin." Sabi ko na naka-tingin deretso sa mata niya.
"Ang yabang mo talaga, kahit kailan! Pero..."
"Pero salamat ah? Pagod na rin kasi ako eh. hehe." sabi niya habang naiiling-iling. Nginitian ko lang ulit siya.
Mas inilapit ko siya sa akin. 'Yung tipong halos magdikit na 'yung bibig ko sa tenga niya.
"Christine.." Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko pero naka-pikit at naka-ngiti siya, at nakikisabay sa tugtog.
"Hmm?"
"Ikaw pa rin. Mahal pa rin kita. i'm sorry, sa lahat." Sinabi ko 'yan nang buong puso ko. Totoo lahat 'yan. Mahal ko pa siya. Hindi ba halata?
Sana sabihin niyang mahal niya pa rin din ako. Sana patawarin niya ako. Sana kami nalang ulit. Sana huwag niya akong itaboy. Sana hindi pa rin naglalaho 'yung feelings niya sa akin. Sana.
Mga ilang segundo akong naghintay ng sagot niya pero bigla niya akong naitulak at naimulat niya ang mga mata niyang may mga luha niya.
Nginitian niya ako. "Sorry, Jin.. Ikaw pa rin naman pero kailangan mong matuto." Saka siya tumakbo.
Tumakbo ng naka-paa. Tumakbo ng ganun-ganon lang. Tumakbo... kasama ang puso ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories. [19]
ContoThere is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje