chapter 40

32 3 0
                                    

{The Accidental Kiss}

Athena POV

I can't imagine na ganon pala ang pinag dadaanan ni Scarlet. Nandito kaming apat ngayon sa harap nang bon fire naka upo, tahimik parin ni Scarlet. Actually kaming apat. Iniisip ko tuloy if ako yung nasa situation ni Scarlet. Siguro mababaliw ako pag nagkataon.
Gusto kong mag tanong ky Scarlet pero parang walang word na lalabas sa bibig ko.
“Ahm, girls pwede bang pumasok na tayo sa loob medyo sumama kasi pakiramdam ko.”
“Ay oo nga , tara na saka malamok dito eh baka mamaya nyan eh maubos na nila dugo natin.” nag biro nalang si ate Yna natawa narin naman kaming dalawa ni ate Liane habang si Scarlet naman ay napilitan naring tumawa. Umakbay ako sakniya, “Alam kong napagod narin tayo buong araw. Maaga pa tayo bukas eh.” sambit ko agad naring sumang ayon ang tatlo sa sinabi ko. Pumasok narin kami sa loob.

12 midnight na pero hindi parin ako makatulog, iniisip ko kasi si Scarlet at yung pinag usapan namin kanina. Ewan ko ba, feeling ko kasi bigla akong mafofrustrate sa problema niya ngayon. Hindi ko kasi maimagine nung nag hiwalay ang parents niya. Sigurado akong masakit yun para sakniya bilang isang anak.
Inilingon ko ang tatlo pero sobrang himbing na yung mga tulog nila habang ako dito ayon laluna parin ang mga mata. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at lumabas muna nang kwarto. Tulog na ang mga tao pero ako lang ang gising. Naglalakad ako papuntang kusina, habang papalapit ako rito ay may napansin ako agad, para kasing may tao sa loob nang kusina. Medyo madilim pa naman dun at tanging street lights lang mula sa labas ang nag sisilbing liwanag sa loob. Mabilis akong matakot pero ayaw kong takutin ang sarili ko dahil baka mabulabog ko ang lahat dahil sa sigaw ko. Iwinaksi ko agad sa aking isipan ang lahat nang mga matatakutin kong iniisip. Dali narin akong pumasok dun, pinindut ko yung main switch para umilaw, nagulat ako nang makita ko siya. “S-sir Pablo?” napalingon narin sya nang mapansin niya ako, medyo nagulat narin.  “Luh, bat gising ka pa?”
“Ikaw na nga rin gising eh,” sabay peace mode ko agad para hindi sya maging chona bigla; “Joke lang, de… hindi kasi ako makatulog eh. Ikaw ba bat gising ka pa?” tanong ko rin
“May inayos lang akong plan for our work  dahil bukas uuwi na tayo diba. Ikaw ba bakit hindi ka makatulog?”
“Ahm…”
Hala, paano ko sasabihin ky sir Pablo bakit hindi ako makatulog, ayaw ko namang sabihin sa knya ang tungkol ky Scarlet dahil wala naman ako karapatan. Nag iisip ako kung ano ba ang magandang alibay. Kumurap ako nang bigla syang pumalakpak saakin. “Huy! Tinatanong kita Athena, tulala ka na naman dyan.”
“Ay, sorry po… ahm, ano kasi… may iniisip lang.”
“Hmm… Athena, may problema ka ba?”
“P-po?” nagulat ako agad sa biglang tanong niya.

Si Scarlet po ang may problema at hindi ako , hayst…

“Kung wala kang problema , bakit may iniisip ka? Ano ba iniisip mo? Tungkol saan?”

Ay wow, sunod-sunod namang katanungan yan boss, “Ahm… about work din po syempre,” sagot ko
“Hmm… Sige nga , wanna share?” atay tayo dyan! Ano bang isasagot ko rito? Hayst… Athena bat kasi ito pa yung naisipan mong ialibay eh! Yan tuloy mapapahamak ka nyan eh… kilala mo naman boss mo diba! Haystt….
“Ahm… ano kasi boss — ”
“Aaaah!” napayakap ako agad ky sir nang makakita ako nang ipis sa likuran niya , nginig na nginig na ko dito sa takot, mahigpit ang yakap ko sakniya habang sya naman ay ganon narin at nakatitig narin sakin , hndi kasi ako nakatingin sa kniya, nakangiti siyang titig parin ako. “S-sir…” nginig kong boses dahil hindi talaga umaalis ang ipis sa likuran namin. Napalingon din siya banda ron, nakita nya ang ipis. Natawa siyang ibinalik ako nang tingin. “Athena Dela Cruz, takot ka sa ipis??” mapang asar pa nitong tingin saakin. “Ei… ilayo mo na sakin yan please…” hikbi ko dahil sobra na kong natatakot dito, bumuntong hininga siya. Dali niya akong inilapag sa sahig. “Ei…” kasabay nang pag yakap ko ulit saknya. “Wag mo naman akong ilapag sa sahig oh…” pakiusap ko,
“Hayst.. Athena, ewan ko sayo, para kang bata, paano ko mapapatay yung ipis kung naka akap ka saakin dyan?” boses chona niya
“Eh basta, gumawa ka nang paraan, basta wag mokong bitawan.” sambit ko

Ewan ko ba, takot parin talaga ako pero kapag nakayakap ako ky sir Pablo , napapagaan agad ang nararamdaman ko. Medyo nawawala kahit konti lang ang takot ko. “Hayst… Sino ba boss dito?!” konwaring sungit nito.  “At sino ba ang takot dito sa ipis ha?! Diba ako,” sabat ko rin
“Oo na nga madam!” konwaring inis niya

Medyo malayo kasi yung ipis sa kinaroroonan namin, pilit niya itong iniabot gamit ang isa nitong paa para ito ay apakan. Since nakayakap parin ako sakniya. Agad siyang sumemplang sa sahig at sabay narin kaming natumba dahil nakayakap nga ako sakniya diba.  Aksidenteng dumampi ang mga labi namin sa isa't isa dahil sa lakas nang pagkakatumba namin. Nagulat ako sa pangyayare kaya mabilis akong tumayo at tumalikod sakniya.
Anak nang— first kiss agad sa bias ko? Hooooy!!!!
Napahawak nalang kami sa kanya-kanya naming mga labi at parehas naring gulat. Letcheng ipis na yan, kung hindi dahil sa ipis na yan walang first kiss na magaganap!! “No worries , it was an accidental kiss, wag mo nalang bigyan nang meaning yun and sorry Athena.” he said
“S-sino bang nag sabi sayong may meaning yun? Kasalanan to nang ipis eh at hindi saating dalawa,” sambit ko, kumaripas nalang ako nang takbo pabalik nang kwarto…

Nakahiga na ko dito sa kama ko, 1am na pero heto gising parin ako. Waaaah…. Hindi ko talaga maalis-alis sa isip ko yung nangyare kanina

—-

Hindi rin pala makatulog si sir Pablo , parehas naming iniisip yung nangyare kanina sa kusina. Yung accidental kiss! What the!!!

Magkasabay narin kaming bumangon sa aming kama kahit magkaiba kami nang kwarto eh para bang sabay ang galaw naming dalawa. Sabay rin kaming sumandal sa head board nang kama namin. Sabay rin naming hinawakan ang labi namin pareho. Parehas din kaming nainis. “Letcheng ipis yun!” sabay naming bulong sa mga sarili namin.

Gumalaw si ate Liane, lumipat yata nang pwesto kasabay nang pag dilat niya at napansin niya akong gising pa.  “A-Athena, anong oras na oh bat gising kapa?” garalgal nitong  boses saakin
“Ate, h-hndi kasi ako makatulog eh.” bumangon muna sya saka sya tumabi sakin. Itinuro niya ang balikat nya. Nagtaka ako sa ginawa niya. “A-ano po yan?” takang tanong ko
“Sandal ka rito, may gagawin lang ako sa ilong mo.” mas lalo lang akong nagtaka. Huh? Anong gagawin nya sa ilong ko?
“Ate Eliane, ayos ka lang po?” pagtataka ko ngumiti sya, “Effective to para mabilis kang antukin.” tugon niya. Dahan kong isinandal ang aking ulo sa balikat nya. Hinimas-himas nya ang lining nang ilong ko gamit daliri nya. Hmm…. Mukhang effective nga, medyo inaantok na nga ako… ngumiti ako sakniya. “Inaantok ka na ba?” tumango ako saknya; “Thank you po ate Liane.” ngumiti din siya; “Good, oh sya matulog kana ha. Maaga pa tayo bukas.” sumang ayon din ako sa sinabi nya.  Bumalik narin sya sa kama nya at natulog ulit.

Haystt…. Ang sarap pala maging ate ni ate Liane. Hindi ko kasi ramdam yung ate’s love kasi kuya’s love lang meron ako na may kasama pang lait sa sb19 pweee….

So yun na nga 1:30am na ko nakatulog at hindi ko alam kung nakatulog narin si sir Pablo.

----

A/N :

Hi my lovely schriver babies! Kamusta kayo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Here is my chapters updates! Sorry now lang po, masyado lang pong na busy but don't worry dahil simula ngayon mag uupdate na kami nang series... Sana hndi parin kayo nawawala my schriver babies and also our lovely AWO supporters! Alam naming naiinip na kayo kakahintay nang mga updates namin but don't worry kumikilos na po kami ngayon.. abangan na ang mas lalo pang umiigting na mga eksena. Nasa professionalism pa rin until now si Athena pero sisikapin kong Ibreak yun saknya... Jusko naman nakakapagod din kaya haahhah charooot🤣 so please continue to support our 5 series!

Series#1: Falling Inlove With My Bias by cam_schrivers

Series#2: Love in the spotlight by Blossom Hearts

Series#3: Sincerely Yours by Medea Harlow

Series#4: Unexpectedly Meeting You by Blossom Hearts

Series #5: Someone I can't Unlove by InkyYellow

CLS#1 : Falling In love With My Bias(SB19 fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon