chapter 38

17 1 0
                                    

{spin the bottle part 3}

Athena POV

“Masasapak ko talaga to eh,” inis ni boss sa biglang tanong ni Josh saakin, habang ako naman ay hindi rin alam kung ano nga ba ang isasagot ko. Teka ano nga ba talaga yung totoo kong nararamdaman ky boss? Especial nga ba talaga sya sakin? Itong tanong na to ang hindi ko alam kung masasagot ko ba o hindi. Yes, inaamin ko masaya akong kasama siya kahit na nong nasa bahay nya palang ako nakatira. Mabuti siyang tao , mapagmahal at marespeto narin. Kapag kasama ko siya I feel so comfortable with him. Pero ang tanong special ba si boss sa buhay ko?

Nakatulala lang akong nakatitig sa bote kasabay nang pagpalakpak ni ate Yna. “Bii, ano na? Waiting kami oh.” she said, kumurap din ako pagkatapos magsalita ni ate Yna. “Ahm… ano kasi… I am his make up artist at siguro special sya for me as my idol, yun.. special si boss kasi bias ko sya sainyo atsaka make up artist nya ko. Nandito ako sa stage nang professionalism as his make up artist.” paliwanag ko
“Hay naku Athena, nasa vacation tayo oh tapos professionalism kapa dyan; no, hindi ako naniniwalang ganyan yung treat mo ky Pablo, alam mo ba kung bakit? Yung mga tingin mo ky Pablo kala mo ba hindi namin napapansin yun? Para kasing may something…” takip bibig ni Stell.
“Hayst… skip na nga tong tanong!” inis ni Pablo at hinawakan na yung bote para sana paikotin na pero pinigilan ko muna. “Sandale!” sambit ko ; “Athe — ”
“Shh…” inilagay ko yung daliri ko sa labi nya para sya ay tumahimik ; “I can handle it, saka laro lang to boss, no worries ” sagot ko
“Pero — ”
“Shhh…. Easy….” pag agaw nga nang sasabihin nya sana. Ngumiti ako ky Josh saka muling nag salita. “Si sir Pablo especial kasi boss ko sya. That's it.” I said , parang nakahinga narin nang maluwag si boss dahil sa sagot ko. “Rest room lang ako.” tugon nya, tumayo na si boss para pumunta munang cr. Pagkatapos kong sumagot ay pinaikot ko ulit yung bote at saktong tumapat ulit ky Jah. “Sir, kung may babalikan ka in the past , ano yun?”  tanong ko then he smiled
“Yung mga panahon na hindi pa ko Sb19, kasi yun lang yung mga panahon na simple lang yung buhay ko yung walang camerang nakasunod, yung safe kapa sa mga bashers, yung hindi ka pa kilala nang lahat, yung kaming dalawa lang talaga ni Eliane yung magkasama , yung malaya pa kong nakagala atsaka yung highschool days siguro, yung buhay na simple lang. Simula kasi nung nag audition ako as sb19 yung graduating pa ko nang college tapos sumabak ako training as sb19 sa korea tapos meron pa kong thesis na tinatapos. Sobrang nag struggle talaga ako sa part na yun. Pero hindi ako sumuko sa pangarap ko kaya heto ako ngayon, kilala na nang lahat pero minsan napapaiisip din tayo , nakakamiss din pala yung dati nating buhay no, yung simple lang, yung walang mga babaeng titili sayo sa daan , wala yung mga taong magpapapicture sayo sa daan, Wala yung mga taong pagkakaguluhan ka, dudumugin ka. Ang laki nang pinagbago nang mga buhay natin simula nung naging sb19 tayo at sumikat na talaga.” mahabang lintiya pa nga nito , sumang ayon din naman ang apat sa sinabi ni Jah. “Totoo yun, nakakamiss din pala no, pero pangarap natin to kaya ayos lang yun. Pwede parin natin Ibalik yung simple nating buhay before, tulad nito diba.. private life natin tong vacation right; hndi muna involved yung A’TIN,” pigil tawa ni Ken dahil nasa rest room kasi si boss.
“Pero A'TIN fans sina Scarlet at Athena, so pano na to.” biro pa nga ni Stell
“Huy, P.A at make-up artist namin ni Pablo yan” reaction ni Jah , natawa nalang kami ni Scarlet sa reaction nang boss nya.
“Slush , A'TIN.” sabat pa nga ni Josh sabay halakhak parin nito. Nagtatawanan kaming lahat dto nang dumating na si boss. “Oh anyare bakit lahat kayo nagsitatawanan?” he asked
“Nagtanong kasi si Athena ky sir Jah kung may babalikan syang past ano yun , yung sagot nung hindi pa siya sb19.” kwento ni Scarlet
“Ay sayang di ko naabutan haha” sagot niya , si Jah na yung nag paikot nang bote at tumapat ulit ito ky ate Eliane, “Ako na mag tatanong!” pagtataas nang kamay ni Stell. “Eliane, tingin mo ba , matapang kana to take risk again?” tanong ni Stell ky ate Liane , bumuntong hininga si Ate Liane bago nya sinagot ang tanong. “Depende sa risk. I am selfless kasi so lahat tinitimbang ko bago ako magrisk ulit" tugon nya saka tumingin kay Jah na nakatingin narin sa knya “Mas mahalaga kasi sa akin yung growth and success nung tao kaysa sa feelings ko. Makakapaghintay pa naman ako” dagdag pa nya saka ibinalik kay Stell ang mga mata nito. Bigla rin syang  namangha sa sagot nang dalaga. “Yown! Lakas maka miss U haha,” tawa nalang ni Stell , napanganga narin kami sa sagot ni ate. “Teka lang, spin the bottle to diba pero bakit yung sagot pang miss U na haha,” komento pa nga ni ate Yna, habang ako naman ay tahimik ulit sa gilid alam ko na yung last question ko ky ate Liane, JahLiane layag!! “ Ito na talaga yung last question ate, if manliligaw si  sir Jah sayo ilang porsyento ang chance niya?” tanong ko, napaubo nalang ang dalawa lalo na si sir Jah habang si Scarlet ay kanina pa tahimik at walang imik, dito sa gilid. “A-Athena, ano bang klaseng mga tanong yan!” medyo inis nito then tumawa ako nang bahagya. “Sige na te, laro lang naman to — ”
“Laro na may kasamang personal life questions ; oo laro lang talaga to Athena,” medyo inis ding sabat ni Jah , ayon edi JahLiane reaction hahaha, kompleto na araw ko, JahLiane yieeey…
Natawa naman si ate Liane sa naging reaction ni Jah sa naging reaction ni Jah. "Oh sige na para matapos na ang pag-iintriga niyo sa amin ni Jah." tugon nya. "101% siguro pag tama na ang panahon. After all,we are ex lovers naman,” sagot pa nga nito, napalunok laway agad si Jah sa sagot ni ate Liane.

Nagtaka kami sa sinabi ni ate Liane
“E-ex lovers?” sabay naming tanong
“Yes, were ex-lovers actually.” sagot ni Jah,

Matagal ko bago ko magets ang means nang JahLiane. “Omg!”sabay takip bibig ko , habang gulat na gulat ako, namimilog narin mga mata ko at mas lalong namula ang pisngi ko. Napalingon saakin si Boss at nakita nya ang reaction ko; “Athena, ayos ka lang? Luh pulang pula na yang pisngi mo, parang lumevel up yata yung kilig mo kila Jah at Eliane huh,” he said
“Gets nyo ba yung means nila? Yung ex lovers.”sambit ko , habang kilig na kilig parin. I cannot believe this , omg! Waaaah.... Nag tinginan ang lahat. Habang ang JahLiane naman ay natatawa parin sa reaction ko habang pinagmamasdan ako.
“Oo gets namin, dating mag jowa,” simpleng sagot ni Ken , mas lalo akong nag lulugpasay sa kilig dito, napahalakhak nalang ang lahat sa nagiging reaction ko rito. “Bigyan nyo tubig si Athena guys, isang drum, mukang mawawalan na nang hininga eh,” halakhak pa nga ni Stell , nang medyo matauhan na ko; “Pero Teka lang, ang unfair naman , ako lang yung gulat na gulat tapos kayo parang wala lang?” taas kilay kong reaction
“Oh easy , matagal na naming alam.” sambit ni Boss, inilingon ko si ate Yna pero si Scarlet kanina pa yata to tahimik at walang imik.
“Nagulat din ako pero chill lang ako, Ikaw lang yata tong kilig na kilig sa JahLiane bii,” sambit ni ate Yna, inilingon ko si Scarlet; “Psst.. Ms P.A, pati ikaw alam mo rin?” tanong ko pero nag kibit balikat sya, “Ngayon lang din pero wala akong pake,” walang gana nitong sabat , Luh ang attitude naman ni Scarlet, kanina pa to tahimik eh. So ako lang pala mag isa dito na fangirl nang JahLiane? Bumuntong hininga ako, agad din akong nilapitan ni Boss para ibigay ang maliit na box. Nagulat din ako sa biglang pag abot nya saakin nito.“Boss?” tanong ko
“Mamaya mo na buksan. Taposin muna natin yung laro atsaka para naman makapag pahinga kana rin dahil alam kong napagod ka --- hindi sa laro kondi sa kilig mo sa magkaibigan magdamag,”halakhak nito sakin, gusto kong mainis sa sinabi ni boss kaya napabagsak panga nalang at kagat labi nalang ako dahil dun. Mahigpit ang hawak ko sa box na maliit na bigay sakin ni boss, nakabalot sya sa maliit na gift wrapper. Idinampot ko na agad ang bote saka ko ito pinaikot at tumapat rin ito ky ate Yna. “Ow, Halina Hara, ang sinaunang stylist it's your turn, first impression mo ky Josh?” tanong ni Jah , seryosong awrahan ni Justin De Dios ngayon… first time ko yata syang nakitang seryoso.
“First impression? Ahm… kung hindi ako nagkamali nung nasa Se-On palang sya nun , okay lang naman sya hahaha,” tawa nito, bigla ring parang nawalan nang gana si Josh sa sinabi nito. “Talaga ba?” medyo inis nito ky Ate Yna; “Ate, crush nyo po ba si sir Josh before?” tanong ni Scarlet, nagulat din naman ako atsaka si ate Yna sa tanong nito. “Yung bunso natin mukang natututo na,” takip bibig ni Stell , medyo natigilan narin si ate Yna sa itinanong nito. Napalunok laway narin si sir Josh  dahil dun. “Si Josh, ahm… mabuti naman siyang tao saka komportable din ako pag kasama sya. Okay lang naman sya.” sagot pa nga nito, mas lalo pang nainis si Josh sa mga sagot nito
“Oo nga naman Halina, okay nga— sana okay kapa no? Parang wala kang naaalala ah,” inis nya then sabay tayo nito at tumalikod saaming lahat.

Whooh… what happen ky Josh? Hahaha.

CLS#1 : Falling In love With My Bias(SB19 fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon