17th Shot: Rants of Being the Fangirl's Best Friend

152 3 4
                                    

-Rants of Being the Fangirl's Best Friend-

Dedicated sa 'yo, Berns *O* Loveyou!

***

"Ang gwapo niya talaga 'no?"

"Oo.Sobra." Mas gwapo pa muta ko sa mukha niyan eh.

"Hay grabe! Ang ganda pa ng ngiti niya! Nakaka-inlove talaga."

"Oo nga eh." Lintek na. Maputi lang ngipin niyan. Mas nakaka-inlove pa rin ako ngumiti. 

"Angelo! Tignan mo oh! Siya na 'yung sasaya-- Omg! Ang hot talaga ni Sehun! omg omg!" 

"Oo Joy." Buset. Okay na sana kasi sinabi niya 'yung pangalan kopero sinama pa 'yung pangalan ng koreanong hilaw na 'yun. 

Sino ba kasi nagpauso ng Kpop kpop na 'yan! EXO EXO. Kendi 'yun diba?! Lechugas. Kaya hindi ako makita-kita netong si Joy-MyLab-SoSwit eh. Kpop nalang nasa utak.

"Angelo, manuod ka! Eto 'yung best part eh!" sabi niya tapos tinutok 'yung mukha ko sa screen ng laptop niya.

Eh putek. Ano bang tinitignan ko dito? Kumindat lang naman 'yung isang lalaking parang may sandusenang lollipop ang buhok sa sobrang kulay eh.

"Siya ba si Sehun?" Tumango siya tapos parang nagningning 'yung mga matang naka-tingin sa screen. 

Namo Sehun. Deputcha. Binibigkas ko pa lang 'yung pangalan mo sa kaniya. Inlab na inlab na siya. Walangya ka, dahil ata sa 'yo wala na akong pag-asa kay Joy-Mylab-Soswit ko eh.

Oo tawagin niyo na akong duwag at torpe nang dahil lang sinisisi ko sa Kpop at kay Sehun-panget ang pagkakaroon ko ng walang pag-asa kay Joy. Pero. totoo naman eh! Siya ang dahilan! Siya ang dahilan kung bakit talunan ako pagdating kay Joy. Kung bakit hindi niya ako makita. Kung bakit para sa kaniya, Best Friend lang ako. Siya ang dahilan!

ARGH! Sino bang niloko ko, ano? 

Alam naman nating, ako ang may kasalanan nito. Kung sana inamin ko na sa kaniya 'yung nararamdaman ko, sana hindi ako nag-rarant dito tungkol kay Sehun-panget at sa Kpop na 'yan. Kasi sa totoo lang pagiging duwag nga itong ginagawa ko.

Nang matapos ang pinapanuod niyang Music Video ng EXO, minabuti ko nalang na tanungin siya na,

"Joy, ano bang nakita mo diyan sa EXO at kay Sehun (panget-binulong ko) at kinababaliwan mo sila?" 

Mga isang minuto siguro niyang nilagay 'yung hintuturo niya sa baba niya tapos biglang nagsalita. "Hindi ko nga rin alam eh. Kasi alam mo, Angelo.. Noon, kapag nakakarinig ako ng Kpop. Nandidiri talaga ako. Tinatanong ko sa sarili ko kung paano ba sumisikat ang Kpop eh hindi naman naiintindihan ng tao 'yung mga pinagsasabi nila." Napahinto siya tapos napatawa.

Tumingin siya sa mga paa niya tapos dumretso ulit ng tingin. "Pero isang araw, umuwi ako ng depressed na depressed kasi 'yung taong mahal ko, hindi ata ako mahal..." Napahinto ulit siya tapos napatawa. "...tapos sakto nanonood sina Mama ng Myx sa TV. Sakto ding lumabas 'yung music video ng EXO. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Hindi naman comforting 'yung beat at rythm nung song pero napa-gaan niya 'yung loob ko."

Napabuntong hininga siya. "Nagising nalang ako isang araw, sinisearch ko na sila sa Youtube. Stinastalk ko na sila. Nagkaroon ako ng mga bias. Hangga't sa unti-unting nakalimutan ko na 'yung taong mahal ko." 

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti siya.

"Alam mo, hindi ko man naiintindihan ang mga sinasabi nila.. Nakakagawa sila ng paraan para makapasok sa puso mo. Dun ko narealize na totoo nga 'yung sabi nilang 'Music is the international way of communicating'. Regardless of the language, siyempre."

Tumingin ulit siya ng deretso. "Mahal na mahal ko ang EXO, Angelo. Kasi sila.. Sila natulungan nila akong maka-move on dun sa taong mahal ko. Sa kanila ko na-realize na, mas maganda pala talagang maging Fangirl, kasi atleast hindi ka nasasaktan, 'di tulad ng mahal mo. 

Kung masaktan ka man, marami naman kayo, sabay-sabay pa. Kasi sa pagiging fangirl, gising ka na sa realidad na kahit kailan hindi magiging kayo nung bias mo. Hindi katulad sa taong mahal mo. May chansang maging kayo nga pero may chansa ring wala. Nakakatakot sumugalm masasaktan ka lang."

Akala ko tapos na siya kasi ang haba ng sinabi niya ah! Pero hindi pa pala kasi nagsalita ulit siya. At sa susunod niyang sinabi.. Doon, doon ako talagang nanlumo. Parang pinatay niya ako sa sinabi niyang 'yun. Shet, ang sakit. Deputa. Para akong nalaglag sa 20th floor ng isang building tapos tinadtad ng saksak saka tinapon sa ilog na mabato, sinunog saka sinaksak at hinulog ulit sa building.

"Sobra talaga ang pasasalamat ko sa EXO at Kpop, Bakit? Kasi sila.. Natulungan nila akong maka-move on sa taong mahal ko... Sa'yo, Angelo." 

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon