LUNA"Bad mood ata si prof mariano." Siko sakin ni Chen
Papasok na kami ng mall ngayon habang yung isang dragona naman ay nangunguna na maglakad. sobrang lakas din nang pagkakasarado niya kanina sa pintuan ng sasakyan niya kaya nagtataka ako kung bakit ganyan ang mood niya
Siguro may regla siya.
"Ayaw ata tayo kasama." Tanging sabi ko kay Chen
Bago pa siya makapag salita ay hinawakan ko na si sydney sa kamay para maunahan namin siya sa paglalakad. pero mas mabilis pa rin maglakad yung nasa unahan namin ngayon, parang kanina lang ang ganda ng mood niya tapos ngayon parang sinapian siya ng masamang ispirito
"Ate doon po tayo." Turo ni sydney sa bilhan nang mga pangbatang damit "luma na po kasi mga damit ko kaya gusto ko ng bago." Nakasimangot niyang saad
Parang nanlambot yung puso ko dahil sa sinabi niya. kung alam ko lang noon na anak pala siya ni kuya binigay ko na lahat lahat sa kanya ang mga pangangailangan niya. pero kapag napunta naman ako sa bahay nila noon may dala akong mga paborito niya kahit hindi kami magkasundo
Tumango nalang ako sa kanya na nakapag pangiti sa kanya ng malawak. hinawakan ko na rin siya ulit sa kamay para pumasok kami sa bilhan ng mga damit
"Gagu. bakit niyo ko iniwan?" Hingal na saad ni chen
Nakasunod lang ako ngayon kay sydney na namimili ng mga gusto niyang kunin, nilingon ko naman si chen na naghahabol ng hininga. nakipag habolan ba to sa magnanakaw?
"Akala ko nasa likuran ka lang namin kanina."
"Ang sabihin mo ayaw mo ko ilibre kaya may balak kang iligaw ako." May halong sama ng loob na sabi niya
"Wala akong balak na iligaw ka, pero hindi naman talaga kita ililibre. bakit sino kaba?" Pagbibiro ko sa kanya
Inis naman niyang ibinato sakin yung panty na nahawakan niya. pinulot ko naman agad yung panty para ibato sa kanya pabalik pero ng makita kong madami pala ang nakatingin sa amin ay nagkunwari nalang akong bibilhin namin. tawang tawa pa si Chen kaya inirapan ko nalang siya bago sundan si sydney
Ang dami ng laman yung hila hila niyang basket ngayon. binigay sa kanya ng babae yang basket kanina para hindi raw kami mahirapan dalhin, pero mukhang hindi ata siya nakatulong kasi halos mapuno na yung basket na medyo may kalakihan
Tumingala naman sakin si sydney at itinaas ang dalawang tirnong damit "Alin po dito mas maganda?" She asked
"I think mas bagay sayo yan." Turo ko sa ibang iba kulay na damit
"Ang pangit mo namang pumili." Singit ni Chen "Ito nalang kunin mo. mas bagay pa sayo." Kuha niya sa color white na tirno
"Anong pangit? colorful kaya tignan sa kanya yan kapag sinuot niya." I said
"Basta ito na ang kunin mo. wag ka makinig sa mga sinaunang tao." Pilit pa niya binibigay sa kapatid niya pero ayaw naman kunin ni sydney
Palipat lipat lang kasi yung tingin niya sa amin ng ate niya
"Gagawin mo naman siyang white lady niyan." Irap ko sa kanya
"Kaysa naman sa napili mo. magmumukha pa siyang kinulayan kapag sinuot niya yan."
"Bilhin nalang po natin parehas para hindi na kayo magtalo." Singit ni sydney sa pagtatalo namin ng ate niya
Kinuha niya rin yung kulay white na damit sa ate niya bago niya ilagay sa basket