AVERY
ALAS singko na ng hapon nang dumating kami sa school. Pagkababa ng mga estudyante ay kanya kanyang unat sila ng katawan dahil bukod sa nangawit sa byahe dahil sa traffic ay pagod rin. Pagkatapos rin non ay nagkanya kanya na kami sa uwi pero hinintay ko muna yung dalawa dahil mag babanyo daw muna, at di sila nakababa kaninang stopover dahil mga tulog.
"Grabe Avery ganon pala ang ginagawa niyo pag Tree Planting. Masaya kaso jusko nakakangawit at sobrang pagod feeling ko super haggard ko na." Saad ni Camille habang naglalagay ng powder sa mukha.
"Eh sino ba kasi ang nagsabi na 'nakakaganda ang sariwang hangin'?" Tanong ko sakanya habang nagsusuklay ng buhok.
"Syempre based on my own belief lang yon ante no." Saad ni Cams.
"Ante saan banda nakakaganda yung sun burn?" Tanong naman ni Jaime na nasa loob ng cubicle.
"Morena vibes na kasi tayo nun ante ko." Rason ni Cams. Nang matapos kaming tatlo ay lumabas na kami agad. Si Cams at Jaime ay nasa iisang dorm lang, sa may susunod na ekinita lang naman yon samantalang ako ay apartment naman. Mula senior high school ako ay dun na ako nakatira at wala naman akong problema dun kaya hindi na rin ako umalis.
"Ikaw Avery maghihintay ka pa ba ng jeep?" Tanong ni Jaime sa akin. Rush hour kasi ngayon kaya panigurado ay pahirapan ang pagsakay ng jeep dahil puno.
"Tricycle na lang siguro pero may bibilhin muna ako sa grocery." Sagot ko.
"Oh sige una na kami ah? Ingat ka."
"Ingat ka ante. Yang ganda mo pa naman ang type ng mga manyak." Paalala ni Camille. Pagkatapos nilang magpaalam ay naglakad na sila samantalang ako naman ay pumara na ng tricycle.
Bibili muna ako ng mga necessities dahil ubos na rin ang mga stocks ko sa bahay. Ako lang naman mag isa sa buhay kaya wala ako gaano bayarin, pinaka luho ko na ang bumili ng catfood at dogfood para sa mga aso at pusa sa kalye.
"Manong sa may grocery po muna tayo sandali." Saad ko pagka sakay ng tricycle.
Medyo may kalayuan ang grocery sa amin. Iikot pa ng school at papasok sa isang subdivision para sa shortcut. Kahit ganon ay nakakatakot pa rin ang daanan dahil sa madidilim na daanan ng subdivision at walang gaanong bahay dun.
Pagkarating sa grocery ay sinabihan ko si kuya na hintayin ako dahil saglit lang naman ako at konti lang din ang bibilhin ko. Tinignan ko na ang listahan ko sa phone para makasigurado sa mga bibilhin ko.
Surf powder, surf bar, safeguard, shampoo, conditioner, napkin, wipes, noodles, pancit canton
HABANG pauwi ako ay bumuhos na ang kaninang nagbabadyang ulan. Habang nasa daan ay may napansin ang driver ng tricycle na may nasiraan sa may madilim na parte ng subdivision na may kalapitan na sa exit.
"Ma'am itatabi ko lang po saglit yung tricycle ah? Tulongan lang po natin yung nasiraan." Paalam nito na sinagot ko naman ng isang tango. Naisip ko rin na umuulan kaya kahit sino ay hindi gugustohin ang ganitong sitwasyon kaya pumayag na rin ako.
Pagkatabi ng driver sa gilid ay parang naaninagan ko kung sino ang nasiraan sa may gilid.
"Ma'am ano po nangyari?" Tanong ng driver sa babae at ako naman ay bumaba rin ng tricycle para sana payungan si manong at pagkatanong ng driver ay humarap ang babae sa amin.
"Miss Olivares." Saad ko at gulat na napatingin naman sa akin ito. Basang basa na rin si Miss at halata na nilalamig.
"You... are the representative of my morning class right?" Tanong nito sa akin sabay taas ng salamin niyang bumaba.

BINABASA MO ANG
The Thorns and Roses of Avery
RomanceWhat would you do if three gorgeous women were smitten over you?