Ulit-ulitin mong bigkasin ang Dylan.
Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan. Dylan.
Parang 'Landi' 'yung sinasabi mo 'no?
Pasensiya nalang sa mga Dylan din ang pangalan diyan kung hindi kayo malandi ah.
Pero ito kasing Dylan na kilala ko, ang landi-landi! Para siyang mauubusan ng babae sa sobrang kalandian. Lahat pinapatos niyan. Kahit pangit, mataba, maitim, mabahao. As in lahat, pinapatos.
At 'yung Dylan din na kilala ko...
Mahal ko.
Ang weird 'no? Hindi ko rin alam kung paano nagsimula eh. Basta isang araw, mahal ko na siya.
End of story.
Bakit end of story?
Kasi hindi niya alam na mahal ko siya. Para saan pa, diba? Para paglaruan rin niya ako? Para landiin?
Ayoko ng ganun. Gusto ko, seryosohin niya ako. As if naman magiging kami, diba? Asa pa ako.
Hanggang tingin lang naman ako eh. Nux! Babae ako tapos ako nag-eemote ng ganito? Hahaha.
"Railyn Tasha!"
Bakit ba kasi... siya pa minahal ko, diba? Engot lang.
"Ms. Delgado!"
Haay. Ganun naman tayong mga tao eh.
"Ms. Delgado. I said.. STAAAND UUUP!"
"Ay Dylan Landi!" napasigaw ako tapos napa-tayo.
"Miss Delgado. It seems like you are not paying attention while I was discussing. "
"Sorry Ma'am" Sabay yuko.
"Ano bang bumabagabag sa isipan mo, hija? Sige na, lumabas ka na muna. Bumalik ka nalang sa next class mo."
Ibang klase magpa-labas ng estudyante 'no?
"Yes Ma'am. I'm sorry, again." Napailing nalang si Ma'am
** ** **
"Haynako naman, Railyn Tasha Delgado."
"Eh, kasalanan ko ba 'yun?"
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga, Rai." Tapos hinila na ako ni Krista, best friend ko, papuntang gate.
Uwian na kasi eh.
Tapos bigla siyang napatigil sa paghila sa akin.
"Oh anyare, Krista?"
"Rai! Si Papa Dylan ko!"
"Papa ka diyan! Akin yun eh!"
"Iyo ako?"
Gad. Don't tell me, nasa likod ko siya?
Unti-unti akong humarap..
O.O
Si Dylan nga!
"Ang landi landi mo talaga, Dylan! DyLANDI!"
"Ang sakit mong magsalit, Raita, ah"
"Anong Raita! Diba sinabi ko sa 'yo... tigilan mo na ang pagtawag sa akin niyan! Hindi ako yun eh!"
"Ikaw kaya yun. RAi-lyn TA-sha. Pinaghalo lang."
"Whatever. Ikaw lang kaya ang tumatawag sa akin niyan."
"Edi mas maganda..." Unti-unti niyang nilapit yung mukha niya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories. [19]
Historia CortaThere is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje