LUNAKanina pa ako pagulong gulo rito sa kwarto habang iniisip kung paano ko kakausapin si ma'am, pagdating pa lang kasi namin kanina umakyat na siya sa taas ang masaklap pa doon sa isang kwarto siya pumasok kaya ito ako ngayon nag iisa sa kwarto namin
Hindi ko na nga alam kung ilang minuto ako nakatulala tapos biglang gugulong sa kama. nilaro ko na't lahat lahat si yelo at nakaligo pa ako pero hindi na talaga siya pumasok dito, iniisip ko nga kung paano ko siya pupuntahan sa kabilang kwarto kasi medyo kinakabahan ako
Umupo ako at sinabunutan ang buhok. tinapon ko rin yung unan na hawak ko dahil sa inis "Argh kakainis!" Inis kong saad
"Bahala na nga."
Tumayo ako para sana puntahan siya pero hindi pa ako nakakalabas ng kwarto nang magbago ang isip ko. ano naman kasi sasabihin ko sa kanya? alangan namang itanong ko kung bakit sa kabilang kwarto siya domiretso
"Edi sana naging hotdog nalang ako." Bulong ko at padabog na naupo sa kama
Nakakainis talaga siya. matapos ng nangyari sa amin kagabi magiging ganyan siya ngayon, wala rin naman akong maalala na nagawa kong mali kung bakit ganyan siya ngayon
"𝖳𝖺𝗇𝗀𝖺, 𝗁𝗂𝗇𝖽𝗂 𝗆𝗈 𝖻𝖺 𝗇𝖺𝗉𝖺𝗉𝖺𝗇𝗌𝗂𝗇? 𝗄𝖺𝗇𝗂𝗇𝖺 𝗉𝖺 𝖻𝖺𝖽 𝗆𝗈𝗈𝖽 𝗒𝖺𝗇 𝗄𝖺𝗌𝗂 𝗇𝖺𝗀𝗌𝖾𝗌𝖾𝗅𝗈𝗌 𝗌𝗂𝗒𝖺."
"𝖲𝗎𝗒𝗈 𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗄𝖺𝗂𝗅𝖺𝗇𝗀𝖺𝗇 𝗇𝗎𝗇."
Napaisip naman ako nang mag flashback sa isipan ko yung sinabi ni chen kanina, nagseselos daw si ma'am pero kanino naman? napangiti ako ng maalala kung paano niya hawakan ng mahigpit yung damit kanina sa mall, tapos yung pag apak niya sa paa ko kasi kinuha ko yung shrimp ni chen
Bakit ngayon ko lang naisip na pinagseselosan niya pala si Chen? yung kaninang irita na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkatuwa habang iniisip ko yung mga inaasta niya kanina, nakangiting lumabas ako ng kwarto para puntahan siya
"Ma'am." Katok ko sa pinto ng kwarto pero walang nagbubukas
Dahan dahan ko nalang pinihit ang dorknob kasi hindi naman pala naka lock, pagpasok ko ay wala akong naabutan na dragon. tinignan ko rin kung nasa bathroom siya pero wala rin. saan na naman ba nagpunta yon
Lumabas nalang ako ng kwarto, napaisip pa ako kung saan ko siya unang hahanapin. pero sa huli ay napagdesisyonan ko nalang na puntahan siya sa library sa baba
Hindi pa ako nakababa ng makarinig ako ng mga nagsasalita, pagtingin ko sa may sofa ay nakita kong nakaupo si ma'am habang nakafocus sa pinapanood niya ngayon. kailan pa nagka interest to manood? ang pagkakaalala ko hindi siya mahilig manood kaya kaninang umaga ang bilis niyang nagsawa sa horror na pinapanood namin
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya, nang makarating ako sa may tabi niya ay sinadya ko pang tumikhim para kunin atensyon niya pero bigo naman ako kasi nakatutok lang siya sa pinapanood niya ngayon
"Ano pong pinapanood niyo?" Subok ko ulit kunin atensyon niya pero bigo pa rin ako
Seryoso lang siyang nakatitig sa tv kahit nakakatawa naman pinapanood niya. parang mas mahihiya pa sa kanya yung pinapanood niya ngayon dahil sa sobrang pagkaseryoso niya
"Kumain kana po ba?"
Parang gusto ko tuloy sampalin sarili ko dahil sa tanong ko, kumain na pala kami kanina sa restaurant