RIANA POV.
"OY ano yan Riana?" hinablot ni Christine ang bulaklak na hawak ko, nasa mesa ko ito at may nakasulat ng 'good morning sargent Capli'...
"Bulaklak malamang" sagot ko, hinampas naman nito ng mahina gamit ang bulaklak ang balikat ko...
"Sinong nagbigay huh?" pang-aasar ni Fiona...
"Abay ewan ko" kibit-balikat kong sagot at umupo sa upuan ko...
"Yiee si Sargent dalaga na" nagtawanan naman silang tatlo na ikinairap ko, napatingin pa ang ilan sa amin dahil sa lakas ng tawa nila...
"Tumahimik nga kayo" irap kong saway...
"Kinikilig kalang eh" inilagay ni Chinse ang bulaklak sa mesa...
"Tsk" tanging nasambit ko, ayaw kong makipagtalo sa mga taong di maniniwala sa akin, may hinala na rin naman ako kung sino siya o sila...
****
"MERON na naman?" biglang ani ni Fiona na kasabay kong pumasok sa opisina, kinuha ko ang tatlong bulaklak na magkakadikit at binuksan ang maliit ng sobre...
"Happy day Riana" basa ng katabi ko...
"Hanip yang manliligaw mo Riana, tatlong araw nang nagbibigay" sinabayan pa nito ng tawa...
"Nagbigay na naman ba yang mysterious guy? "tanong ni Christine na sumilip sa mesa ko...
"Sana all nalang sayo Rina" anas naman ni Chinse na nanonood ng video sa cellphone niya...
"Ewan ko sa inyo" ani ko at umupo na sa upuan habang pumunta naman sa kanyang mesa si Fiona....
****
"CHINSE tigilan niyo na nga ako pwede" nagtitimpi kong ani habang nakaharap sa mesa ni Chinse...
"Anong tigilan pinagsasasabi mo? Hindi naman kita inaano ah" nagtataka nitong tanong na ikinairap ko...
"Anong hindi aber, eh kanino tong bulaklak na to ha?" itinaas ko ang bulaklak na hawak ko at inilagay sa bewang ang isa kong kamay, mas lalo namang kumunot ang noo niya...
"Ewan ko kung kanino yan galing no at mas mabuting bumili nalang ako ng pagkain kaysa bumili pa ng bouquet para pagtripan ka no" mahaba niyang salaysay at tumayo...
"Oh ano yan? Nag-aaway ba kayo?" pumunta sa amin si Fiona na may dalang kape, kasunod nito si Christine na inaayos pa uniporme niya...
"Hindi kami nag-aaway pero yang bulaklak na yan, pinagtatalunan namin" ani ni Chinse at itinuro pa ang bulaklak na nasa kamay ko...
"Ilang linggo na yan ah, ganda mo naman masyado sarge, araw-araw may pa bulaklak pa" pang-aasar ni Christine na ikinairap ko...
"Hindi lang yun, minsan chocolate yiee" pinagcross ko naman ang braso ko at tinaasan ito ng kilay ng magtawanan silang tatlo...
"Hoy kayo ha, kung ito malaman kong galing sa inyo, tatadyakan ko talaga kayo" ginamit kong panturo ang bulaklak...
"Sira ka pala eh, ang mahal-mahal na ng bulaklak ngayon no" anas ni Fiona at pumunta sa mesa niya na katabi lang ni Chinse...
"Pagkain bibilhin ko tapos kakainin ko kaysa naman ibigay sayo duh" gatong ni Chinse at nagflip hair pa't ipinagpatuloy ang pagtype sa computer, napatingin ako kay Christine na naglilip tint...
"Wala akong kinalaman diyan ha, di ako tibo para magkagusto sayo haler" aniya at nagpambo, nandon siya sa mesa niya na katabi ko at kaharap ni Chinse...
BINABASA MO ANG
KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECE
FantasyMuling pagbabalik ngunit alaala'y di nananatili, Mga bagay na ikinabigla ngunit nangyari na... Nabura nga ba o sadyang di pa panahon para maalala, Ang nakaraan ay malalaman at mababatid sa bawat pahina... Nakabalik sa tunay na katauhan subalit sa...