YOLINE POV.
"HEY uwi na tayo" mahinhin kong ani ng makalapit ako sa kanila, naiinip na ako kakahintay sa kanila sa puno, napatayo naman si Riana ng marinig yun...
"Wag ka ngang hmmm" mabilis na tinakpan ni kuya Yogie ang bibig ni ate Yonice...
"Uhm lilsis maya-maya aalis na tayo okay? Halika samahan mo kami dito" hinawakan ni kuya Yogiene ang kamay ko kaya nginitian ko ito, nakakamiss ang ganito, I really miss them...
"Okay po" nakangiti ko ring ani...
"Alis na tayo" napatingin kaming lahat kay Riana na may seryosong mukha, napakunot ang noo ko dahil sa kaseryusuhan ng mukha niya...
"Oo nga, alis na tayo dito" sang-ayon agad ng ate ko at kumapit agad sa kamay ni Riana, malungkot akong nakatingin sa kamay niyang makahawak sa braso nito, I wish I am her...
"Bakit Rina, may problema ba?" Natanong ni Blake...
"Hindi ligtas dito, mamaya ko na ipapaliwanag" tumayo nalang ang iba at nagpagpag, nakatingin lang ako kay Riana, unang kita ko palang sa kanya alam ko nang may kakaiba sa kanya pero hindi ko alam na ganito siyang kakaiba...
'Sino ka ba talaga?'
"Let's go----ahhhh" napaestatwa ako ng muntik ng tumama sa mismong mukha ko ang palaso, nanginginig akong napatingin kay Blade na siyang dahilan kung bakit hindi ito tumama sa akin, para bang napanatag ako ng makita an maamo ngunit malamig niyang mukha; ang gwapo...
"Sabi ko na nga ba, maghanda kayo may kalaban" sigaw ni Riana dahilan para mabalik ako sa wisyo...
"Dito ka lang" itinago ako ni Blade aa likod niya, hindi man nangangamba'y sinunod ko pa rin ang sinabi niya...
"Ang galing din naman
ng tadhana, kita mo nga naman at dito pa talaga sa tagong lugar ko kayo makikita" napakunot ang noo ko ng makita ng lalaking nasa gitna at may hawak na espada sa kanang kamay na nakalagay sa leeg nito na para bang binubuhat niya ang espada niya habang nasa bulsa ang isang kamay..."Nakita ulit kita binibining Riana" napatingin ako kay Riana na ngayo'y walang emosyon ang mukha ngunit kalauna'y ngumisi rin...
"Oo nga, nakita ulit kita" nakangisi nitong ani, magkakilala sila? Paano??
"Sayang nga eh, di agad kita nakilala, naglaban sana tayo" hindi man makita ang mukha niya pero malalaman agad na nakangisi ito...
"Talagang sayang, di ko pa kasi naibabalik sayo ang ibinigay mo" biglang sumeryuso ang mukha ni Riana...
"Hindi ikaw ang kailangan ko ngayon kaya palalampasin ko muna ito ngayon" biglang bumaling ang tingin nito sa akin kaya napaatras ako, mas itinago ako ni Blade sa likod niya...
"Don't you dare bastard" matigas at madiing wika ni kuya Yohan...
"Oh...Then I dare" mabilis na sumugod si Yogie ngunit sinalag lang ito ng lalaki, sumugod na rin ang iba habang ako ito nasa likuran lang ni Blade na hindi gumagalaw na para bang susugod lang siya sa mga taong magtatangkang pumunta sa aming dereksyon, namangha ako sa sobrang galing nilang makipaglaban, nakakita na ako nito noon pero sa ibang paraan...
BINABASA MO ANG
KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECE
FantasyMuling pagbabalik ngunit alaala'y di nananatili, Mga bagay na ikinabigla ngunit nangyari na... Nabura nga ba o sadyang di pa panahon para maalala, Ang nakaraan ay malalaman at mababatid sa bawat pahina... Nakabalik sa tunay na katauhan subalit sa...