Chapter 18

81 5 2
                                    

Araw-araw at walang mintis ang pagpapadala ng litrato kay Lucille. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino ang unknown number na nagpapadala ng mga litrato.

Iba ang numero na nagpapadala sa kanya ng litrato at iba din ang numero na nakasave sa contacts niya na ang pangalan ay Mr. Stranger.

Speaking of Mr. Stranger...

Hindi na siya nagpapadala ng text o tawag kay Lucille. Wala kahit na ano. Ang tanging nagagawa lang ng dalaga ay paulit-ulit na basahin ang naging palitan nila ng mensahe dati sa tuwing nababagot siya.

Kagaya na lang ngayon. Naka-ukit ang maliit at malungkot na ngiti sa mga labi ni Lucille. Masakit, malungkot, nakaka-miss. Ayan ang nararamdaman ni Lucille habang patuloy ang pagbabasa sa mga mensahe.

Limot niya na ang pakiramdam ng ka-chat ang lalaki. Halos kabisado niya na ang mga mensahe na madalas niyang binabasa. Gusto niya itong kamustahin at tanungin pero hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na lakas ng loob para gawin ang binabalak.

Kung magpapadala man siya ng mensahe sa lalaki, ano ang kanyang sasabihin? Inis na binitiwan ni Lucille ang cellphone at tumitig sa bintana.

Hindi ako maaaring magkagusto sa magkaibang tao ng magkasabay. Hindi ako malandi.

Sa tagal nang magkasama ni Lucille at ni Vance, hindi niya na maiwasan na mahulog sa lalaki dahil palagi siya nitong inaalala. Walang minuto na magkasama silang dalawa na hindi sumasagi sa isipan ni Lucille si Mr. Stranger.

Sa mga galaw ni Vance, si Mr. Stranger ang palaging naaalala ni Lucille. Naiinis siya sa sarili dahil palagi na lang si Mr. Stranger at hindi si Vance na nasa kanyang tabi.

Nabaling ang isip ni Lucille sa ibang bagay nang tumunog ang kanyang cellphone at mag pop-up dito ang mensahe na palagi niyang natatanggap.

Sa pagkakataong ito, ang litrato na kanyang natanggap ay mirror shot. Hawak ng isang babae ang cellphone at hindi kita ang mukha nito habang si Vance naman ay nakatingin sa cellphone na hawak ng babae.

Napalunok si Lucille nang bumaba ang kanyang paningin sa bewang ng lalaki kung saan nakapulupot ang braso ni Vance.

Impit na tili ang kumawala sa bibig ni Lucille. Ang kanyang mukha ang namumula sa inis habang nakakuyom ang kamao.

Bakit ba kasi ako naiinis?!

Buong araw na nakabusangot si Lucille dahil sa inis na nararamdaman na hindi niya naman alam kung saan ba nagmumula. Wala na siyang ibang ginawa buong araw kundi ang tumulala at bumuntong hininga sabay kuyom ng kamao.

Ganoong tagpo ang naabutan ni Vance nang makauwi siya. Maaga siyang umuwi dahil sumasakit ang ulo niya pero hindi niya na ito nagawang intindihin nang makita ang itsura ni Lucille. Ni hindi nito naramdaman ang pagdating niya.

“Lucille?” tanong niya. Imbis na sumagot ang dalaga ay napakuyom lang ang kamao nito habang masama ang tingin sa nakapatay na tv.

Lumapit si Vance at tinapik ang balikat ng dalaga. Nang mag-angat ng tingin si Lucille ay nakita niya ang nag-aalalang tingin ni Vance sa kanya.

“Ayos ka lang?” tanong ni Vance at tumango si Lucille bilang sagot. Kumunot ang noo ng lalaki dahil hindi makulit si Lucille at hindi ito nagtatanong. “Anong nangyari?”

Lumingon si Lucille sa lalaki. Kitang kita ni Vance ang talim at sama ng tingin ni Lucille sa kanya.

“Talagang ako pa ang tinanong mo?! Bakit hindi mo tanungin yung babae mo?!” Napapitlag si Vance sa pagsigaw ni Lucille sa unang beses.

Mahinhin ang boses ni Lucille ngunit nang ito ay magtaas ng boses ay nawala ang hinhin nito.

Tumikhim si Vance. “Anong babae?” nagtatakang tanong ni Vance. Amusement dancing in his dark eyes and Lucille refused to be drawn to his eyes. She averted her gaze in order to not meet his.

“Hindi ka nagtatrabaho.” Humalukipkip si Lucille at siniksik ang sarili sa sofa habang iwas ang tingin sa lalaki. “Nandoon ka sa babae mo palagi.”

“Are you accusing me, Lucille?” marahang tanong ni Vance. Hindi sumagot si Lucille. “Ano kung nandoon ako sa babae ko?”

Nakaawang ang bibig ni Lucille na napalingon sa lalaki na nakangisi sa kanya.

“What is it to you?” tanong pa nito.

Mula sa pagkaka-awang ng labi ni Lucille ay napalunok siya. Ang kanyang mata ay nagluluha at nagbabadyang umagos ang mga luha na pinipilit niyang pigilan.

Hinablot ni Vance ang cellphone mula sa kamay ni Lucille. Hindi ito nagawang agawin ni Lucille dahil windang pa ang kanyang pag-iisip sa naging tugon ng lalaki sa kanya.

“Saan mo ba nalaman ang kagaguhan na yon?” Napalingon siya sa lalaki nang magsalita ito. Nakakunot ang makinis na noo ni Vance habang abala sa pag-galugad sa cellphone ni Lucille.

“Telegram.” Agad na pinindot ni Vance ang app nang makita ito at isang mensahe lang ang nakita niya. Pinindot niya ito kaagad at doon ay nakita niya ang mga litrato na dahilan ng pagsama ng loob ni Lucille.

“Block this fucking number,” sambit ni Vance nang ibalik ang cellphone ni Lucille. Tigagal naman ang babae nang tanggapin ito. “The girl in the picture is my ex-girlfriend.”

Napalunok si Lucille at sinunod ang sinabi ng lalaki.

“Dati pa ang mga picture na yan. Noong kami pa—” hindi natapos ang dapat na sasabihin ng lalaki nang biglang umingos si Lucille.

“Kung ganoon ay bakit mayroon pa siyang litrato ninyong dalawa?”

“Hindi ko alam. Matagal na kaming hiwalay niyan.”

“Matagal na daw,” bulong ni Lucille. “Sabagay, kung ikaw yung ex ko ay talagang hindi ko buburahin ang mga litrato mo.”

Kunot noo si Vance nang tumayo sa harap ni Lucille. “Paano naman kita magiging ex? Ikaw, magiging ex ko?”

Inirapan ni Lucille si Vance at tumayo. Alam niya sa sarili na walang dapat ika-inis ngunit sa mga sagot pa lang ng lalaki sa kanya ay kumukulo na ang dugo niya. Naglakad siya paalis para iwan ang lalaki pero bago siya maka-akyat sa hagdanan ay nagsalita ito ulit.

“Kung magiging girlfriend kita ay hindi na kita pakakawalan kaya imposible na maging ex kita.”

Hindi nagawa ni Lucille na humakbang para makapanik sa hagdan. Nanatili lang siya na nakatayo at nakatanga sa unang baitang ng hagdanan.

Lucille gulped as soon as she felt a hot minty breath fanning the back of her ears.

“Why not try a chance with me?” he asked. “If you dared to give me a chance, you're never gonna get away from me. The decision is up to you, kitty.”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon