III

48 5 0
                                    

AVERY

BAGO natapos ang klase ay isang anunsyo ang ibinigay sa amin. Ito ay para sa annual tree planting ng unibersidad namin, sa bawat section ay 2 studyante ang kailangan sumama, ang mandatory na kailangan sumama ay ang representative at ang ang president ng klase. Ang mga representative ang mga nakikipag ugnayan sa mga teachers ukol sa mga activities, reminders at iba pa. Samantalang ang president naman ang magiging taga pag ayos at organisa sa loob ng klase. 

"As you all know annually ay may ginaganap na tree planting ang school. Hindi rin lingid sa kaalaman niyo na ang mga mandatory sasama sa tree planting ay ang inyong representative at president which is sina Ms. Avery as your class representative and Ms. Louisa as your class president. And due to the public demand, one extra classmate can join." Anunsyo ni Ma'am Deang.

"Ihhh Ma'am, sayang gluta at rejuv ko kung ganon." Saad ni Clarissa, ang kikay ng klase.

"Ms. Lapuz hindi ka naman pinipilit sumama." Pambabara ni Ma'am na ikinatawa ng klase.

"Ma'am isa lang po ba talaga ang pwede sumama?" Tanong naman ni Camille.

Wow naman. As if sasama siya. Ayaw na ayaw sumasali ni Camille sa mga school activities at masyado daw siyang busy, busy manood ng Kdrama.

"The more the merrier and mas marami kayo maitatanim non. For the past years kasi napaka konti ng mga sumasama galing sa school natin. Faculty at yung dalawang students na pinapasama." Sagot ni Ma'am na mukhang natuwa sa tanong ni Camille.

"Bakla sama tayo! Kasama naman natin si Avery oh!" Pag aaya ni Camille sabay hablot sa braso ni Jaime

"Ano-ano na naman naiisip mong gawin Cams! Nandamay ka pa!" Reklamo ni Jaime sabay bawi sa braso.

"Ma'am! Kailan po yung tree planting?" Tanong ni Louisa.

"2 weeks from now, Saturday nak." Anunsyo ng guro.

Nang malaman ni Camille ang date ay siyang pangungulit pa nito lalo kay Jaime na ikinatawa ko dahil sa mukha ni Jaime na di maipinta. 

"Oh sige na. For further details I'll relay it with your class representative na lang  ininform ko lang kayo agad para makapag decide na ang mga gusto sumama. Ms. Avery, please follow me to the faculty after. And with that class dismissed. I'll see you next meeting." Pagpapaalam ni Ma'am Deang at tumango ako bilang sagot sa kanya. 

Tumayo na ang lahat ng mga kaklase ko para makaalis at uwi na. Karamihan sa kanila ay sa malalayo pa ang uwi at ang iba ay sa mga dormitory sa malapit.

"Bakla sige na oh! Gusto ko ng sariwang hangin dahil nakakaganda daw yon." Pangungulit pa rin ni Camille.

"Ihh Cams tigilan mo ako." At iniwan na si Camille at ako naman ay tawa tawa lang sa gilid dahil mahihirapang pilitin ni Cams si Jaime lalo na at hindi trip ni Jaime ang mga nature trip.

"Oh ikaw? Diba pinapasunod ka?" Pagsusungit ni Camille.

"Kakadismiss palang naman hindi nagmamadali si Mrs. Deang." Sagot ko na parang ikinainis ni Camille at iniwan ako. 

Pagkarating ko sa tapat ng department office ay kumatok na ako at nang may nagbukas na sa pinto ay pumasok na ako.

"Bakit Miss?" Tanong sa akin ng department assistant na estudyante ring tulad ko. Ang bawat department ng school ay may mga part timers na estudyante tulad ng nasa harap ko ngayon.

"Pinapapunta po ako ni Mrs. Deang." Pagbibigay alam ko sakanya.

"Punta ka na lang po sa desk niya. Alam mo na ba kung saan?" Tanong niya at tumango ako bilang sagot.

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon