11th Shot: Green Apple

217 6 2
                                    

“Ma, gusto ko po ng mansanas. ‘Yung green.”  Sabi ko kay Mama tapos naupo sa kama ko.

“Osige anak. Ikukuha lang kita sa baba. Dito ka lang muna ah.” Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan, napabuntong hininga nalang ako.

“Paano naman po ako hindi dito lang eh hinang-hina po ako?” Pabulong na sabi ko sa sarili ko.

Napasandal ako sa headboard ng kama ko at napapikit.. Ang sakit ng katawan ko, ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng bawat galaw ko, pero ang pinaka-masakit sa lahat?

‘Yun ay ‘yung wala ka na. Wala na.

Binukas ko ang mga mata ko at kinuha ang picture natin sa side table ko. Picture natin. Nasa may hospital garden tayo nun. Naka-upo sa bench. Parehas na naka-suot ng hospital gown na para sa mga pasyente. Naka-tingin sa camera. Naka-ngiti.

Bigla akong naluha.

Pinikit ko ulit ‘yung mga mata ko. Gusto ulit kitang maramdaman. Andiyan ka ba? Magparamdam ka naman oh. Sobrang miss na kita. Kamusta ka diyan sa langit? Binabantayan mo ba ako? Gustong-gusto na kitang makita, Green.

Nang marinig ko na ang mga yapak ni Mama sa hagdan ay dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Pero hindi ko binitawan ang litrato natin.

Bumukas ang pinto.

“Apple.” Si Mama

“Po?”

“Eto na ‘yung mansanas mo.” Nilagay niya sa side table ko ang isang bowl na may green apple.

“Salamat po.” Pero hindi ko pa rin siya tinitignan. Naka-tingin lang ako sa picture natin.

“Apple, anak, maiwan muna kita.”

“Sige po, Ma.” Tapos sumara na ulit ‘yung pinto ko.

Kumuha ako ng berdeng mansanas atsaka kinagatan ito.

Green, naaalala mo ba? Dito nagsimula ang lahat, hindi ba?

*FLASHBACK*

“Anong sabi mong pangalan mo?” sabi sa akin ng isang lalaki dito sa ospital na pasyente rin. Nakaupo lang siya dito sa bench ng garden sa ospital tapos bigla nalang niya akong kinausap. At tinanong ang pangalan ko. Tapos ngayon nga ay tinatanong niya ulit ako.

“Apple nga.” Tapos bigla siyang natawa. Anong mali?

“Ah.. Mister.. Bakit ka po tumatawa? Cute naman po ‘yung pangalan ko ah?”

Bigla siyang napatigil. “Ah oo! Oo! Cute naman yung pangalan mo, bagay nga sa ‘yo eh.”

“Eh bakit ka po natawa?”

“Bagay kasi tayo.”

Medyo nasamid ako dun sa sinabi niya. “P-po?”

Napailing siya tapos medyo natawa. “Hindi mo pa tatanungin kung ano ang pangalan ko?”

Na-caught off guard naman ako. Ni hindi ko man lang pala tinanong ‘yung pangalan niya. Ang sama ko naman.

Itatanong ko palang sana kung anong pangalan niya pero nagsalita agad siya.

“Ako si Green.”

“Green-minded ka?” wala sa sarili kong tanong.

Napatawa nanaman siya.

“Bagay talaga tayo.”

“Huh?”

“Mukha kang apple.” Nang-iinsulto ba siya o ano?!

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon