V

60 7 2
                                    

AVERY

PAGKABALIK ng mga kaibigan ko sa area ay nagulat sila sa nadatnan. Inabutan nilang tulog si Tori sa balikat ko habang ang paa ay nakataas pa rin. Kaya ginising ko muna ito saglit para puntahan ang mga kaibigan ko.

"Tori gising." Pang gigising ko dito. At nang magmulat ito ay sinabi kong aalis muna ako saglit para asikasuhin mga kaibigan ko at tumango lamang ito bilang sagot. Kaya umalis na ako at lumapit sakanila.

"Grabe nag tree planting lang tayo may naging kaibigan ka na agad at ang sweet mo naman sakanya ah? May pa tulog pa sa balikat mo samantalang ako ginigising mo pag ganon. Plastik!" Pag dadrama ni Camille. 

"Kaya nga no ante ko? Pag tayo tulog aalis siya ng walang paalam pero dun nagpaalam pa. Wow naman talaga." Segunda ni Jaime. Napapakamot na lang ako sa ulo ko dahil dito sa dalawang to. 

"Hala ka Avery. Nagtatampo at selos mga jowa mo." Pang aasar ni Jay sa akin.

"Na sprain kasi yung tao tapos ayaw ako paalisin kanina kaya hindi ako-" Di pa ako tapos magsalita nang pinutol nito.

Bakit ba ang hilig ng mga tao ngayon putolin mga sinasabi ko?

"Hindi! Wag ka na mag paliwanag. We've seen enough!" Padramang saad nito sabay walk out silang dalawa. Napakamot naman ako sa ulo ko samantalang natawa naman ang ibang mga kasama namin na nakakakilala sa amin. Nagtungo na lang ako sa cooler kung nasaan ang mga refreshers at kumuha ng para sa dalawa kong bebe girls.

"Oh wag na kayo mag tampo mga pabebe girls ko." Pakikipag peace offering ko pero hindi nila ako pinansin at sa halip ay tinalikuran ako.

"Wag na kayo magtampo oh. Eto na oh mga malalamig na juice, may iba pa ba kayong gusto?" Tanong ko pa.

"Grabe talaga tong kaibigan natin ante ko. Sa iba napaka caring sa atin juice lang hindi pa nagdala ng pambara. Hayss" Reklamo ni Camille na nagpahilamos sakin sa mukha.

"Ikukuha kayo saglit. Ano pa ang gusto niyo?" Tanong ko.

"Ay hindi wag na. Kami na lang mukha ka kasing napipilitan." Saad naman ni Jaime pero di ko na pinansin at iniwan ang mga hawak ko bago kumuha na ng tinapay sa table.

"Eto oh tinapay pambara at pambawi sa lakas na nawala sa inyo kanina. Wag na kayo magtampo please." Pagmamakaawa ko sakanila. Tinignan lang nila ako at kinuha yung mga tinapay na nasa kamay ko. 

Habang kumakain ang mga pabebe girls ko ay binigyan ko sila ng cooling wipes para ipunas sa katawan nila at malamigan naman kahit papaano. Napakainit na ngayon dahil mataas na ang araw, mag aalas onse y medya na kasi.

"Pero seryoso ante ko, anyare bakit bigla ka nawala kanina?" Tanong ni Jaime. Matapos nila putolin sinasabi ko kanina ngayon magtatanong sila.

"Kasi kanina pagkatapos ko itanim yung isa may napansin akong bigla napaupo na lang kaya nilapitan ko kaagad. Ayun nung pagkalapit ko tinanong ko kung anong nangyari tapos pagkacheck ko namamaga yung paa niya kaya ginamit ko na yung dala kong bandage na para sana sainyo." Di ko pa ulit natatapos yung sinasabi ko nang putolin ng dalawa.

"Awe ang sweet naman ng Avery ko." Saad ni Camille sabay akbay sa akin at tangkang halikan ako sa pisngi na pilit ko naman pinipigilan.

"Lowkey lang pala ang sweetness ng Avery natin ante ko." Saad naman ni Jaime na mapang asar at hinayaan ko lang sila mang asar muna sakin.

"Oh tapos na kayo? Itutuloy ko pa ba yung kwento?" Tanong ko sakanila.

"Go ante ko."

"Continue ante ko." Sabay nilang sagot.

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon