{GIRLS' TALK}
Athena's POV
"So boring naman, may naiisip akong gawin natin,"
Lahat kami ay natigil sa aming kani-kaniyang pagce-cellphone nang marinig namin ang sinabi ni Yna. Nakahiga na kasi kami rito sa kwarto namin dahil tapos na rin kaming mag-dinner.
"Ano naman yun?" tanong ko. Naboboring na din kasi ako kaka-scroll sa social media accounts ko eh atsaka nababagot narin.
"Let's have girls talk na lang,"she continued
"Hmm..." rinig naming wika ni Scarlet kaya napatingin naman kami sa kaniya. Nakahawak ito sa bandang baba niya, "I like that idea po," dagdag pa niya.
"I like that pala ha, kayo ni Athena yung first na tatanungin namin," natatawang biro nga ni ate Eliane agad naring namilog mga mata ko dahil dun.
"Luh? Teka lang naman ate Liane," namumutlang kong sambit saknya kaya naman natawa narin silang tatlo sa naging reaksyon ko."So ikaw na yung una kong tatanungin, "dugtong pa nga ni Eliane
"So, ano yung feeling na nasa bahay ka ngayon ng Nase Family?" tanong nya, wait paano nya yun nalaman? Ah, dahil siguro eh dinaldal ni sir Jah,
"Masaya," matipid kong sagot,
"Kamusta naman yung pakikitungo sayo ng family ni sir Pablo?" tanong naman ni Yna.
"They are nice din naman lalo na si tita Grace,"derechahang sagot ko sa tanong ni Yna.
"Bii, close na kayo ng boss mo?" curious na tanong naman ni Scarlet.
"I don't know," sagot ko
"Ito talaga yung best question," pabiting saad ni ate Liane, "Kamusta kayo ni Pablo?" natatawang tanong nya, ano bang klaseng tanong to?"luh si ate Liane, saan ba kasi galing ying mga tanong mong yan?" saway ko nga saknya kaya lalo syang natawa.
"Sagutin mo na lang," wika nya then I sighed,
"Were fine po ng boss ko. We are in a professional relationship po." tugon ko nga na may kasama pang hugot ng sariling hininga.
"Taray dun sa professional," natatawang komento ni Yna. "Kahit sa loob ng bahay, professional pa rin ba kayo?" tanong niya pa.
Agad akong natigilan sa tanong ni Yna dahil bigla kong naalala yung picnic moments ko with his fam, "Ahm, may naalala lang ako dun sa picnic---", hindi ko na natuloy yung next kong sasabihin nang bigla silang nagsalita lahat,
"Sandaleee.... p-picnic? Nag picnic ka kasama ang Nase Fam?!"gulat na gulat nilang tanong. Wew gulat yern? I sighed again saka ako nagsalita ulit.
"Oo, ayaw ko sanang sumama kaso lang pinilit ako ni Tita Grace" paliwanag ko
"Sana all sayo bii" komento ni Scarlet na mukhang kinikilig sa kwento ko dahil namumula na din ang pisngi nito, hayst... Ang bilis naman nitong kiligin.
"Ikaw naman yung next Scarly," natatawang wika ni Yna kaya naman napunta kay Scarly ang atensyon namin ni ate Liane.
"Ano yung first impression mo nung first meet ninyo ni Justin?" tanong nito
"Suplado" mabilis niyang sagot kaya naman natawa si ate Liane
"Woooh! Deretsahan ha," natatawang pahayag naman ko, walang preno?
"Totoo naman, suplado pero nung paunti-unti ko na syang nakakasama, para siyang tubig sa gripo namin," wika ni Scarlet kaya naman kumunot ang noo naming tatlo.
"Bakit naman?"tanong ni ate Liane, habang ako naman ay naguguluhan nga, ano daw? Anong konek ky Jah dun sa gripo ng bahay nila?! Tsk!
"Kasi minsan mainit siya, mainit ang ulo. Minsan naman malamig, mabait," paliwanag ni Scarlet at bahagyang napangiti.
"Scarly, may posibilidad bang magkagusto ka kay Jah?" tanong ni Yna kaya naman nanlaki ang mga mata ni Scarlet. "Or do you like him naba?" natatawang dagdag pa ni Yna kaya naman pa-simple akong tumingin kay Scarlet at hinintay siyang sagutin ito.
"Hoooy..... N-never mangyayare yan, b-boss ko kaya si Jah , PA nya ako hanggang dun lang kaming dalawa" nauutal na sagot naman ni Scarlet. Why there is a part of me na hindi naniniwala sa sagot niya?
"Athena, do you like Pablo?" muling tanong ni Yna kaya napunta naman sakin ang atensyon ng lahat.
Nagulat naman ako at tila nasamid sa sarili kong laway dahil sa naging tanong ni Yna. Jusko naman! Ano ba to?! "I am his make-up artist okay, imposible yan ate Yna,"sagot ko
"Ikaw naman Scarly , wala kaba talagang nararamdaman kay Jah sa tuwing magkasama kayo?" tanong muli ni Yna. In fairness naman dito kay Yna, tinalo pa si Boy Abunda sa sunod-sunod na mapangahas na tanong.
"Meron..." Napatingin kaming tatlo dahil sa sinabi niya. At hinihintay nga sa next nyang sasabihin. "Stress po saka sama ng loob," natatawang dagdag pa ni Scarlet. Whew! Akala ko meron talaga siyang nararamdaman kay Jah, kinabahan ako dun.
"Athena, what if manliligaw sayo si Pablo may pag asa ba?" baling na tanong naman ni Yna saakin. Sandaleeee, bat naman ganito yung mga tanong saakin, Lord help me!
"Luh , napakaimposible naman yan," pagtanggi ko naman sa tanong,
"Wala ka talagang ibang nararamdaman kay Pablo kahit konti?"pangungulit pa nga ni ate Liane dahil hindi ko naman directly sinagot ang tanong ni Yna dahil napakaimposible yun.
"Wala," mabilis kong sagot
"Scarlet pag ba makipag close si Jah sayo papayag ka?" tanong ni Yna.
"Oo naman. Actually, gusto ko talaga siya maging close para di niya na ako awayin. Saka he'll treat me like how he treat you guys" mahabang paliwanag ni Scarly.
"Parang ang laki ng sama ng loob mo sa bestfriend ko, ah," natatawang wika ni ate Liane bago bumaling saakin, heto na naman tayo! "Athena, do you have a boyfriend?" tanong ulit saakin ni ate Liane
"Wala. NBSB ako eh," sagot ko kaya napatango sya "Crush lang po meron," dagdag ko pa
"Si Pablo?" sabay-sabay nilang tanong saakin. Uminit agad pisngi ko.
"Luh? Hindi! " nagugulantang na sagot ko
"Sino nga crush mo?" tanong naman ni Yna.
"Secret," dugtong
"Si Drei?" panghuhula naman ni Yna, napahampas noo nalng ako
"hoy po! Hindi ko siya crush. We are nice naman to each other, but he is not my type" confident kong sambit, saka narin sya tumango.
"Ikaw ba Scarlet? Do you have a boyfriend?" tanong naman ni ate Liane
"Wala din po, I love myself first," natatawang sagot naman ni Scarlet.
"Self love yern?" Natatawa kong sambit,"Sandalee, bat kaming dalawa nalang palagi ni Scarlet? Kayo din , ikaw Eliane, ano ba talaga status nyo ni--",
"Excuse us, girls"
Tila naman nakahinga naman ng maluwag si ate Liane ng bumukas ang pintuan at isa-isa nitong iniluwa ang miyembro ng SB19 sa pangunguna ni Josh.
"Mukang nagkakasiyahan kayo ditong nag-uusap ha" puna naman ni Pablo sa amin.
"Girls talk only lang po ito, Sir" sagot ko
Napatango naman si Pablo, "Well di naman kami magtatagal. We are just here to inform you girls lalo na si Liane," panimula ni Pablo saka tumingin narin ky ate Liane Bigla din yata syang kinabahan doon.
"Bukas naka-sched ang reward date mo with Stell." pagtatapos ni Pablo sa sinasabi niya. Awtomatikong napatingin si ate Liane kay Jah dahil sa sinabi ni Pablo.
"Sana di kayo mag-enjoy," pasungit nga nitong sambit na may pa irap pa ng mga mata kaya naman napatingin sa kaniya si Ken at nahampas pa siya ni Pablo.
Nag-aalangan ding mapangiti si ate Liane, napasulyap din kaagad si Stell saknya. "Oh sya sleep well girls, wag kayong mag-puyat ha. Kundi gagalit ako sa inyo," natatawang biro ni Stell.
"S-sabi nga po namin matutulog na" wika naman ni Yna.
"Good night, Athena," wika ni Pablo. "I mean, good night girls," mabilis na bawi naman niya.
"Good night mga sir," sagot ko then I smiled
"Good night, girls. Good night, Liane," wika naman ni Justin.
Ngumiti din si ate, "good night, Jah at sa inyong apat," sagot nya
"Good night Sir Jah," saad naman ni Scarlet.
"Good night, Scarly," ngiting bati din naman ni Jah,
"Good night, sinaunang ina," natatawang wika naman ni Josh.
"Che! Good night sa inyong apat at sana di ka makatulog Josh Cullen," asik naman ni Yna kaya bahagya akong natawa.
"Sorry ka, mabilis akong makatulog," pang-aasar naman ni Josh kay Yna.
"Oh siya girls, kami ay aalis na," paalam ni Pablo saka sinenyasan yung tatlo niya pang kasama na lumabas na. Nauna na kasing lumabas kanina si Ken.
Bago tuluyang lumabas si Justin ay tumingin pa ito sa direksyon ni ate Liane kaya naman nginitian nya na lamang siya kaya tuluyang na niyang isinara ang pinto ng kwarto namin. Pag-alis ng mga boys ay napunta naman ky ate Liane ang atensyon naming tatlo
"So, anong susuotin mo bukas?" tanong sa ni Yna ky ate Liane.
"Ano first impression mo kay Kuya Stell, ate Liane?" tanong ko
"What do you expect po bukas?" pahabol na tanong din ni Scarlet.
Napahawak naman sya sa batok nya dahil sa sunod-sunod naming tanong. Excited na kasi kami dahil ito na talaga yung most awaited scene... Haha
"Ahm, sa susuotin, I just brought one of my dress since may sandals naman na ako. Okay na yun," sagot nya. "First impression naman is embarrassing kasi nung na-meet ko siya, may nakakahiya akong ginawa," dagdag nya pa.
"Yun po ba yung hi-noy mo si Jah habang naka-live?" natatawang tanong ko, dahil napanood ko nga yung viral video nya before at sakto din kasing nanonood ako nung araw na yun kaya nga pati ako ay nagulat sa pag HOY, nya haha.
"What? You are amazing,"
namamanghang wika naman ni Yna.
"Napanood mo pala yun," saad nya na lamang then pilit itong napangiti dahil siguro sa nahihiya parin sya until now. "Anyway, as for the expectation, I don't know. I am just a bit worried kay Jah..." sagot nya
"Speaking of Ms. Liane, ano po ba talaga kayo ni boss Jah?" tanong ni Scarlet kaya naman nanlaki ang mga mata nya dahil sa tanong, hindi paba talaga matapos -tapos to?
"Ka-kami?" nauutal nitong sambit,
Tumango naman ito kaya palihim syang napakunok. Sasagutin na nya sana ang tanong ni Scarlet nung tumunog bigla ang phone nito. Agad din naman nya itong kinuha at napangiti.
"Excuse me lang. Sagutin ko lang 'to. Mukhang importante," wika nya
Wala na kaming nagawa kung hindi tumango na lamang . Pumunta muna sya sa veranda bago nya sinagot ang tawag.
"Hello Fiona!!!" masigla nitong bati sa kausap nya , napasulyap kami nila Scarlet at Yna, pare-parehas ang mga tanong namin sa mga isip namin.
"Wait sino yung kausap nya?" Tanong ko
Medyo hindi kasi namin rinig si ate Liane mula dito sa loob.
"Mukang ang saya-saya nya eh." Sambit pa nga ni Scarlet, napalingon kaming dalawa ni Scarly ky Yna
"Kilala mo ba kung sino yung kausap nya?" We asked her, nag kibit balikat nalang ito saamin.
"Aba Ewan ko..." Sagot nya, hinintay narin naming bumalik si ate Liane dto sa loob habang nag uusap pa sila ng kausap nya sa phone.Nakahiga na nga ako dito sa kama ko at iniisip kung sino ba yung dumating na kausap ni ate Liane kanina, inilingon ko ang girls; si ate Eliane mukang tulog na, si Yna naman ganon narin atsaka si Scarlet, mukang ako nalang siguro ang laluna este ang gising pa, hindi ko alam bakit hirap akong makatulog ngayon, bumangon na muna ako saka sumandal sa headboard ng kama ko, napahampas noo at gulo nalang ako ng buhok ko, "Athena, bat kasi hirap ka makatulog ngayon?" mahinang boses kong sambit sa sarili ko. Nang mapansin ako agad ni Scarlet nang gumalaw sya, kamot noo syang nagsalita. "Athena, bat gising kapa? Anong oras na oh," mahina at garalgal nga nitong boses then I sighed, "Di kasi ako makatulog bii," I said
Then bumangon sya saka ngumiti, "Gusto mo bang mag pahangin sa labas? Sasamahan kita."she said then I smiled, "It's okay Scarly, di naman ako lalabas eh pero Sige na bii, bumalik kana sa pag tulog mo," dugtong ko
"Pero pano ka?" she continued
"Don't worry, makakatulog din ako; I can handle it." sambit ko pa nga, "Okay, Sabi mo eh," then kibit-balikat nalang nito, "Good night Athena," she continued then ngiti lang ang itinugon ko saknya saka narin sya bumalik sa pag tulog.***
Pinilit ko nalang ang sarili ko para makatulog na.
BINABASA MO ANG
CLS#1 : Falling In love With My Bias(SB19 fanfic)
FanfictionAthena Dela Cruz ,an A'tin fangirl na magiging make up artist ng kaniyang bias na si Pablo at ng buong SB19 , a good student and a responsible girl ; mapapalapit ito sa kniyang iniidulong artista lalong lalo na ng kaniyang bias at magiging isang mag...