XV

51 3 0
                                    

AVERY

MABILIS na lumipas ang mga araw, ngayon ay ang simula na ng Sports Fest. Magsisimula ang event ng 7am para sa opening Sports Fest. Maaga ang Sport's Fest kaya maaga rin ang call time namin, which is 6 am dapat naka pag head count na kami. Wala pang laban ngayong araw aside sa Mr. and Ms. Intramurals na gaganapin mamayang alas sinco, dance competition, at mga pa-games.

Bukas pa ang laban namin against BSOA, balita ko magaling ang libero nila pero hindi ko pa nakita silang maglaro dahil hindi namin sila nakakasabay mag practice at sa labas ata sila madalas mag practice. 

[Livy: I heard today's the start of the Sports Fest. Goodluck Hon! Ily <3]

[Hera: Enjoy the day and play well. Break a leg! Ily] 

Sila lang ang nag text dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Tori, malaki pa rin ata ang sama ng loob nito sa akin. Hindi ko naman ito masuyo dahil naging hectic ang schedule ko, kinukulit ko naman ito pero wala eh ayaw talaga. 

'After Sports Fest ko na lang siya susuyoin'

"Avery ikaw ang tatakbo para sa lighting of the torch para sa department natin, okay?" Saad ni Kapitana. Injured si Kapitana ngayon, siya sana ang tatakbo para sa lighting of torch kaso na injured dahil sa nangyari nung Huwebes, nagkamali siya ng landing matapos mag spike.

"Sige Kap. Anong oras daw ang line up?" Tanong ko dito. 

"Ngayon na mismo. Ngayon lang kita nasabihan kasi nakalimutan ko kahapon sa sobrang busy natin idagdag pa tong nangyari sa akin. Alam na rin ng host na ikaw ang papalit."Saad nito at tumango naman ako sabay sumunod na sakanya dahil iniipon na kami ni Sir Amaro para sa  parade.

Si Kapitana napaka maasikaso niya kahit na injured siya, pumasok pa kahit may go signal siya na wag na muna para mas makarecover agad. Isa rin siya sa magagaling na manlalaro ng school at panigurado kung hindi siya injured ay siya ang tatanghaling MVP. Hirap man siya dahil sa saklay niya ay tumuloy pa rin. Naawa rin ako kay Kapitana dahil mahal niya ang paglalaro pero hindi rin maiiwasan na maaksidente habang naglalaro. Habang nakikita ko itong naglalakad ay ako ang nahihirapan para sakanya. 

Nang may makita akong kaklase ko ay tinawag ko ito agad para makisuyo sandali. 

"Kim! Busy ka ba?" Tanong ko sakanya. 

"Hindi naman bakit? Hahanapin ko lang sina Camille sana." Sagot nito. 

"Pasuyo naman, hiram ka ng wheelchair sa clinic." Saad ko sa kaklase. 

"Ay sige sige. Para kanino ba?" 

"Kay Kapitana, yung babaeng may saklay na kateam ko." Saad ko sabay turo kay Kapitana na kausap si coach ngayon.

"Oh sige, di pa naman magstart ang parade. Punta muna ako ng clinic." Paalam nito at tumango naman ako. 

NAGSIMULA na ang parade, naka wheel chair na rin si Kapitana. Pumapalag pa ito kanina nang ihatid ko yung wheel chair at ayaw niya gamitin pero nang iannounce na magsisimula na ay wala na itong nagawa kundi umupo na. Ako ang nagtutulak sakanya para wala na ito masabi dahil panigurado kung isa sa mga kagrupo namin ay matatakot lang ang mga ito at hahayaan siya. 

"Avery isa ka sa ipapasok ko sa first five ha?" Saad ni Kapitana at tumango naman ako bilang sagot.

"Anong oras ba laban at saan?" Tanong ko dito. Karaniwan ginaganap ang laban sa volleyball sa may quadrangle or sa GM court or DM court. Kung ako tatanongin ay mas gusto ko na sa DM court ganapin para hindi nakakasilaw. 

"First game tayo kalaban ang BSOA sa GM court." Saad nito. May suot suot kaming mga jersey na provided ng department namin.

"Hindi ata makakalaro bukas si Ocampo kaya malaki ang chance na manalo tayo pero huwag kang mapanatag ang loob dahil hindi pa rin natin hawak ang pagkakataon." Saad nito sakin at tumango naman ako. 

The Thorns and Roses of AveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon