7th Shot: Goodbye, Crush (BernAndre)

234 8 0
                                    

“*Singhot* *iyak*”

“Berna, manahimik ka nga!”

“Huhuhuhu. *singhot*”

“Hoy Bernadette! Love Story po ‘yang pinapanuod mo. Dapat kinikilig, hindi umiiyak.” Naiinis na sabi ni Mona.

“Eh! Nakaka-iyak kasi eh!” sabi ko habang umiiyak pa.

Oo, umiiyak ako sa isang love story. Kung bakit? Eh kasi naman! Ang sweet kaya! Nakaka-iyak tuloy. Nandito kami sa bahay namain. Kaming dalawa ni Mona, nanunuod ng K-drama na love story.

“Haynako, Berna. Edi kapag nagging kayo na ni Andre, iiyak ka lang?”

Agad namang nagusot ‘yung mukha ko. Bumusangot ako.

“Ew lang ah! Past is past ‘no! Naka-move on na ako ah!” sabi ko habang tumalikod sa kaniya.

Naka-move on na nga ba?

Pero bakit ganun? Sinabi lang ni Mona ‘yung pangalan na ‘yun, nagwawala na ‘yung puso ko?

“Emote emote ka diyan Berna! Ikaw kayang tumulak sa kaniya palayo!”

“Eh kasalanan niya rin naman kasi eh!”

Totoo naman ‘yun. Kasalanan niya talaga.

Sino nga ba siya? Siya si Andre. Crush ko siya simula pa noong Third year kami. Hindi ko alam pero sa lahat ng nagging crush ko, siya lang ang hindi lumayo sa akin.

In fact, medyo mas naging close pa nga kami. Noong mga oras na ‘yun, hindi ko alam kung anong meron sa amin. Kasi naman, lagi siyang sweet sa akin. Ayoko namang umasa pero iyon nga kasi ang ipinapakita niya sa akin.

MU? MU ba ang tawag sa amin? Hindi ko rin alam. Wala naman kasi siyang sinabi sa akin na gusto niya ako. Sabihin niyo ng makapal ang mukha ko pero feeling ko ipinaparamdam niya sa akin na gusto niya ako. Kaya Baka nga. Just Maybe. MU kami.

Nung nag-senior na kami, ganun pa rin siya. Sobrang sweet sa akin. Eh kamusta naman si Ako? Edi siyempre, kikiligin. Malamang lang, diba.

Pero ang hirap. Ang hirap kasing magka-gusto sa isang taong hindi mo alam ang nararamdaman para sa ‘yo. Kung ano k aba sa kaniya. Ang hirap. At sa sobrang hirap, minsan masakit na.

‘Yung mga iba kong kaibigan, pati si Mona, sinasabihan na ako na nahihibang na ako o nagpapaka-tanga lang ako kay Andre. Nasasaktan ako kapag sinasabi nila ‘yon. Nasasaktan ako kasi alam kong totoo.

Pero hindi pa rin ako nagpa-tinag. Hindi ko pa rin siya nilayuan. Kasi naniwala akong ‘baka nga’ may gusto din siya sa akin.

Pero isang araw, nalaman ko nalang na tintextan niya ‘yung bagong transferee sa school naming. Nagalit ako nun. Sobra. Kasi akala ko, ako lang. Pero hindi pala. Babae ako kaya stinalk ko ‘yung tinextan niyang transferee. Si NENE.

Pagka-kita ko palang sa litrato niya, nanlumo ako.

Maganda siya. Maputi. Chinita. Cute. Sexy.

Eh ako?

Maganda naman daw ako, sabi ng ilan. Hindi ako kaputian, alam ko ‘yun. Malalaki at bilog ang mga mata ko. Kung cute ang pag-uusapan. Oo cute naman ako. Sexy? Chubby ako.

Ano namang panama ko, diba? Kahit sinong lalaki, mas pipiliin siya. Kahit sinong lalaki, hindi ako pipiliin.

Ano ba ‘yan. Nagiging Keira na ako ng Second Option eh.

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon