BLAZE POV.
KAINIS kasi sila, kasama ko sana ngayon si Riana mamasyal kaso dahil sa mga hinayupak na yun lalo na si William, kung hindi sila dumating edi sana masya na kami ngayon ni Riana, siya lang tuloy ang masaya dahil isa lang siyang umalis at namasyal hays...
"Lalim non ah" natatawang ani ni Daniel...
"Hindi kasi nakasama kay Riana whahaha" gatong ni Tiren na tinawanan naman nila, nandito kami ngayon sa 'Sunshine Flowing' mahilig raw kasi sa bulaklak si Yoline, ganon rin siya noon kaya rin ipinunta namin o nila siya dito dahil baka may maalala siya dito, ang lugar na to ang isa sa ipinaglaban niya na wag sisirain, bumagsak kasi ang negosyo nito noon kaya ninais ng may-ari na ipasara at sirain na ito pero dahil sa tulong ni Yoline ay hindi natuloy ang pagpapasara...
"Nasan na kaya si Riana ngayon?" tanong ni William na katabi ko na ngayon, nakakapanibago lang dahil may gusto to kay Yoline noong mga bata pa kami tapos ngayon parang hindi man lang sila nag-uusap, Si William kasi ang taong masyadong friendly kasi bakit hindi niya kausapin si Yoline total bida-bida naman to...
"Alam ko sana kung nasan siya ngayon kung hindi ka lang sana sumulpot" bored kong sagot...
"Eh sa gusto kong sumama no and beside its the other fault cause they ruin it" maktol niya, napa 'tsk 'nalang ako...
"Bakit hindi mo siya kausapin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kay Yoline na sobrang saya kasama ang iba lalo na ang mga kapatid niya maliban kay Yonice na nandon kay Wenny at Wendy, isa rin itong si Yonice, sabi niya sa amin noon na gusto niyang makilala sa personal si Yoline at gusto niya itong maging close pero ngayon ni ayaw man lang niya lapitan at kausapin...
"Ewan ko rin eh, para kasing hindi ako komportable o baka naninibago lang ako dahil sa tagal na naming hindi nagkita" sagot niya...
"Sinubukan mo na ba? " tanong ko ulit...
"Yeah, it is so awkward, wala akong matopic, alam mo bang nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako tapos nakangiti pa, kung hindi ko lang siya kilala siguro sasabihin kong gusto niya ako" kwento nito...
"Ibang-iba siya dati at ngayon, sobrang sobra" dugtong pa nito habang umiling-iling...
"Oy anong pinag-uusapan niyo?"
"Chismoso mo naman" anas agad ni William, halatang ayaw pag-usapan ang tungkol don...
"Guysssss!!" napalingon kaming tatlo kay Wenny na sumigaw, mabilis kaming lumapit don, maliban lang kay Yoline na nasa medyo malayo sa kinaroroonan namin kaya hindi ata niya narinig...
"Bakit?" nag-aalalang tanong ni William...
"Nakikita niyo ba yun?" may tinuro siya sa amin, nasa ibaba ito ng aming kinatatayuan, ang lugar kasing ito malapit sa bayan, nakatalikod ito sa bayan at nadito kami sa pinakalikod kung saan makikita namin ang mga kabahayan, nagtitinda at iba pa, makikita agad namin ang mga tao at mga mukha nila dahil hindi naman masyadong mataas ito, mga 5 feet ang taas nito...
"May pagdiriwang ba don?" tanong ni Yohan....
"Hindi yun yung punto ko, yung isa sa kanila, tingnan niyo dali!!" ani niya...
"Saan don? Ang rami kayang tao" anas ni Richard...
"Yung babae sa gilid, malapit lang dito, kasama nga ng mga bata eh tapos----"
"Si Riana ba yun?" putol ni Yogie....
"Wahhhhh si Riana nga guysss" nagtatalon-talon pang ani ni Yonice, parang kanina lang eh walang mood ngayon masaya na hays di ko talaga maintindihan ang mga babae...
BINABASA MO ANG
KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECE
FantasyMuling pagbabalik ngunit alaala'y di nananatili, Mga bagay na ikinabigla ngunit nangyari na... Nabura nga ba o sadyang di pa panahon para maalala, Ang nakaraan ay malalaman at mababatid sa bawat pahina... Nakabalik sa tunay na katauhan subalit sa...