KABANATA LABINDALAWA

56 2 1
                                    

RIANA POV.

TAHIMIK, sobrang tahimik, yan ang namamayani sa karwaheng sakay namin kanina lalo na't kasabay namin si General sa iisang karwahe, hindi ko alam kung bakit kasama namin siya sa loob, dapat nasa labas siya't sakay ng isang karwahe...

"Whoa salamat nandito na rin tayo" ani ni Tiren na kasabay ko sa karwahe, yung iba nasa ibang karwahe nakasakay at kaming lima nina Tiren, Jullia, Diana, Molide at Yonique ang magkakasama isali na rin si General, well I'm more comfortable calling him Dylan but as a respect, I need to get used calling him General instead of his second name...

"Nakakatakot talaga siya" anas ni Diana, tumango naman si Jullia habang natawa lang ng mahina si Molide na nasa tabi ko...

"Chill guys, hindi niya kayo kinain so relax, nandito na tayo" asar ko sa kanila, ilang oras rin ang byahe papunta rito kaya malapit ng dumilim senyales na gagabi na...

"Bakit kaya sila pinatawag?" tanong ng kararating lang na si Wenny, nandito kami sa garden habang nasa meeting room naman silang magkakapatid, tumayo ako para maglakad-lakad lang muna, hindi naman nila ako napansin dahil sa okupado ang isipan nila tungkol sa pagpunta namin dito, malayo-layo na ako kaya hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila...

"Understood?" pag-apak ko palang sa palapag na ito'y narinig ko agad ang nakakatakot na boses mula sa isang lalaki ngunit baka guni-guni ko lang...

"Yes my lord, I'll do anything for you my lord" napahinto na ako ng narinig na may sumagot na boses, mabilis akong nagtago sa kurtina, napatingin ako sa ibaba ng bintanang salamin, di ko alam na sa paglalakad ko ay napunta na ako dito sa ika-apat na palapag nitong palasyo...

"Make sure to do your job smoothly and do not make any stupid step or else you know what will happened to you" hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki ngunit alam kong lalaki ito base sa kanyang mukha, di ko malaman kung sino ito dahil para lang itong anino sa sobrang itim, medyo maliwanag naman dito pero di ko pa rin siya makita dahil sa kakaibang usok at dilim na nakapalibot sa kanya, isama pa ang puro kulay itim niyang damit at halata ring walang masyadong nagdaraan dito dahil sa katahimikan ng lugar gayon din ang sobrang taas nito kaya mahihirapan ang ilan na pumunta hanggang dito...

"I assure you my Lord" nakayuko lang ang babae na para bang takot na takot siya sa lalaking kaharap, maski boses ay nanginginig isama pa ang kanyang katawan, mabilis kong inilabas ang aking panyo at ipinantakip sa aking bibig, isinuot ng pabaliktad ang jacket na nasa aking bewang, siniguro kong hindi nito makikita ang aking mukha at hindi mahahalata kung sino ako kung sakali mang mahuli akong nakikinig, aalis na sana ako sa aking pwesto mabilis pa sa alas kwatrong nasa harapan ko na ang lalaking pinakikinggan ko lang kanina...

"Leave" madiing wika nito, kung ibang tao ang kaharap nito ay siguradong matatakot rin...

"Not so fast little brat" mabilis ako nitong sinakal at isinandal sa pader ng tangkain kong lingunin ang babae ngunit may isang simbolo ang nakita ko sa babaeng yun...

"Let me go" mahigpit man ito ay nakuha ko pa ring magsalita, mas hinigpitan at itinaas ako nito hanggang wala na akong maapakan, mabilis kong tinadhakan ito sa tagiliran ngunit lumaki ang mata ko ng tumagos lang ang paa ko, what the hell!! What kind of person is this!!!

"This is your last day young lady, may you rest in p-ahhh" kinurot ko gamit ang kuko ko ng sobrang higpit na alam kong babakat sa kamay niya, may nakapa akong pulseras galing sa kanya at hinablot agad ito, humina ang usok sa kanyang katawan at nahahawakan ko na ito kaya sinapak ko ang mukha nito ng sobrang lakas dahilan para mabitawan niya ako...

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon