KABANATA LABINTATLO

49 5 0
                                    

RIANA POV.

"AYAW mo sa kanya no?"

Yan ang paulit-ulit na tanong sa aking isipan, hindi ko alam kung tama ba si Molide, hindi naman sa ayaw ko kay Yoline pero hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa kanya, may tinatago siya eh...

"Oy ayos ka lang ba?" nabalik ako sa realidad ng tanungin iyon sa akin ni Blaze...

"Ayos lang ako, may iniisip lang" ani ko...

"Gusto mong mamasyal tayo?" sasagot na sana ako ng may umakbay sa akin...

"Sama ako" masayang wika ni Yam, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsama ng tingin ni Blaze sa kanya...

"Hindi pwede, kami lang ang mamamasyal" angal nito...

"Sasama nga ako, diba Rere?" nagpacute pa ito sa akin...

"Hep hep hep, bitawan mo nga siya" hinablot ni Yogiene ang kamay ni William para matanggal ang kamay nitong nakaakbay sa akin...

"San naman kayo pupunta?" seryosong tanong ni Yogie...

"Mamamasyal lang kami" maktol ni Blaze...

"At kasama ako" masayang wika ni William...

"At sa tingin niyo di kami sasama huh?" nakataas kilay na anas ni James...

"Sasama rin kami mga loko" napatampal na ako ng noo ng magtalo-talo na sila...

"Sasama kami!"

"Sabing hindi pwede eh!"

At ngayon, nagsigawan na sila, masisira talaga ang eardrum ko kapag ganito sila, parang mga bata...

"Kung gusto niyong mamasyal, mamasyal kayo okay? Aalis na ako, mamamasyal akong mag-isa hays" natahimik sila at tumingin sa akin ng sabay-sabay kaya tumalikod na ako, siguro ang dalawang magkapatid lang ang tahimik sa kanila eh, noon tatlo silang tahimik kasama na don si James kaso ngayon kasama na siyang maingay tsk...

"Sandali!! Hintay!!" tumakbo ako ng mabilis kaya alam kong tumatakbo na rin sila, buti nalang naka-jeans ako at hindi naka palda kaya malaya akong tumakbo kahit pa tumalon-talon ako...

"Riana baka madapa ka! Wag kang tumakbo" tinawanan ko lang sila at mas binilisan pa ang takbo, nakasalubong ko ang mga katulong na nag-aayos ng garden, lahat sila'y napatingin sa akin kaya nginitian ko sila...

"Riana!!" Sigaw nila...

"Wag niyo kong habulin mga sira ulo!" sigaw ko pabalik, tiningnan ko sila sa likuran, ang bilis nilang tumakbo pero mas mabilis ako, sanay akong tumakbo eh...

"Tumigil ka na, baka madapa ka!" hindi ko alam na ganito pala kalakas ang boses ni Yogie, minsan lang rin kasi magsalita at maliit rin ang tinig pero ngayon ang lakas...

"Riana?" nagtatakang tumigin sa aking ang mga prinsesa ng madaan ko sila malapit sa hagdan ng palasyo...

"Hi guys? Hehehe" akward kong ani habang humihinga ng malalim...

"Riiiiiiaaaaaannnnnnaaaaa!" napalaki ang mata ko ng makita ko silang tumatakbo papalapit sa akin, boses palang alam ko nang si Blaze yun kaya mabilis na naman akong tumakbo...

"Sandaliiiii!!" sigaw ni William, lumiko ako para makalabas na ako ng palasyo at bago pa man ako makaliko ay nakita ko silang napahinto sa hagdan kung nasaan ang mga prinsesa, malawak akong napangiti at inilabas ang dila ng tumingin sa akin ang ilang prinsipe hanggang sa nakalabas na nga ako...

"Hays sa wakas, makakaalis na rin hooo" hinayaan kasi kami nila tita na mamasyal sa labas para mailibot si Yoline sa mga magagandang pasyalan...

Dahil ayaw kong sumama sa kanila kasi gusto kong mapag-isa eh ayon nahuli ako ni Blaze na lalabas gamit ang pader sa gilid ng palasyo at alam ko namang sasama siya sakin sa pagtakas kaso dumating si William at dumating na naman ang iba pa kaya naisipan kong takbuhan sila at nagtagumpay ako sa pagkakataong ito...

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon