12th Shot: "May gusto ka lang sa akin eh!"

238 8 2
                                    

DEDICATED TO YOU! THANK YOU FOR READING MY ONE-SHOT STORIES PO! ^__^

Hinahabol ako netong babae na 'to sa field ng school. "May gusto sa akin si George mga pipol!"

"Wala!" Ganting sigaw ko naman. Wala talaga akong gusto sa kaniya!

"Ang pangit mo kaya! Lubayan mo nga ako!" dagdag ko pa. Mas binilisan ko pa ang takbo atsaka dumeretso sa classroom.

*

*

"May gusto ka lang sakin eh!"

Lintek na! Ang ingay talaga ng babaeng 'to!

"Manahimik ka nga, Mia."

"Kunyare sungit sungit. Pakipot ka pa eh!"

Napatayo ako.

"Wala nga akong gusto sa 'yo, okay?!" Napupuno na talaga ako sa babaeng 'to!

Alin ba sa wala akong gusto sayo ang hindi niya maintindihan?!

Nagsimula na akong maglakad palabas ng classroom para sana makaiwas na sa kaniya. Pero hindi siya nagpatinag.

Sinundan niya ako.

"George. George. George of the jungle, watch out for that tree! Hoowut!" kinanta niya yung theme tune nung isang cartoon show sa Disney noon.

Nakng. Inasar pa ako. Di hamak naman na mas gwapo ako dun sa timang na cartoon character ng yun na tatangatana kaya laging nauuntog sa puno!

Napatigil ako sa paglalakad nang humarang siya bigla sa dinaraanan ko, galing sa tabi ko.

"Yieeeee!" tili niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?"

Mas lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako. Lintek, lalaki ako pero ba't parang baliktad kami?!

"Kunyare nalang, hindi ko alam na ako 'yang iniisip mo! Hihi." Hagikhik ni Mia tapos bumalik na sa classroom.

Argh! Nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun! Wala nga sabi akong gusto sa kaniya!

Wala!

"Oh George, 'yang mukha, pakiayos naman." masamang tingin ang pinukol ko kay Tim.

"Si Mia namaman?" walang ganang tumango ako.

"Tol naman! Bakit kasi hindi mo nalang aminin na gusto mo nga siya?"

"Hindi ko nga siya gusto! Peste! Hindi nga! Wala akong gusto sa kaniya! Tol, may standards naman ako! Atsaka tignan mo nga siya! Ang pathetic niyang tignan! Siya pa talaga ang naghahabol sa akin ah? Shet ang landi!" Naibulalas ko.

Hindi ko rin alam kung saan galing 'yung mga 'yun. Alam kong mejo harsh yung mga sinabi ko pero kasi napupuno na rin ako.

Sasagot sana si Tim, na kaka-balik sa pagkagulat pero may narinig kaming kalabog sa may bandang likod namin.

Napalingon kaming dalawa pero isang babae lang na tumatakbo ang nakita ko, namin. Hindi ko nalang pinansin yun.

****

Kinabukasan,

Late akong nagising kaya natural late din ang pasok ko. Napanaginipan ko pa kasi ‘yang maingay na Mia na ‘yan. Kasalanan niya lahat!

Pagka-pasok ko ng classroom, umupo agad ako sa upuan ko. Pinagalitan pa nga ako ng teacher ko eh. Kesyo daw, hindi daw ako role model bla bla bla. Hindi ko na inintindi pa yung mga susunod na mga sinabi niya kasi biglang may pumasok ng classroom, tapos umupo sa seat niya which is katabi nung akin.

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon