6th Shot: Payong.

218 6 0
                                    

Umuulan ngayon at nasa waiting shed ako at nag-aantay na tumila ang ulan.

Naka-tingin ako sa langit habang ang mga kamay ko ay binabasa ko sa tubig ulan.

Kailan ka ba titila, ulan? Nag-hihintay ako. Nag-hihintay ako.

Tapos biglang tumila ang ulan.

Maraming salamat po.

Saka ako umalis sa waiting shed at nagsimulang maglakad pauwi.

Pero sa 'di inaasahang pgkakataon, bigla nanamang umulan ng malakas pa sa kanina.

Akala ko tumila na. Hindi pa pala.

Ngpatuloy nalang ako sa paglalakad. Wala naman na kasing waiting shed na malapit. Alangan namang bumalik pa ako.

Pero nagulat nalang ako nang may nag-payong sa akin.

"Mababasa ka niyan."

"Marx?" tanong ko. Ay bobo, ba't ko pa tinatanong eh siya naman talaga 'yan?

"Sige na. Kunin mo na itong payong ko." Ang gwapo niya ngayon. Kailan ba hindi?

Napatingin ako sa payong na pinapayong niya sa akin.

"Paano ka?" Nginitian niya lang atsaka tumalikod at naglakad.

"Marx!" tawag ko sa kaniya. "Salamat ah!" sigaw ko pa at tumakbo na habang hawak-hawak ang payong niya.

Niya. Ng taong mahal ko.

Kinabukasan. Kinabukasan ng kinabukasan ng kinabukasan ng kinabukasan.

Ganoon lang ang nangyayari.

Uulan. Wala akong payong. Bigla siyang susulpot tapos aabutan ako ng payong. Aalis na siya.

Paulit-ulit.

Kung minsan nga, sinasadya kong huwag magdala ng payong eh.

Saan napupunta ang mga payong na ibinibigay niya? Tinatago ko. Siyempre, bigay niya eh.

Ngayon, nasa waiting shed ulit ako.... pero hindi na umuulan.

Tumingin ako sa langit.

Sana.. sana umulan. Nag-hihintay ako. Nag-hihintay ako.

Nakaka-tuwa lang, dati, hinihiling ko na sana tumila ang ulan. Samantalang ngayon, hinihiling kong sana umulan.

Nang sa tingin ko'y hindi na uulan, walang ano ano'y umalis na ako sa waiting shed at nagsimulang maglakad.

Magpapakita ka kaya ulit kahit hindi na umuulan?

Habang naglalakad, mas umiinit. Ang lakas ng tirik ng araw. Idagdag pa na naglalakad lamang ako. Sobrang pinagpapawisan na ako.

Pero nagulat ako ng,

"Mainit. Kailangan mo ng payong." saka inabot sa akin ni Marx ang payong na dala niya. Inabot ko naman iyon.

Napa-titig lang ako sa kaniya.

"Sige, aalis na ako, Marie." saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo na.

Hindi ko na ito kaya. Lagi nalang niya akong iniiwan pagka-tapos niyang magbigay ng payong sa akin! Hindi ito maaari.

Kaya naman,

*pok*

Napa-lingon siya.

Binato ko kasi sa likod niya 'yung payong na ibinigy niya.

"Bakit mo ko binato ng payong?" kalmadong sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya.

"Eh ikaw! *dinuro duro ko siya* Bakit mo na ako laging binibigyan ng payong?" *Medyo* kalmadong sabi ko.

"Uhh... Kasi kailangan mo?"

"Kailangan ko? Marx naman! Hindi mo ba iniisip ang mga bagay na gusto ko?!" sabi ko na medyo pataas na ang boses.

"Anong ibig mong sabihin, Marie?"

Napa-buntong hininga ako ng malalim.

"G-gusto kita.. Marx." sabi ko ng naka-yuko.

Wala ako nakuhang sagot kaya napa-tingin ako sa kaniya.

"Wala ka bang isasagot?"

Pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay niyakap niya ako. >/////<

"Salamat at sumagot ka rin." Huh? @.@

Napahiwalay ako sa yakap.

"Anong ibig mong sabihin, Marx?" Pero nginitian niya lang ako at naglakad na palayo.

Ganun nalang? Iiwan niya nalang ako dito?

** **

Pag-uwi sa bahay, dumeretso ako sa kwrto ko at nilabas ang kahon na naglalaman ng mga payong na ibinigay niya sa akin. Ewn ko pero parang may nagsasabi sa loob ko na gawin ko 'to.

Isa-isa kong binuklat ang mga payong. At sobrang nagulat ako.

Naiiyak na ako. Napa-upo ako sa kama ko habang humahagulgol.

Anong naka-lagay?

Sa isang payong ay may naka-lagay na isang letra. Na may nabuong phrase.

At sa phrase na iyon kaya ako naiiyak.

G  U  S  T  O  K  I  T  A.

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon