Prologue

452 9 3
                                    









Dedication:

To those who dream of being stalked by a rich guy… I got you.

















Prologue:

Nakabusangot si Lucille nang lumabas sa kwarto niya. Sa araw-araw na tyinaga niya para pilitin ang kanyang mga magulang na payagan siya na patakbuhin ang kanilang kumpanya, hindi pa rin nagbubunga.

Araw-araw, walang mintis niya na kinukulit ang mga magulang tungkol sa kanilang kumpanya pero ni isang beses ay hindi pumayag ang mga ito sa gusto niya.

Dumulog siya sa hapag-kainan kung saan nakahain na ang almusal. Ilang saglit pa ay naupo na rin ang kanyang mga magulang.

Bumukas ang kanyang bibig ngunit agad iyon na naitikom dahil nagsalita ang kanyang ina, “no, Lucille Seraphine.” Kumibot-kibot ang kanyang labi habang kumakain ngunit hindi na nagsalita pa. Palagi na lang.

Nang matapos kumain ay pumanik na siya sa hagdan para bumalik sa kwarto niya. Hawak niya na ang doorknob pero biglang sumulpot sa kanyang gilid ang nakababatang kapatid.

“Ano na naman ang problema mo, Lowell Julian?” inis na tanong niya sa kapatid. Tatlong taon ang agwat nila sa isa't isa at dahil sa tangkad ng kanyang kapatid ay hanggang balikat lang siya nito.

“Hindi ka ba napapagod?” Napaiwas ng tingin si Lucille. Ngayon lang siya tinanong ng kapatid tungkol sa ganitong bagay. “Tama na, Ate. Maawa ka naman sa sarili mo.”

“Ikaw ang tama na, LJ!” Bulyaw niya sa kapatid. “Huwag mo akong pakialaman, kaya ko ang sarili ko at alam ko kung ano ang ginagawa ko.”

“Alam ko, ate. Naiintindihan ko, alam ko kung ano ang kaya mong gawin at kung ano ang gusto mo but it will never change the fact na hindi naniniwala sila Mom at Dad sa kakayahan mo.”

Lucille gritted her teeth, her fist formed into a ball. But before she can utter the words she might regret later, she turned around to enter her room.

She ploped herself on her bed. No one has ever trusted her capabilities. Not her family, not even her friends. Panganay si Lucille, ngunit nanatili siyang sheltered sa loob ng matagal na panahon, making her grow up vulnerable and with limited knowledge of the outside world.

At the age of 23, halos wala pa siyang alam sa buhay. She wanted to explore the world, the unknown. Ngunit alam niya na hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang kahit magpaalam pa siya ng maayos.


I want to break free, to face things on my own.

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon