X

51 7 0
                                    

AVERY

PAGKATAPOS ng training namin ay dumiretso ako sa office ni Miss Olivares para ipasa ang mga documents na kailangan ko para sa pag apply ko bilang student assistant niya. Pagdating ko sa harap ng office ni Miss Olivares ay agad na ako kumatok at pumasok.

"Good morning po Miss." Bati ko dito. Tumingin ito sakin at ngumiti bago sumagot. 

"Morning. What brings you here?" Tanong nito sakin.

"Magpapasa po ng documents para sa pag aapply bilang student assistant niyo." Sagot ko dito.

"Oh. Just put your documents on the center table. Have you eaten your breakfast? How about lunch?" Tanong nito sakin at umiling naman ako.

"Maaga po ang training namin ngayon kaya nag kape na lang po ako, kayo po ba?" Tanong ko sakanya.

"Not yet. If you haven't eaten as well come let's go and fill our stomachs its also about time to have some brunch." Saad nito bago tumayo mula sa swivel chair niya.

"Ma'am-" Putol nito sa dapat ay sasabihin ko.

'bastos na propesora'

"Pag si Victoria, Tori ang tawag mo, sa akin Miss or Ma'am? Call me Hera if it's just the two of us." Saad nito.

"Miss- Hera basa kasi ako ng pawis nakakahiya baka ang baho ko." Saad ko dito na nahihiya pa.

1st day ng training at talagang grabe ang mga pinagawa ni Sir Amaro sa amin, mula warm up hanggang foot works talagang nakabantay siya kung tama ang executions namin. Wala naman kaming reklamo dahil alam namin na para rin ito sa kaligtasan namin.

"Oh let's have some take out. I'll just order. Do you have extra set of clothes?" Tanong nito at tumango naman ako.

"Maliligo po ako sa shower room after ko po dito."

"Use my shower instead. You can take a shower while I go order our food and you cannot say no." Saad nito at tumango na lang ako.

"Thank you po. Saan po yung shower dito?" Tanong ko sakanya.

"The door that is near my desk; go inside there and you will find another door; that's the shower room." Saad nito bago lumabas ng office niya.

'Parang walang ibang tao sa office niya ah? Talagang iniwan pa ako dito mag isa. Bahala nga siya pag may nawala dito wala akong kinalaman dun.'

Pag pasok ko mula sa pintong itinuro ni Hera ay ganon na lamang ang pagkamangha ko sa nakita ko. Isang puting kwarto ang bumungad sa akin na may malaking bed na nasa gilid samantalang sa kabila naman nito ay isang malaking aparador at sa tabi nito ay may isa pang pinto, yun na siguro ang bathroom ng propesora. Hindi nga ako nagkakamali, kung gaano kaganda ang kwarto nito ay ganon rin kaganda ang. Puti rin ang interior design ng bathroom pero marbled ang theme nito.

'Grabe iba talaga ang mayaman'

PAGKATAPOS ko maligo ay lumabas na agad ako ng kwarto ni Hera, nakakahiya naman kung magtatagal pa ako baka kung ano pa ang isipin niya. Paglabas ko ang bumungad sa akin ay ang sandamakmak na pagkain na nasa table.

"Oh you're done. Come and let's eat." Saad nito at lumapit na ako.

"Andami po niyan, may darating pa po ba tayong kasama?" Tanong ko. Andami kasi talaga ng pagkain, parang pampamilya ang kakain eh dalawa lang naman kami.

Umupo ako sa isa sa mga upuan at kinuha ang coke sa table sabay ininom na nang may sabihin ito na ikinabigla ko.

"Silly, that's for us. I don't like sharing your attention with anyone." Saad nito.

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon