IV

48 5 0
                                    

AVERY

LUMIPAS ang ilang araw ngayon na ang Tree Planting Activity. Sa huli ay napilit din ni Camille si Jaime gamit ang pang guguilt trip dito at blackmail. Tungkol naman sa pangyayari dun sa babae nung nakaraan ay kinuhanan lang ako ng statement tungkol sa nangyari. Ang kinalaban pa talaga ng mga lalaking yun ay mayaman, may ari daw ng isang kilalang kompanya sa buong Asia yung babae. Makapangyarihan daw ang angkan ng mga yon. 

tsk tsk tsk maling mali ang kinalaban ng mga lalaking yon.

"Kasalanan mo to Avery kung hindi ka kasi naging representative at nagbida bida dati edi sana di ako nasa sitwasyon na to." Panunumbat ni Jaime. Ganyan lang yan pero wala naman talagang kahulugan yan, nagrereklamo lang talaga siya.

"Kasalanan ko nagpadala ka kay Camille? Ginusto mo rin naman yan kasi kasama natin si Carlo na isa sa representative ng ECE." Pang aasar ko sakanya. Totoo naman eh nung makita ni Jaime ang list ng mga sasama nagpakipot pa ito ng konti kay Camille bago pumayag dahil nakita niya ang name ng crush niya.

"Hoy di ko crush yon. Nagagalingan at gwapuhan lang ako sakanya." Dipensa niya

"Ganon din yon accla. Gusto mo ba ipakilala kita?" Pang aasar ko pa. 

"Manahimik ka na nga baka dumating si Camille at marinig ka pa. Dagdag pa yon sa mang aasar sa akin at hindi pa ako titigilan alam mo naman bunganga nun." Saad nito. Hindi alam ni Camille na may 'nagagalingan at gwapuhan' si Jaime.

Maaga ang call time namin dahil mas maganda raw na mag umpisa ng maaga na hindi pa sikat ang araw dahil mahirap na raw pag mataas na ang sikat ng araw dahil sa init. Kaya ngayon maaga kaming nasa school at hinihintay ang ibang kasama. Sagot ng school ang mga gagamitin namin sa activity at ang kailangan lang namin ay sumama kaya okay na rin. 

Agad din dumating si Camille na ready na dahil anlaki ng bag na dala nito akala mo ay sasama ng field trip. Nagtawanan ang mga co-representative ko ng makita ang dala ni Camille kaya naging tampulan ng pang aasar si Camille. Dalawang bus ang gamit ng buong school at kami naman tatlo ay umupo sa isang three seater na upuan ng bus para hindi na kami magkakahiwalay. Habang nasa biyahe tuloy pa rin ang pang aasar kay Camille.

"Cams may kape ka ba diyan?" Tudyo ng isa sa mga sumama na ka block namin.

"Oo, wag ka na umasang bibigyan kita." Pag susungit ni Camille. Grabe rin ang kamalditahan ni Camille pag nasumpungan siya pero grabe rin ang kabaitan nito.

"Aling Cams may tinapay ka bang dala?" Pang aasar ng iba. Marami pa ang mga ginamit na pang aasar sakanya pero kahit na sinusungitan sila ni Camille ay binibigyan pa rin naman niya ng pagkain ang mga 'to. Isa si Camille sa kilala sa department namin dahil sa pagiging palakaibigan nito at madaldal, malayo palang ay alam mo nang siya yung dumadaldal at tumatawa. Samantalang ang nakapagitna sa amin at katabi kong si Jaime ay tulog na tulog na akala mo ay walang ganap sa paligid. Dahil malayo pa rin naman ay naisipan kong matulog na rin at dinamdam ang lamig ng byahe. 

PAGKARATING namin sa lugar ay bumungad sa amin ang malamig na simoy ng hangin at ang ibang mga kasama sa activity na'to. May mga bagong mukha akong nakikita siguro ay dahil marami na ang pinayagang sumama sa activity ngayon.

"GATHER AROUND STUDENTS!" Sigaw ng organizer sa amin. Excited naman kaming hinatak ni Camille papunta sa harap. Hyper na hyper pa siya ngayon ewan ko na lang mamaya pag natapos ang event. 

Goodluck sayo mamaya Camille. Panigurado mag rereklamo ka mamaya. 

"Good morning students, faculties, Ms. Giordano, and her company." Bati ng emcee. Napatingin ako sa kabilang side kung saan may nakahiwalay na grupo. Marami rami rin sila at tulad namin ay dalawang bus din ang dala nila. Sa pinaka likod ng grupo ay may babae sa likod na namumukod tangi sa lahat dahil din siguro sa ganda niya na na mukhang may lahi at mayaman. Napadako mata nito sakin at nagulat ako sa kung gaano siya nakaka intimidate kaya nahiya ako at nag iwas ng tingin.

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon