8th Shot: Isang Ngiti Mo Lang :)

207 8 2
                                    

Sa isang ngiti mo, nahulog ako sa ‘yo.

Isang ngiti lang? Eh pano ba naman.

Sa tuwing ngumingiti ka, para kang isang model ng toothpaste o di kaya naman ay mouth wash. Ang puti kasi ng mga ngipin mo, mas maputi pa sa uniform ko.

Tapos para siyang kumikinang-kinang, mas makintab pa sa mukha ko.

Ngumiti ka. Ayan ka nanaman, ngumingiti. Ang gwapo gwapo mo talaga. Kailan mo kaya ako mapapansin? Pansinin mo naman ako oh.

Lord, please naman oh, gawa naman kayo ng paraan para mapansin niya ako.

“HOY TINAYRA! MAY ASSIGNMENT PA TAYO. TITIG NA TITIG KA NANAMAN SA PICTURE NG BAKLANG ‘YAN!”

Lord, hindi kop o sinabi na ‘siys’ ang pumansin sa akin.

“TINAYRA!”

 

“Opo, TASYO!” sigaw ko rin pabalik sa kaniya.


Itinago ko muna ang picture ni Owy sa wallet ko. Tapos hinarap na ‘yung napaka-dami kong homeworks.

 

“Pupunta-punta ka ditto sa bahay naming, tapos tititigan mo lang pala picture nung bakla?”

Marahan akong humarap sa kaniya at tinapat ang hintuturo ko sa gitna ng mata niya.

“HOY TASYO! IKAW KAYA ANG NAGTAWAG SA AKIN! LITSI! AT! Hindi kaya bakla si Owy! Excuse me lang ah!” tapos sininghalan ko siya.

“Bakla pa rin siya sa paningin ko.”

“Che. Inggit ka lang.”

 

“Saan? Sa ngiti niya? Eh mas gwpo pa ako diyan eh!”

 

“WEH? San band aka gwapo? Wala ka pa nga sa kulangot ni Owy eh!”

“Hmph. Gwapo ko lang. Aminin mo na kasi” Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa Physics Homework ko. Epal ‘to!

Matapos ang isang oras, tapos na rin ako sa Physics homework ko. Si Taze, yung kausap ko kanina? Ewan ko. Tinalikuran ko matapos kong hindi pansinin eh.

Pagka-talikod ko, naka-higa siya sa couch tapos nakatakip yung notebook niya sa mukha niya. Haynako, ‘ting lalaking ‘to talaga.

Tumayo ako at inalis ang notebook sa mukha niya.

Napa-titig ako. Ang gwapo mo talaga, kahit kalian. Sorry ah?

Sorry kasi hindi ko masabi sa ‘yo na mas gwapo ka kay Owy, oo na.

Sorry ulit kasi hindi ko masabi sa ‘yo na ‘yang ngiti mo..

Talo pa ang ngiti ni Owy. Alam mob a kung bakit?

Kung si Owy kapag ngumingiti, parang endorser ng toothpaste o mouth wash.

Ikaw, sa tuwing ngumingiti ka, hindi ka man parang endorser.. bentang-benta pa rin ‘yang ngiti mo sa puso ko.

Alam mo kung bakit? Kasi nagwawala yung puso ko sa tuwing ngumingiti ka.

Kung si Owy kapag ngumiti, parang kumikinang-kinang ang ngipin. Ikaw naman, kapag ngumingiti, tumatalbog-talbog ‘yung puso ko.

Anu ba ‘yan. Isang ngiti mo lang, wala na ako.

Isang ngiti mo lang, nahulog na ako.

Isang ngiti mo lang, tunaw na puso, isipan at buong pagkatao ko. Nababaliw na ako.

Isang ngiti mo lang, mahal na kita agad.

Cliché? Oo. Kasi Bestfriend kita, tapos mahal kita higit pa doon.

Pero sa tingin ko, ‘yung ending natin, hindi cliché. Bakit? Kasi wala naman akong balak sabihin sa ‘yo ‘yung nararamdaman ko eh.

Bakit pa, diba? Hindi rin naman ganito ang nararamdaman mo eh.

Para saan pa? Masasaktan lang ako. Masisira lang ang pagklakaibigan natin.

Nagulat ako nang bigla kang dumilat at napa-ngiti nang Makita ako.

“Bumangon ka na nga diyan” mahinahong sabi ko kahit nagwawala na ang buong Sistema ko.

Bumangon ka naman. “Hindi ka na galit sa akin?” tanong mo na ang lapad lapag ng ngiti.

“Hindi na. Kaya bilhan mo ako ng Nachos, dali!” sabi ko nang naka-ngiti na din.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti mo. Hay, Rafael Taze, huwag ka ng ngumiti, please!

“Opo Ms. Rafaela Tinayra!” tapos tumayo ka at nag-salute pa.

Ngumiti lang ako. Sa tingin ko, itong nararamdaman ko para sa ;yo, itatago ko nalang sa pamamagitan ng isang… ngiti.

Palabas ka n asana sa may pintuan pero lumingon ka ulit sa akin sabay sinabing…

“Mahal din kita. Isang ngiti mo lang.”

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon