VII

45 6 0
                                    

AVERY

NANG lumabas si Miss Olivares sa banyo ay sumunod na ako sa pagligo kahit wala na mainit na tubig ang mahalaga ay makapag banlaw agad ako dahil nilalamig na talaga ako. Mahina ako sa lamig kaya kung hindi ako makakaligo agad ay paniguradong lalagnatin ako kinabukasan. 

Hindi ako nagtagal sa paliligo kaya agad rin ako nakapagsimula sa pagluluto. Si Miss naman ay nasa may sala at mukhang may inaayos sa laptop at papel na dala niya.

"Miss gusto niyo po ba ng kape?" Pag aalok ko sakanya para habang naghihintay sa niluluto ko ay may mainit siyang iniinom. Nakakahiya naman at wala ako TV or internet dito sa bahay. Nag aaral lang ako madalas sa may café or sa library ng school.

"Sure. By the way, how should I address you? I only know your surname." Tanong nito sa akin.

"Sige po. Avery will do po Miss." Sagot ko at tinugunan naman niya ako ng tango.

Dali dali naman na ako nag init ulit ng tubig para sa kape. Habang hinihintay ko yung tubig ay nagsaing naman ako dadagdagan ko na lang ng meatloaf pagkain namin. 

Nang  kumulo na yung tubig ay nilagay ko na agad ito sa tasa at dinala kay miss.

"Miss eto po yung kape." Saad ko sabay lapag nito sa may center table.

"Thank you Avery." Pasasalamat nito habang nasa papel pa rin ang atensyon. Mukhang marami siyang paperworks ngayon dahil andami niyang dala kanina mabuti na lang at hindi nabasa ang mga ito sa bag niya.

Itinuloy ko naman ang niluluto ko para agad makakain si Miss kung sakali man na susundoin siya dito. 

Nang matapos ako sa pagluluto ay tinulongan ko muna si Miss itabi yung mga gamit niya dahil wala naman akong dining table dito sa apartment at isang maliit na lugar lang ito na may isang kwarto, lababo, banyo at sala. Sakto lang talaga ang apartment ko para sa isang tao.

"Miss upo na po kayo sa may sala at dadalhin ko po itong pagkain doon. Amina rin po yung basa niyong damit at isasampay ko saglit." Saad ko at sumunod naman ito sa akin. Pagkalagay ko ng mga pagkain sa lamesita sa sala ay kumuha naman ako ng mangkok at kutsara.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Miss na animo ay inoobserbahan ang bawat galaw ko.

Inabot naman sakin ni Miss ang basa niyang damit kaya isinampay ko ito saglit sa sampayan ko dito sa loob para kahit papaano ay ma- air dry ito at kung sakaling susundoin na siya ay medyo tuyo na yon.

Hindi pa rin nagsasandok ng sabaw ang guro pagkabalik ko kaya ako na lang din ang naglagay sa mangkok ng sabaw nito at ganon na rin sa iba pang pagkain. 

"Miss sabaw po para mainitan kayo at mabawasan ang lamig. Wag po kayo mag alala wala pong lason yan." Saad ko ng pabiro bago ilapag sa harap nito ang mangkok.

"Thank you." Ngumiti muna ito bago sumagot at ako naman nagsandok na rin ng para sa akin.

"Nga po pala. Hindi naman po sa pinapaalis kayo ah? Pero may na contact na po ba kayo na magsusundo sainyo or what?" Tanong ko bago humigop ng soup.

Naiilang kasi ako sa presensya ni Miss o hindi lang ako sanay na may ibang tao dito sa bahay? Nakakailang yung pagsunod ni Miss sa akin ng tingin sa bawat galaw ko na para akong nasa isang teleserye para panoorin. At bukod dun ay lumalalim na ang gabi at lumalakas pa lalo ang ulan.

Grabe kanina tirik na tirik ang araw nung nasa activity area kami ngayon naman ay anlamig dahil sa ulan  

"My brother and our driver cannot pick me up because the way they are going to take was already flooded, but I might take a grab and go to the nearest hotel here." Saad niya na para bang may bahid ng pagpapaawa.

"Dito ka na lang po magpalipas ng gabi Miss kung ganon. Mas mabuti po yun dahil madalas pa naman po ang aksidente pag ganitong panahon. Tsaka anong oras na rin po kaya mas mabuti po kung dito ka na lang." Matapos ko sabihin yon ay lumiwanag naman ang kaninang hindi mo makakakitaan ng emosyon.

Ang ganda ni Miss pag ganitong maaliwalas mukha niya. Hindi siya nakakatakot at the same time ay mas nakikita ko ang features niya at naappreciate pa lalo.

"Alam mo miss ang ganda mo po pag nakangiti-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil sa biglang pagtawa ni Miss. Hindi ko sinasadya dahil dapat sa isip ko lamang ito

"Is that so? Why do I look like someone who will claw out your eyes?" Nakatawang saad nito.

"Ma'am hindi po ganon ay! Nagkakamali po kayo ng iniisip!" Pag papaliwanag ko dahil baka mamisinterpret ako nito. Nagulat naman ako ng bigla itong tumawa ng malakas

"Ang ibig ko po sabihin ay iba ang ganda niyo pag ganitong ang aliwalas ng mukha niyo kesa pag nasa school na opo maganda po kayo pero madalas nakakaintimidate po." Paliwanag ko sakanya. 

"Oh ok. Your classmates think of that way as well, don't they? Except the part you were talking a while ago." Tanong nito sa akin.

"To be honest po Miss, yes po. Lalo na nung first meet po namin sainyo after class po andami nagsasabi na nakakatakot daw po kayo kasi nasanay kami kay Sir Abeces po na light lang dahil pala biro po siya." Sagot ko sakanya.

"Which one do you like? The strict teacher or the one you are with today?" Tanong niya sakin. 

"Well for me po it doesn't matter naman eh. I know that you have your own reasons po bakit ganon kayo sa school." Sagot ko.

Wala naman ako pake kung strict or hindi ang propesor na meron kami, ang mahalaga sakin ay ang maitawid ang college. Gusto ko na lang makapag ipon at maenjoy ang buhay ko.

NANG matapos kami kumain ay nag hugas na agad ako ng mga pinagkainan namin, nag offer si Miss kaso nakakahiya naman dahil bisita ko siya tapos paghuhugasin ko.

Pagkatapos ko maghugas ay sinunod ko naman ang kwarto ko at inayos ko para kay Miss. Nagpalit ako ng bedsheet at pillow sheets para hindi nakakahiya kahit kakapalit ko lang. Sa lapag na lang ako matutulog at may air bed naman ako dito na binili nina Cams dahil madalas sila mag sleep over dito sa apartment ko.

"Miss dito na po kayo mag stay sa kwarto." Aya ko kay Miss. Napansin ko na rin na inaantok na siya dahil kanina ay nakaduko na siya sa lamesa kanina. Tumingin lang siya nung inaya ko siya.

"How about you? I can sleep here in the sofa." Saad nito. 

"Okay lang po Miss. Don din po ako sa kwarto matutulog." Sagot ko dito at mukhang nagulat ito sa sinagot ko.

"You'll sleep with me on the bed?" Tanong niya sakin na ikinagulat ko. Nagkamali pa siya ng interpret sa sinabi ko.

"Ay hindi po Miss! Sa lapag po ako matutulog." Sagot ko sakanya.

"We can share the bed. The floor's cold you might get sick." Suggest nito at umiling naman ako bilang sagot.

"Okay lang po Miss. May air bed po ako sa kwarto na inayos kanina." Sagot ko at tumango tango ito bilang sagot bago pumasok sa kwarto. 

"Just call me Hera, Avery. Especially when we are alone." Saad ni Miss bigla.

Hindi ba nakakabastos or something kung yon lang ang itatawag ko sakanya?

"Hindi po ba nakaka bastos yun Miss-"Pinutol nito ang sasabihin ko bigla.

"It's okay. Just call me Hera; I don't mind after all we shared together today." Saad nito at tumango naman ako bilang sagot sakanya.

"Okay po Hera." Pag sunod ko sa kagustohan nito.

Nang makapag settle down na kaming dalawa ay pinatay ko na ang ilaw at ang naiwang nakasindi na lamang ay ang night light ko dito sa kwarto.

"Goodnight and sweet dreams Avery." Saad ni Hera at bigla ako ginawaran ng halik sa noo.

Mwuaaaaah

"Goodnight and sleep well Hera." Saad ko pabalik habang gulat pa rin. 

Magiging mahabang gabi ito. Sana lang ay maitawid ko to ng buhay at hindi bumabaliko. Subok na subok na ako dahil sa dalawang babaeng nakasalamuha ko ngayong araw. 

Haysss

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon