I

102 5 0
                                    

AVERY

"GOOD MORNING! Welcome to Primera Café!" Bati ng coworker ko sa babaeng pumasok ng shop. Dumiretso agad ang babae sa counter para mag order.

Alas tres y medya na ng umaga kaya paparami na ang mga customer. Karamihan sa mga customer namin ay ang mga call center agent at nurses na graveyard ang shift. Meron din namang mga customer na galing sa malapit na bar at club na nagpapa baba ng tama bago umuwi. 

"Good morning Ma'am! I'm Avery your cashier for this morning, what's your order?" Bati ko. Habang nakatingin ang babae sa menu hindi ko maiwasang maobserbahan siya. Mula sa kanyang hazelnut na buhok hanggang sa labi at mga mata na ang lamig kung tumingin.

Grabe naman ang ganda ng babaeng to. Pinagpalang pinagpala ni Lord. Sa isip isip ko at di maiwasang ma-conscious sa sarili.

"I'll take one tall hot matcha latte and croissant." Order niya. 

"I'll repeat your order ma'am. One venti matcha latte and one croissant. Is that all?" Confirm ko sa order niya at tumango naman siya.

"That will be 386 pesos po. Card po ba or cash? Here's your order number po." I asked and she handed me her card.

Grabe nakaka pressure ang tinginan ni ma'am pero kiber lang at tuloy ang trabaho. May ilang minuto na lang bago ang end ng shift ko.

"Avery paki deliver mo nga muna itong mga order na to. Si Kaye na muna papalit sayo." Utos ng manager kaya naman sinimulan ko na magdeliver.

Order no. 27, ang last na ihahatid ko na order pero hindi ko makita kung nasaan.

"Kier! May napansin ka bang order no. 27?" Tanong ko sa kasamahan ko dahil naikot ko na yung shop pero di ko pa rin nakikita eh.

"Hindi, try mo icheck ulit pati mga nasa sulok na table baka nag cr lang yung customer." Sagot niya na siya ring ginawa ko.

At hindi nga nagkakamali si Kier, nasa sulok si order no. 27 na busy sa kanyang phone.

"Good morning Ma'am! Here's your order." Lapag ko sakanyang order. Di ko na naman maiwasang maobserbahan siya ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay ngayon naman nakakunot ang kanyang noo. Di ko na lamang pinansin pa at umalis din agad para makatulong pa bago matapos ang shift ko.

SAKTONG alas kwatro ang out ko kaya heto ako ngayon naghihintay ng jeep pauwi ng apartment. 

"Oh Avery di ka pa rin nakakasakay?" Tanong ni Ate Kara ang manager namin.

"Wala pang jeep ate eh. Puro papunta sa inyo ang dumadaan." Pagkasabi ko nun ay may dumating na jeep para kay ate Kara.

"Oh diba? Ingat ate pasundo ka na lang kay kuya Peter sa kanto niyo!" Sagot ko at tumango lang siya bago sumakay ulit sa jeep.

Sana all makakauwi na

Habang nag aabang ng jeep, sa may hindi kalayuan napansin ko yung babae sa shop kanina na hinaharas ng mga sa tingin ko ay lasing na mga kalalakihan. Malimit ang mga ganitong tagpo kung malapit sa shop pero dahil may kadilimang parte na'to ng shop ay talagang may makakaharap kang kung hindi man lasing ay adik. 

"HOY! TANGINA NIYO ANONG GINAGAWA NIYO SA BABAE?" Sigaw ko at tumakbo papunta sakanila.

"H'wag kang pakialamera miss. Girlfriend ko 'to kaya wag ka na makisama." Sagot nung mukhang tatay pa nung babae. Pilit pa rin nagpupumiglas ang babae at eto namang lalaki ay pilit pa rin inilalapit ang mukha sa babae. 

"Baka naman gusto mo lang sumama miss kaya ka nakikialam sa amin ha?Sakto tig isa tayo brad oh." Saad nung isa sabay hawi sa buhok ko na siyang ikinakilabot ng katawan ko. 

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon