KABANATA PITO

149 8 2
                                    


RIANA POV.

"WOAHH is this your place?" manghang tanong ko habang inililibot ang tingin sa paligid, ang ganda dito, hindi ko nga alam kung saang parte na ba kami ng mundo napadpad, maraming mga punong mayabong samahan pa ng preskong hangin, para bang nasa tuktok ng bundok kami dahil mula dito ay kita ko ang mga kabahayan, wala akong napapansing mga kotse o ano mang sasakyan, ang liliit dito ng mga tao maging ang kanilang bahay, hindi ko alam kung paano kami nakapunta dito dahil nakatulog ako kanina at paggising ko nandito na kami...

"Yes Riya, ito ang lugar namin" sagot ni Molide na nasa tabi ko lang....

"Bago sa paningin ko ito, wala man lang mga sasakyan o usok akong nakikita, anong lugar ba to?" ibinaling ko na ang tingin kay Molide...

"Ito ang tinatawag na Hawiyon na sakop ng Swentales" nakangiting tugon niya na ikinakunot ng aking noo...

"Meron ba non? Saang bahagi na ba ito ng Pilipinas o bansa?" napatawa ito sa aking tinuran...

"Wala na tayo sa Pilipinas Riana o kahit saan mang bansa" napatingin ako kay Tiren ng magsalita ito...

"Huh?" tanong ko dahil sa pagtataka...

"Itong lugar na ito ay walang nakakaalam kundi kami lang na taga rito, may iba ring hindi naniniwala sa lugar niyo dahil akala ng ilan na walang kakaibang mundo o lugar maliban dito" ani nito...

"Sandali, paano nangyari yun?" naguguluhan na talaga ako...

"Paprosesohin niyo muna ang isip ni Riana, binibigla niyo naman siya eh" natatawang wika ni Yohan...

"Malalaman mo rin mamaya pagnakarating na tayo sa kaharian namin" nagtataka mang napatingin kay Yogiene ay sumunod nalang sa kanila, kaharian daw? Saang bansa na ba ako napunta? Ang lito naman...

****

"KUMAIN ka ng marami ija, inihanda namin itong lahat para sayo" muntik ng maging bundok ang pagkaing nakahain sa plato ko dahil sa sunod-sunod na patong ni tita Rena sa plato ko, ang raming pagkain dito, yung iba hindi familiar sakin pero masasarap...

"Hon dahan-dahan lang baka hindi na maubos ni Riana ang pagkaing yan" natatawang ani ni tito Yopin, sabi nila yun nalang daw ang itawag ko sa kanila, pagkarating namin sa malapalasyong bahay na to i mean palasyo talaga siya ay sumalubong agad sa amin sina tito na para bang alam nilang darating kami...

"Ay hala sorry Riana, masyado lang akong naexcite sa pagdating mo" ewan pero parang magaan ang loob ko sa kanila, para bang ang tagal ko na silang kasama, hindi pa nga kami nakakapasok kanina sa tarangkahan ay tumakbo na ito papalapit sa akin at kahit puno ng dugo ang damit ko'y dinampahan parin niya ako ng yakap, yakap na ramdam ang pangungulila at kasiyahan...

"Ayos lang po iyon tita" nag-aalinlangan mang sabihin ang salitang tita ay ginawa ko pa rin, kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito ngunit ikinukubli lang nito sa isang ngiti...

"Nagkita na po ba tayo?" naibigkas ko bigla, agad ko namang tinubunan ang aking bibig na akala ko na sa isip ko lang sinabi...

"Uhm I'm sorry di--"

"It's okay Riana ija, sa totoo nagkita na tayo noon ngunit di ko alam kung bakit di mo maalala" malungkot man ngunit may saya parin sa boses nito...

"Wag mo nang isipin yun Riana, naiintidihan namin kung bakit di mo kami maalala" nakangiting wika ni Yohan....

"Ang mahalaga ay kasama na ulit kita--namin" bawing ani ni James at umiwas ng tingin, umubo-ubo naman ang ilan...

"Di pwede ngayon, di man namin kaano-ano, kuya pa rin kami, sa amin muna bago sa kanya" Hindi ko alam kung para kanino ang salitang binitawan ni Yonique habang patuloy pa ring kumakain na para kausap lang nito ang sarili pero alam kong may pinaparinggan ito...

"Tama si kuya" sabat ni Yogie na ikinatahimik ng paligid, hindi ako nagiging komportable sa tensyong nararamdaman ko dito, nahihirapan rin akong lumunok habang sumusubo ng pagkain, napansin ata ni Molide ang pagiging ilang ko na pinipigilang hindi mahalata ng iba...

"Chill ka lang Riya, wala namang aagaw niyang pagkain mo" napatigil ako sa pagnguya at napatingin sa kanila na ngayon ay natawa, ibinaling ko naman ang tingin kay Molide na nasa tabi ko at sinamaan ito ng tingin kaya napalunok ito, ang pangit talaga nitong sirain ang tensyon, ako pa talaga ang pinagtuunan ng pansin ng babaetang ito...

"Marami pa dito oh, ito masarap yan" inilagay ni Wenny ang isang putahing di ko alam kung ano, nagpipigil pa ito ng tawa kaya hindi ko na mapigilang hindi ngumuso na ikinatawa na talaga nila...

"Itigil niyo na yan, wag niyo ng tuksuhin si Riana" napatigil sila sa pagtawa ng magsalita ng malamig ang katabi ni Blaze na si Blade, tumingin naman ako dito at magpapasalamat sana ng walang boses ng mapalitan ito ng matalim na tingin sa idinugtong nito...

"Matakaw lang talaga siya" nakangisi na ito ngayon at ang boses niyang mapanukso ang dahilan ng pagtawanan na naman kaya sinamaan ko ito ng tingin...

"Akala ko yun na yun eh" natatawang sambit ni Daniel...

"May pahabol pa pala" tugon ni Richard...

****

NANDITO kami ngayon kwartong inilaan sa akin, maging ito ay familiar sa akin na para bang nakapunta na ako dito noon ngunit di ko matandaan kung paano o kailan...

"Miss na talaga kita Riya, miss kong ganito tayo" mahihimigan ang pangungulila sa boses nito kaya sinuklay ko ang buhok nito, kami lang dalawa dito kasi gusto niyang matulog dito sa kwarto, nakayakap ito sa bewang ko, nakahiga ang ulo sa aking dibdib at ako nama'y nakasandal ang ulo sa headboard at tinatapik-tapik ang balikat nito para makatulog...

"Miss na rin kita Molide, buti nalang naisipan mong matulog dito, di ko kasi alam kung saan ang kwarto mo eh, baka maligaw pa ako" natatawa kong wika...

"Riana" tawag nito...

"Yes?" tanong ko sa kanya...

"I'm so sorry" niyakap niya ako ng mahigpit, napakunot naman ako ng noo...

"Sorry for what?" taka kong tanong, umiling-iling ito habang nakasubsob ang mukha sa aking dibdib, hindi naman naabot ang aking dalawang tinapay ang mukha niya...

"Hey don't cry Molide, it's okay, ayos lang sakin kung hindi mo sinabi ang tungkol dito, I understand naman eh baka nga hindi ako maniwala kung sabihin mo kaya ayos lang, wag ka ng umiyak hmmm" pinunasan ko ang luha nitong patuloy pa rin sa pag-agos, pareho na kaming nakaupo ngayon habang magkaharap sa isa't isa, hindi pa man ako tapos sa pagpupunas ay mabilis na niya akong dinampahan ng yakap kaya sabay kaming napahiga sa kama habang yakap-yakap parin niya ako...

"How childish you are my Molide" malambing kong wika at niyakap siya pabalik, hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko, hindi ko naman mapipigilan to eh, i really miss this, i don't know kung bakit parang may nakalimutan ako, hindi ko alam kung ano yun eh basta ang alam ko may nakaligtaan ako, if no one will tell me anything, then i will do everything to figure it out...

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon