Epilogue

124 5 0
                                    

Nagmulat ng mata si Lucille at nang makita niya ang liwanag na tumatagos sa kanyang bintana ay itinakip niya ang unan sa kanyang mukha at tumagilid ng higa.

Wala siyang balak bumangon dahil ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan at ayaw niyang bumangon.

Nang maramdaman ang biglaang pagbaligtad nang kanyang sikmura ay mabilis siyang napabangon na naging sanhi ng kanyang pagkahilo.

Patakbo niyang tinungo ang banyo at kinalimutan ang hilo na kanyang naramdaman. Sa lababo sa loob ng banyo sa kanyang kwarto ay halos iluwa niya ang kanyang bituka sa kaduduwal ngunit walang lumalabas.

Hinang-hina siya nang lumabas sa banyo. Pabagsak ang pag-upo niya sa kama at napatulala siya sa kawalan. Umaga pa lang pero ang pagod na kanyang nararamdaman ay pang buong araw na.

Napatingin siya sa pintuan nang may kumatok dito ng sunod-sunod. Tumayo siya at binuksan iyon. Bumungad naman sa kanya ang kapatid.

“Ate subukan mo daw to,” sabi sa kanya ng kanyang kapatid nang mabuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang tinanggap ang supot at isinara ang pinto.

Isang buwan na ang lumipas mula noong huli silang nag-usap ni Vance, kung pag-uusap na maituturing iyon. Sa loob ng isang buwan ay hindi na nakita pa ni Lucille ang lalaki. Iyon naman ang gusto niya, ang hindi makita ang lalaki ngunit hindi niya maalis ang kirot sa dibdib na kasama ng kaisipan na hindi na nagpakita pa sa kanya ang lalaki.

Iyon ang gusto niya, ngunit nanghihina siya kapag iniisip na tuluyan na siyang nilayuan ng lalaki.

Napabuntong hininga siya at inilabas ang laman ng supot. Pagkain ba to? Binuksan niya ang packaging at napatawa nang makita ang laman nito. Akala ko pagkain.

Agad niya na ginamit ang laman ng supot at bitbit ito nang siya ang lumabas. Nawala ang tamlay niya nang makita ang resulta. Mabilis siyang lumabas sa kanyang kwarto at halos takbuhin na ang distansya ng kanyang kwarto at kusina kung nasaan ang kanyang pamilya na nag-aalmusal.

Hindi na siya nakaabot pa sa kusina dahil sa sala pa lang ay nakita niya na ang kanyang mga hinahanap. Wala ang mga ito sa kusina dahil nasa sala lang ang mga ito.

“Mom, dad,” hinihingal na sambit ni Lucille na nakakuha sa atensyon ng kanyang mga magulang.

“Dios Mio! Napakaputla ng kulay mo, Lucille!” Napatayo si Linette at agad na nilapitan ang anak na pati ang labi ay walang kulay.

Sinalat nito ang noo ng anak pero mahina na tinabig lang ito ni Lucille.

“Okay lang ako, mom.”

Sa sinabi ni Lucille ay kumalma ang kanyang ina. Lumayo ito sa kanya ng kaunti para pagmasdan ang kanyang itsura pero natigilan ito nang bumaba ang tingin sa kamay ni Lucille.

“Teka... Ayan ba yung,” sambit ni Linette na naputol nang magsalita si Lucille.

“Pregnancy test kit na inabot ni Lowell sa akin kanina.”

Natigilan sa paghigop ng kape si Alexander at pinagmasdan ang kanyang mag-ina.

“Ano ang resulta?” Ramdam ang antisipasyon  sa pamilya. Lahat ay naghihintay ng kumpirmasyon ngunit nang marinig na nila ang sagot ay natahimik sila.

“Positive,” sagot ni Lucille. “Hindi ito dapat malaman ni Vance. Wala siyang karapatan sa bata.”

“Huh?” wika ni Lowell. “Paano niya magagampanan ang pagiging ama kung itatago mo?”

“Tama naman siya, Lucy,” sang-ayon ng kanilang ina at inalalayan si Lucille na maupo. “Mas mabuti kung hahayaan mo si Vance na makilala ang bata. Dalawa naman kayo na bumuo niyan. Malay mo maisipan niyang bumawi.”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon