Dedicated to @MonicaBebemon. Hihi, Thank you for adding this to your RL! :DD
=AKO NALANG=
[Anj]
“Gusto mo ba siya?” tinanong ko siya.
Apat na salita pero sobrang sakit na.
Please. Sabihin mo hindi. Please. Ako nalang, Oh. Please.
Sasagot ka na sana pero dahil siguro sa sobrang takot ko malaman ang sagot mo,
“Ah! Levi! Hatid mo na nga lang ako pauwi! Baka hinahanap na ako eh!”
Saglit kang tumingin sa akin tapos tumayo ka at nilahad mo ang kamay mo sa harap ko.
Kinagat ko ‘yung thumb mo. Haha
“Yah! Anj, masakit!” sabi mo nang naka-kunot noo pa tapos minamasahe ‘yung thumb mo.
Hinila ko ‘yung kamay mo tapos tumayo na din.
“Hehe. Oh, tara na!” Nauna na akong maglakad sa ‘yo.
Pero may napansin ako.
“Oh, where’s your car?” sabay harap sa ‘yo.
“I brought my bike.” Ang tanging sabi mo atsaka mo hinila ako papunta siguro sa bike mo.
“Bago ba ‘yan! Ohmygosh, it's a Moto Guzzi California 1400!” Excited na sabi ko tapos umupo na ako sa bike mo at kinuha ang helmet. Na para naman talaga sa akin. May pangalan kasi ako.
“Hoy Levi! Tara na! Bagal bagal! Excited na ako subukan ‘tong bago mong baby!”
Peron aka-tayo ka lang dun. Ano pa bang hinihintay mo?
“Levi?” Tinignan mo lang ako. Saka ka lumapit tapos inalis ako sa pagkakaupo ko dun sa motorbike mo.
“At sinong nagsabing diyan ka uupo?”
“At saan naman ako uupo, aber?!” sabay lagay ng dalawa kong kamay sa bewyang ko.
So, anong ibig mong sabihin? Iiwan mo ako dito? Hindi mo ako ihahatid?!
Stinart mo na ‘yung engine tapos nilagay mo na rin ‘yung helmet mong may pangalan ka rin.
Tapos tinignan mo ako. “Oh ano Anj, tatayo ka nalang ba diyan? Upo na!”
Ang gulo mo!
BINABASA MO ANG
One Shot Stories. [19]
Short StoryThere is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje