Minamahal kong Mie,
Mahal mo ako.
Mahal kita, hindi mo alam.
Hindi na kita mahal, 'yan ang alam mo.
Mahal ka ng Best Friend ko, Alam ko, pero hindi mo alam.
Mahal nga pa rin kasi kita, pero hindi alam ng Best Friend ko.
Mahal mo pa rin ako, alam ko, pero nasaktan 'yung Best Friend ko.
At,
Pakakawalan kita, para sa Best Friend ko.
Isusuko ko ang 'pagmamahal' ko sa 'yo, para sa Best Friend ko.
Hindi mo alam na kaya kita pinagtatabuyan, para sa Best Friend ko.
Mahal kita pero mahal ko rin ang Best Friend ko.
Ayaw kitang nakikitang nasasaktan, mas lalo naman sa best friend ko.
Utol ko 'yun eh. Pare. Bro's.
Nandun ako, nandun ako sa likod niya. Siya naman, nasa harap mo at may dalang gitara habang kumakanta. Ikaw, tuwang-tuwa. Best Friend mo rin kasi siya. Hindi mo alam na mahal ka niya. Kaya walang malisya sa 'yo kung haranahin ka niya.
Pagka-tapos ka niyang kantahan, niyakap mo siya. Sabay sabing,
"Thank you sa birthday present mo, Best Friend Gee." buti pa siya may yakap mula sa 'yo. Eh ako?
Nagulat ako nung habang magka-yakap kayo, tinignan mo ako. Kaya napaiwas ako ng tingin.
Gusto rin kitang haranahin. Gusto kitang yakapin. Gusto ko kausap ka palagi. gusto ko.
Kinagabihan nung araw na 'yun, nag-gm ka tapos sabi mo..
"'yung feeling na nahuli mo siya na nakatingin sa 'yo. Yieeee." sabi mo.
Gusto kitang replyan kaso ayoko. Hindi pwede. Mahal ka ni Gee. Hindi pwedeng malaman ni Gee na mahal ko pa rin ang ex ko na Best Friend niya na mahal niya.
Nakipagbreak ako sa 'yo kasi sabi ni Gee, mahal ka niya. Kaya nagpa-raya ako. Best friend ko yun eh. Pero hindi alam ni Gee na ex kita. Hindi kasi natin sinabi.
Hindi ko makakalimutan 'yung mga araw na may 'tayo'. Nung wala pang 'Gee'.
"Eight, hindi mo ako pakakawalan ah?" sabi mo sa akin.
"Oo naman, Mie! Neverr!" sabi ko pa nun habang kinukurot yung ilong mo.
Pero, ano? Eto ako, pinipilit ang sarili kong pakawalan ka.
Bakit? Kasi kailangan. Kasi dapat. Para sa utol ko.
Kakaiba ka talaga, alam mo 'yun? Kasi nung nakipagbreak ako sa 'yo.. Eto ang sabi mo oh:
"Okay! ^___^ Baka gusto mo lang na ako naman ang manligaw sa 'yo eh! Sige sige, break na tayo! Ako naman manliligaw!"
Sinong matinong babae ang magsasabi niyan after break-up, diba?
Nandun din ako nung umamin siya sa 'yo. Ang sakit sobra. Pero sabi mo sa kaniya,
"Gee, hindi kita mahal. Ay! Mahal pala kita pero hindi sa paraang gusto mo, sorry." imbis na ikaw ang mag-walkout, si Gee pa ang nag-walkout.
Kaya naiwan tayong dalawa.
Lumapit ka sa akin saka sinabing, "Ano, Eight, nasaktan ko na si Gee. Pwede na bang tayo ulit?"
Pero mali ka. Kasi ang pinaka-iiwasan kong mangyari, ang lahat ng pagsasakripisyo ko, nasira nang dahil sa 'yo. Kasi, nasaktan pa rin 'yung utol ko.
"Eight, mahal mo pa rin naman ako, diba?" tanong mo sa akin. Pero hindi. Dapat akong tumanggi.
"H-hindi, Mie. Hindi na kita mahal. Kay Gee ka na. Sa kaniya ka dapat." sabi ko sabay talikod.
Kasabay ng pagtalikod ko ang pag-uunahang pagbagsak ng mga luha ko.
Masakit. Sobra. Kasi mahal kita eh. Pero kailangan kitang pakawalan. Kahit na parang hindi ko pa kaya sa mga panahong iyon.
Kinabukasan, nalaman ko nalang na kayo na ni Gee. MASAKIT. sobra as in. Todo. todo. Gusto ko ng mamatay sa sobrang sakit. Sana hindi nalang ako nabuhay sa sobrng sakit.
Pero kasalanan ko rin naman diba? Pero hindi.
Kailangan kitang pakawalan. Para sa ikabubuti mo. Dahil sa tingin ko, mas bagay kayo ni Gee. Mas mamahalin ka niya. Maging masaya sana kayo.
Sa ngayon, tunuturuan ko ang sarili kong pakawalan ka, kahit na sobrang nahihirapan ako. Ang hirap mo kasing pakawalan. Magnet ka ata eh. Magnet ng puso't isipan ko.
Bago kita pakawalan, gusto ko sanang malaman mong... mahal na mahal kita, kahit na hindi mo na ata 'to mababasa.
Bago kita pakawalan, gusto kong malaman mong, ginawa ko lang ang lahat ng 'to, para sa 'yo rin.
Bago kita pakawalan, gusto kong malaman na masaya ka kasama si Gee.
Bago kita pakawalan, gusto kong malaman mo na ginawa ko ang lahat para pakawalan ka, kahit na SOBRANG hirap na talaga.
Bago kita pakawalan, gusto kong malaman mo na, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL TALAGA KITA.
Ano pa ba?
Ay oo!
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL TALAGA KITA!
-Eight
Isinara ko ang papel na pinagsulatan niya na ngayon ay basang-basa na dahil sa luha ko.
Pagka-tapos kong basahin iyon, sobrang nag-breakdown ako. Iyak lang ako ng iyak ng iyak ng iyak.
Mahal kita Eight. Mahal na mahal din kita.
Nasasaktan din ako tulod mo. Sobra. As in. Tagus-tagusan eh. Ang sakit.
Alam mo 'yung feeling na sa sobrang sakit, ang tanging kaya mo nalang gawin ay umiyak na umiyak? Yun kasi ang ginagawa ko ngayon.
Sobra na akong nanghihina. Sobra akong nasasaktan. Doble doble pa ng pagkasakit nung sa 'yo.
Ikaw kasi..
Eight.... bakit mo ako iniwan?
Bakit kailangan mo pang mawala sa mundong ito. Mundong parang walang saysay simula ng nawala ka.
Lumabas akong tumatakbo sa kwarto mo, at dumeretso kung nasaan ka ngayon. Nadaanan ko pa si Tita, mama mo, pero hindi ko na siya pinansin, dahil alam kong nasasaktan din siya ngayon.
Pagka-rating ko kung nasaan ka.
Napaupo nalang ako at ibinato sa 'yo ang sulat.
"Ang daya-daya mo naman eh! Bakit mo ako iniwan, EIGHT?!" Sinipa ko pa ang semento na nagtataklob sa iyo.
Saka napaluhod ulit at nag-iiiyak. Umiyak ng umiyak ng umiyak. Kung bakit kasi, kinailangan mo pang mamatay?!
Naramdaman ko rin na umuulan na pero bakit hindi ako nababasa?
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Gee. And best friend ko na utol mo.
"Halika na Mie." sabi niya saka ako tinayo at inakay papalakad at papalyo sa 'yo.
Pero huminto ako at lumingon muli sa 'yo.
Saka binulong ang,
"Bago Kita Pakawalan, magiging masaya ako. Kasama si Gee. Tulad ng gusto mo.Pero sa tingin ko, hindi ka na mapapalitan sa puso ko."
-END-
-BABA ;D
BINABASA MO ANG
One Shot Stories. [19]
Short StoryThere is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje