XIV

60 4 0
                                    

AVERY

PAGKAHATID sa akin ni Olivia ay nagmadali naman ako mag ayos para umabot sa oras ng trabaho. Kanina ko lang rin naalala na pupunta ng cafè si Kourtney, kaso ay hindi ko siya inabutan. Nag text at tumawag siya kaso naka off ang phone ko. 

Pagkarating ko sa trabaho ang bumungad sa akin ay si Karl, para ibalita na may pumunta rito at hinahanap ako . 

"Ang tagal nga naghihintay nung babae sayo eh, ang kaso ang sungit naman nito sa amin. Maganda nga napaka sungit naman." Saad ni Karl habang nagbibihis dahil tapos na ang shift niya.

'huh? Masungit? Hindi naman masungit si Kourtney ah?'

"Yun bang tinutukoy mo na babae ay matangkad, medyo kulot ang buhok na mestiza?" Tanong ko para makumpirma kung iisa kami ng iniisip.

Sa sinabi ni Karl mas tutugma ang depinisyon niyang masungit sa tatlong babaeng gumugulo sa buhay ko, pero wala naman silang sinabi sakin na pupunta sila.

"OO! Kasama niya nga mga kaibigan niya na napaka ingay. Andami nagrereklamo sakanila pero ayaw nila magpapigil."Kwento nito.

"May sinabi ba yung babaeng tinutukoy mo bago umalis?" Baka kasi may ibinilin ito. 

"Wala naman. Basta lang sila umalis kaya bumalik din agad ang kapayapaan at katahimikan. Oh paano, una na ako ah?" Saad nito sabay tawa at umalis. Tumango naman ako bilang sagot sakanya.

'Ganon ba talaga sila ka grabe? Bakit parang ang layo naman ng ugali ni Kourtney sa school?'

Dahil Friday na bukas ay may training na naman para sa nalalapit na Sport's Fest. Buti na lang at walang gaanong ganap na inaannounce ang professor namin bukas dahil ang subject namin para bukas ay maghapon 7 am to 7pm.

KINABUKASAN pagkapasok ko ng gym ay naroon na ang mga team mates ko. Late ako ng 15 minutes dahil napasarap ang pagpapahinga. 

"Avelino run for 10 laps and the additional 15 laps dahil late ka!" Sigaw ni Kapitana.

'Kung sinuswerte ka nga naman'

Kada minuto ay isang ikot ang idadagdag sa pag takbo after warm up. 

'Kay agang nagmamantika ko naman nito.'

NANG makapag break kami ay napansin kong wala pa ang mga mutya para sa pageant kaya tinanong ko si Jasmine. 

"Jas! Wala ata yung mga kasama sa pageant ngayon?" Tanong ko. 

"Mamaya pang hapon ang practice nila. Bakit? Kailangan mo ba ng inspirasyon? May something ba sainyo nung sa Archi?" Pang aasar nito sakin.

"tangek wala no." Saad ko sabay higa sa bleacher. 

"Balita ko kayo lang naiwan dito sa gym nung Miyerkules." Pang aasar nito sakin habang nakangiti na parang tanga.

"Wala nga. May ibabalik lang ako sakanya." Saad ko. May ibabalik naman kasi talaga ako at wala naman kami gaano pinag usapan noong naiwan kami.

"May ibabalik daw- Oh ayan na pala yung hinahanap mo oh! Kusa na lumapit sayo di mo na kailangan hanapin." Saad ni Jas kaya napatayo naman ako bigla, at andito nga si Kourtney kasama ang mga kaibigan niya.

'Napakaingay nga ng mga kaibigan niya. Kaya naman pala ganon na lang idescribe ng mga katrabaho ko.'

Ako na ang lumapit sakanya dahil nakakahiya naman kung siya pa ang lalapit sa akin. 

"Hello!" Bati nito sa akin habang nakangiti. Eto naman mga kaibigan niya ay tinutulak tulak siya at inaasar. 

"Hi. Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko. 

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon