chapter 39

26 1 0
                                    

Athena POV

Pagkatapos nang laro; “Mag simula na kayong mag ayos nang mga gamit nyo dahil uuwi na tayo tomorrow morning.” anunsyo agad ni boss saaming lahat, isa-isa narin kaming nagsitayuan at pumunta na sa aming kwarto. While us nang girls ay sabay narin kaming pumasok sa loob nang kwarto namin, still hawak-hawak ko parin yung bigay na maliit na box ni boss. Pagpasok namin dito sa loob, napaupo si ate Yna at ate Liane sa kani-kanilang mga kama while si Scarlet ay umupo narin sa kama nya pero wala parin siyang imik, sobrang tahimik nya na parang andaming iniisip. Wait, anyare ky Scarly? Inilapag ko na muna sa kama ko yung maliit na box na bigay sakin ni boss kanina at napansin din naman agad yun ni ate Yna. “Bii, kanino galing yan?” habang titig lang sa box, napalingon din ako sa box saka ko sya ibinalik nang tingin. “Bigay ni boss kanina, di ko nga alam kung anong laman nyan..” sagot ko
“Hmm…. May gift kana sa boss mo so Athena, sigurado ka bang as make up artist lang kaya sya especial sayo? Sus wag mo kaming iniechos-echos ha..” komento pa nga ni ate Liane, napatitig ako saknya nang 1 minute lang naman saka muli na namang kinilig dahil naaalala ko na naman yung laro kanina. “Ikaw ha ate, Sabi ko na nga ba eh… nagkaroon kayo nang relationship ni sir Jah before , huyyy kinikilig parin ako! Hindi parin ako nakakaget over , oh my ghaaaad….. JahLianeeee…..” napahalakhak nalang ang dalawa sa reaction ko ; “Hay naku Athena, hindi ka ba talaga napapagod dyan? saka kanina ka pa push nang push kila sir Jah at Eliane eh.” sambit pa nga ni ate Yna.
“Eh kasi naman…. Yung chemistry together eh… haystt… bat kasi hindi nyo pa itutuloy yung naudlot nyong love story,” pamumula ko na naman nang pisngi, tumawa nalang yung dalawa sa sinabi ko, agad naring naibaling ni ate Yna ang kanyang attention ky Scarlet, nagtatawanan na kaming tatlo dito pero si Scarlet tahimik parin at walang imik sa kama niya, nakasandal na sya sa head board nang kama nya at nakatulala na parang anlalim nang mga iniisip. Muli kaming nag tinginan sa isa't isa, kaming tatlo; tumayo si ate Liane , tumabi siya ky Scarlet then smiled; “Scarly, ayos ka lang, kasi pansin namin kanina kapa tahimik eh, sa laro palang natin kanina parang wala kang sa mood. ”
“Oo nga naman Scarly, alam mo kung may dinadamdam kang problema pwede kang mag open up saamin. Wag mong solohin yan dapat meron kang taong mapag sabihan.” dugtong ko pa
“Share mo naman samin problem mo sis.” sabat narin ni ate Yna , napaangat narin  siya nang tingin saaming tatlo saka pilit itong ngumiti. “Ayus lang po ako mga ate, siguro napagod lang po, sige po cr lang ako.” sagot nya saka narin siya tumayo at pumasok na sa loob nang cr. Muli na naman kaming nagsulyapang tatlo. “May problema kaya si Scarlet?” tanong ni ate Yna
“Meron yan, halata naman sa mukha nya. Mamaya kakausapin natin, tara mag ayos na tayo.” sambit pa nga ni ate Liane

Nag aayus na yung dalawa nang mga gamit namin nang biglang may kumatok  sa pinto nang kwarto namin. “Athena, ako to,” boses ni boss Pablo ang nasa labas nang kwarto, kaagad din akong lumabas muna.
“Bakit po?” tanong ko
“Binuksan mo na ba yung gift ko?” tanong nya pero umiling ako; “Di papo, bakit po? Ano po ba laman nun?” tanong ko
“Ahm… Basta , buksan mo nlang sige na, mag ayos kana dun. See you Athena.” he said then I smiled saka narin ako bumalik sa loob  at ganon din sya sa kwarto nilang lima.

°°°°

Lumabas muna yung dalawa sina ate Liane at ate Yna while si Scarlet naman ay naliligo, ako naman ay nag aayos narin nang gamit ko. Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako nang katok mula roon. “Athena?” boses ni sir Pablo kaya lumapit ako para pagbuksan sya. “Akin na yung bigay kong gift sayo.” nagulat ako sa narinig ko, Luh ibinigay na nya eh tapos babawiin nya? So unfair haha ; “B-babawiin nyo po yung bigay nyo?” tanong ko , bahagya din siyang natawa. “Hindi, hindi ko babawiin. Bigay mo sakin dahil ako ang mag susuot nun sayo.” Mas lalo akong nagtaka. “Po? Teka ano po bang laman nun?” tanong ko
“Hayst…  tanong ka nang tanong sakin dahil di mo naman binubuksan yung bigay ko, ambagal mo kasing kumilos.” sungit nitong sambit, wow so kasalanan ko pa pala? Bumuntong hininga ako ; “Hayst… oo na po, wait lang kukunin ko lang.” sagot ko Dali akong pumasok nang kwarto para kunin yung box saka narin ako bumalik sa labas. Nakaupo si sir Pablo sa may hagdan habang hinihintay ako. Lumapit narin ako sakniya.  “Ito na po” sabay abot sa knya nang box , tinanggap din niya ito saka nya daling binuksan. Namilog mga mata ko nang makita ko na yung laman. Iniangat nya ako nang tingin. “Athena, para sayo.” umikot sya at pumunta sa likod ko at ipinasuot na niya saakin yung necklace na kulay silver na may hugis puso. Ang ganda-ganda. Pagkatapos nyang masuot sakin ay muli din syang humarap saakin saka sya ngumiti. “Yun oh, bagay sayo Athena, gusto ko palagi mo tong suot ; early nalang yung gift ko sayo ha.” he said, napangiti ako sa sinabi nya. Pansin nya yung braso ko. “Nasan yung bracelet na bigay ko?” tiningnan ko rin yung braso ko. Nalimutan ko kasing isuot yung bracelet na unang bigay niya sakin. “Ah, nandun po sa loob, nalimutan kong isuot.” sambit ko
“Suot mo yun ha para partner sa necklace mo bukas pag uuwi na tayong manila.” he said
“Okay po, Sige na po sir, magpapahinga na po kami.” I said

°°°°

Naka upo si ate Liane sa kama niya habang  nakasandal sa headboard. Habang si ate Yna naman ay naka cross ang mga binti niya at naka harap nang upo saaming dalawa ni ate Liane. Lahat nalang nagawa na naming tatlo. Nag joke na kaming tatlo, nag kwento na kami nang mga horror at iba pa pero si Scarlet , tahimik parin siyang nagpipipindot nang cellphone nya. Muli na naman kaming nagtinginang tatlo. “Ikaw na maunang mag tanong,” bulong ni ate Yna ky ate Liane pero umiling siya sabay lingon saakin. “Thena, Ikaw yung mas malapit saknya , Ikaw na mag tanong.”
“Hayst… tayong tatlo lang kaya.” sabat ko, nagtuturuan na kaming tatlo kung sino yung mauunang mag tanong at mag comfort ky Scarlet. Nang mapansin din niya ito. “Wag na kayong mag turuan mga ate, sabing okay lang ako.” she said pero hindi naniniwala si ate Liane, tumayo sya saka sya tumabi ky Scarlet. “Alam kong nahihiya ka lang samin. Wag kana mahiya, ramdam naming may dinadamdam ka. So kung ano man yan, handa kaming makinig okay. Wag kang mahiyang mag open up saamin. Mga ate mo kami remember?” ngiting sambit ni ate Liane habang nakaakbay ito saknya. “Aja! Hehe,” cheering naming dalawa ni ate Yna na naka akbay narin sa isa't isa saka narin kaming lumapit saknya. “Kwento na dali… ano ba problema mo? About ba sa crush - - - ”
“Hoy, Athena! Jusko naman, Anong  about crush ka dyan… hayst..” konwaring stress ni ate Yna saakin, ngumisi nalang ako. “Ate, di naman about crush… about ky - - - ” she said
“Kay?” sabay sabay naming tanong
“Aha! Alam ko naaa…. About sa boss mo ky sir Jah no?”
“Aray ko! --- ate Yna!” dugtong ko pagkatapos nya akong mahampas sa balikat dahil sa tanong ko.  Natawa din namang umiling si ate Liane ; “Ang bibo ngayon ni Athena kasi suot nya yung necklace na bigay saknya nang boss nya.” simpleng sambit ni ate Liane kaya napahawak nalang ako sa dibdib ko at tinakpan ang suot kong necklace habang naka busangot. “Hihi, ang cute mo po ate Athena hihi” Scarlet said
“Shhh… wag mong ibahin usapan Scarly, mag sabi kana samin nang problema mo.” sambit ko , bumuntong hininga nalang si Scarlet habang nakatitig parin saaming tatlo.

CLS#1 : Falling In love With My Bias(SB19 fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon