KABANATA ISA

210 11 0
                                    

RIANA POV.

"I CAN'T believe what happened Sargent Capli" dismayadong ani ni General, nandito kami sa opisina niya, pinalabas niya muna si Inspector Jera na siyang nagreport sa mga ginawa ko, maging ako hindi makapaniwala sa narinig, i want to protest but even my friends see what i did, i can't remember anything basta ang alam ko lang, suspended ako ng 1 buwan dahil sa isang maling nagawa na hindi ko rin alam kung ano yun at ngayon 2 linggo palang ang pagkakasuspende sa akin ay pinatawag na ako ni General...

"Hindi ka ganito dati but what happened Sargent? Ikaw ang isa sa mga ipinagmamalaki ko sa ating samahan dahil sa angking galing mo but.." hindi na natuloy ang sasabihin niya ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya ay sobrang dismayado siya sa ginawa ko...

Ang report ni Inspector Jera ay ikalawang beses ko na raw pinahamak at pinatakas ang isang sindikatong aming hinuhuli, ang una ay nakita raw nila akong natatakot habang nakikipagputukan, kahit saan ko raw piniputok ang baril habang nakapikit at sumisigaw hanggang sa maging hostage ako at dahil don ay nakatakas ang sindikatong yun...

Sa ikalawang beses naman ay sa labas na ako pinahintay hanggang sa makita ko raw na palabas na ang sindikato, tinutukan ko sila ng baril ngunit nanginginig daw ang kamay ko, pumikit akong kinalabit ang gantilyo ngunit nalaglag pala ang bala ng baril kaya wala akong natamaan, ang mas malala pa ay tumakbo raw ako at nagtago habang sumisigaw, may ibang pulis na nakakita ng ginawa ko, pagkatapos ng palpak na misyon dahil sakin ay nakita nila ako sa ilalim ng mesa na tinatakpan ang tenga ko at paulit-ulit na sinasabing "ayaw ko na"

"I'm so sorry General, i will never do it again" mahina kong sambit, ano ba kasing kahihiyan ang pinasukan ko, bakit di ko maalala yun, ang tanga-tanga, ni minsan di ko iyon magagawa kahit pa mamamatay ako basta lumalaban at hindi naging duwag...

"I will give you another chance Sargent, kapag pumalpak ka pa, tanggal ka na sa serbisyo at maaaring mapatawan ka pa ng kaso dahil dito, you may go now" aniya, tumingin ako dito ng diretso habang may seryosong mukha na siyang palagi kong ipinapakita sa kanya at sa iba...

"I will never lose this time General, mark my word" seryoso kong ani at sumaludo sa kanya, papaalis na sana ako ng marinig ko ang boses nito...

"Now, Sargent Capli is back, the sargent i know, i believe you will never lose this time" tinagilid ko ang aking mukha habang ganon parin ang aking tayo at nginisian siya, normal na yun sa kanya dahil ganon talaga ako...

"Well well well the loser is here" napapikit ako ng mariin bago tingnan ang hampaslupang nagsalita...

"Kamusta ang pagiging tanga at talunan Sarge?" nakangisi ito habang nakasandal sa dingding...

"Ayos lang naman at buhay na buhay pa Sargent Krimwa" Seryoso kong wika na pinalitan ko ng ngisi rin...

"Ikaw, musta ang pagiging bida-bida? Nanalo ka na ba?" tanong ko dito pabalik, kita ko ang pagtiim bagang nito halata na nainis sa sinabi ko...

"Kunti nalang mananalo na" Aniya na may pagmamalaki sa tono ng boses, alam kong ako ang gusto niyang matalo...

"Yun ay kung mananalo ka" sambit ko, mas lalo akong napangisi ng kumuyom ang kamao nito, lumapit ito ng dahan-dahan pero hindi ako nagpatinag dahil nakatayo parin ako sa aking kinatatayuan ng hindi man lang natitinag sa titig nito, inilapit nito ang mukha niya sa akin hanggang lampasan niya ang mukha ko...

"Matatalo rin kita Sargent Riana Riya Capli, isang pagkakamali nalang talo ka na at sisiguraduhin kong mananalo ako" inilayo na nito ang mukha niya ng matapos ibulong sa akin ang salitang iyon...

"Siguraduhin mo lang hahalikan mo ang sapatos ko kagaya ng ating usapan Rina" dagdag nito at nilagpasan na ako...

"Ikaw ang gagawa niyan pagkatapos ng misyon na to Dan" alam kong narinig niya ang sinabi ko kahit nakatalikod kami sa isa't isa at alam ko rin napahinto ito ngunit isinawalang bahala ko nalang at naglakad na...

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon