{A/N: Story po ito ni Idn :) yung pinsan ni Melody Polyn Evans, Marx at Ate Nelly sa 3rd Shot.. Bale, Evans din po siya ^_^
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
IDN KURT EVANS' PERSPECTIVE
Nagbyabyahe na kami ngayon, pabalik sa Baguio. Kami lang dalawa atsaka yung family driver namin.
Tinignan ko siya habang siya naman naka-tingin sa labas ng bintana.
Aish, hindi ako sanay na tahimik siya at hindi nagbubunganga =_=
Simula ng umalis kami sa probinsya at bahay nina Marx at Ate Nelly, hindi na siya umimik. Anong nangyari sa babaeng 'to?
"Hoy Melody! Ang pangit ng mukha mo! Ano bang nangyari sa 'yo?"
Totoo naman kasi.. Merong time na ngi-ngiti siya tapos maya-maya, biglang sisimangot at magpopout nalang.
Hindi pa rin siya umimik. Kadalasan, dapat, iimik na siya kasi hindi nanaman ako nag-ate sa kaniya. Mas matanda naman kasi siya sa akin.
Pero.. siyempre, bilang isang concerned na pinsan..
*batok*
"Melody! Ano ngang meron sa 'yo?"
Tinignan niya ako ng masama atsaka binaling nalang ang ulo niya sa bintana ulit.
"Hoy! ... dahil ba 'yan sa ka-duet mo kanina sa pyesta?"
Bigla naman siyang napa-tingin sa akin. As in seryoso. Hindi ako sanay na ganito siya :/ Nakakatakot 'yung tingin niya ngayon. Tapos unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa akin.
Natural, napa-atras ako. Mas lalo niya pang nilapit yung mukha niya.
"Oi-oi! Pinsan! Melody! Hindi tayo pwede! Magpinsan tayo. Masya-" Naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
"Hindi mo pa nararamdaman."
"H-huh? Ang alin?"
"Alam mo.. Kapag naramdaman mo na yun.. Maiintindihan mo rin ako.. Pero, sa ngayon..."
"Tapos nilapit niya ulit yung mukha niya sa akin. Mas malapit. Atsaka hinalikan yung pisngi ko.
"Hahahaha! Ang pangit mo, insan!" -Melody
"Huwag ka nga!"
Tapos bigla ulit sumeryoso 'yung itsura niya.
"Gusto mo ng isa pang kiss? Hihihih!"
*facepalm*
"Huwag ka nga, Melooooody!" Tapos tinulak-tulak ko siya.
*
Tulog na ngayon si Melody sa balikat ko tapos ako, naka-akbay sa kaniya habang naka-tingin sa mukha niya.
Hep hep hep! Baka ang dudumi ng iniisip niyo ah! we're JUST cousins. Gan'to lang talaga kami.
Habang tinitignan ko 'yung mukha niya, hindi ko maiwasang maisip na..
ANG ABNO TALAGA NG PINSAN KO!
Pero.. kahit na abno siya, alam ko may dinadamdam siya ngayon eh. Siyempre, concern ako. Pinsan ako eh.
Ganito kasi yun..
14 kaming lahat na magpipinsan.
Sa aming magpipinsan, 8 years old 'yung pinaka-bata. Pero hindi yun 'yung tinuturing naming youngest. Kilala niyo kung sino? Malamang hindi =__=
BINABASA MO ANG
One Shot Stories. [19]
Short StoryThere is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje