Chapter 19

85 5 2
                                    

Kitty.

He called her Kitty. All that matters to Lucille is the nickname he called her. Isa lang ang tumatawag kay Lucille sa ganoong nickname. Ang tanging tao na tumatawag ng ganoon sa kanya ay ang tao mismo na nagbigay sa kanya ng nickname na iyon.

Napalunok si Lucille. Malinaw sa kanyang isip ang lahat ng kilos ni Mr. Stranger noon at talagang natatandaan niya pa lahat. Ang laki ng katawan nito na nakita niya sa pamamagitan ng maliit na liwanag sa kanyang kwarto dati at ang katawan ni Vance ay iisa.

Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig sa kanyang isip ang boses ni Mr. Stranger. Kapareho ito ng kay Vance. Lahat ng kilos ng lalaki ay kapareho sa stalker ni Lucille na sa boses niya lang kilala.

Naputol ang pag-iisip ni Lucille nang tumunog ang kanyang phone. Tumatawag sa kanya ni Hazel. Inilagay niya sa silent mode ang cellphone at pinanood hanggang sa matapos ang pagri-ring nito.

Katatapos lang ng tawag ni Hazel ay umilaw mula ang cellphone niya at si Barbie at si Anita ang kasunod. Nakatitig lang si Lucille at hindi nag-abala na sagutin ang tawag ng mga kaibigan.

It's for the better.

Ayaw ni Lucille na sagutin ang tawag ng mga kaibigan dahil alam niya na pipilitin siya nito na paaminin kung nasaan na siya tumutuloy ngayon. Kung sasabihin niya ay baka magsabi ang mga ito sa mga magulang niya. Iniiwasan niya ang bagay na iyon dahil ayaw niya umuwi sa kanila. Ayaw niyang makulong ulit sa loob ng bahay.

Sunod-sunod na text message naman ang pumasok sa kanyang cellphone pero ni isa sa mga ito ay wala siyang binuksan para tignan at basahin. Alam niya na maaaring sumama ang loob sa kanya ng mga kaibigan ngunit sa ngayon ay sarili niya ang gusto niyang alalahanin at unahin. Hindi importante sa kanya ang nararamdaman ng mga kaibigan sa ngayon.

Dahil gusto niyang makasama si Vance ng mas matagal. Sa tagal ng panahon na idine-deny niya sa sarili ang nararamdaman, ngayon ay malinaw na sa kanya. Gusto niya si Vance. Gustong makasama ng matagal. Alam niya na may katapusan ang lahat ng bagay kaya ang gusto niya ay masulit ang bawat sandali na kasama ang lalaki.

Mawawala din naman ang nararamdaman ko para kay Mr. Stranger dahil hindi naman iyon malalim. Sa boses ko lang siya kilala at isa pa ay hindi siya nagpaparamdam. Kasalanan niya kung bakit nahulog ako Kay Vance. Hindi siya consistent dahil naglaho na siyang parang bula.

“What the hell is this?!” sigaw ni Melissa. “Bakit isang check na lang ito?!”

Napailing si Ella sa sigaw ni Melissa at naglakad papalapit sa kaibigan. Napa-awang ang kanyang labi nang makita na isang check nga lang ang nasa ilalim ng picture na ipinadala nila sa number ni Lucille sa telegram.

“Subukan mo tawagan,” suggest ni Ella.

Umismid ang pulang pula na nguso ni Melissa. “Ako pa talaga ang inutusan mo?” mataray na tanong nito.

“Bakit hindi?” kunot noo na tanong ni Ella. “Ginusto mo naman yan at isa pa ay ikaw ang may pakana ng mga iyan tapos ngayon ay uutusan mo ako? Gaano ba kahirap para sa iyo na pindutin ang call button na iyan?”

Umirap si Melissa at inis na pinindot ang call button ngunit wala silang narinig na kahit ano.

“Siguro ni-block ka niya?”

“And why the hell would she do that?!” muling hiyaw ni Melissa. “Nagseselos ba siya dahil yung asawa niya ay may kasamang ibang babae at ang sweet pa sa mga picture?”

“Ang bobo mo din e, ano?” Napailing si Ella dahil sa narinig na sagot mula sa kaibigan. “Natural tatanungin niya si Vance tungkol sa litrato! Bobita.”

“Ano naman ang connect non?”

Sa pagkakataong ito ay si Ella naman ang napairap. “Malamang ang ipina-block ka ni Vance dahil ayaw niya na istorbohin mo pa yung asawa niya.” Tumayo si Ella at naglakad palayo sa kaibigan. “Hahabol habol sa ex akala mo talaga mahal niya,” bulong pa nito na hindi na narinig ng kaibigan.

Nang makarating na si Ella sa kwarto niya ay agad niya itong sinara dahil ayaw niya maistorbo sa gagawin niya. Gamit ang number ng isa niyang sim, gumawa siya ng account sa telegram at agad na nagmessage kay Lucille.

Nakakunot ang noo ni Lucille nang umilaw ang kanyang cellphone. May pumasok na mensahe sa telegram pero hindi ito galing sa kanyang mga kaibigan. Mula ito sa user na ang gamit na pangalan ay Alle Grace.

Napasimangot si Lucille dahil sa mensahe na kanyang nabasa. Ang sabi lang naman dito ay, ‘did you block 8912?’ na ang tinutukoy ay ang number na ginamit nila para magsend ng mga litrato.

Lucille: Yes. And you are about to be blocked, too.

Alle: Are you Vance's wife?

Napanganga si Lucille sa nabasa. Napakurap-kurap pa siya ngunit hindi nagbago ang mensahe na nasa kanyang harapan.

Lucille: Yes.

Napatili siya nang maisend ang sagot sa tanong ng kausap. Hindi siya makapaniwala na nagsinungaling siya. Hindi niya mapigil na huwag mabahala dahil paano kung mayroon ngang asawa ang lalaki at nagsinungaling siya na siya ang asawa.

Pero wala namang singsing si Vance.

Alle: Kung ganoon ay totoo? Akala ko ay nagbibiro lang.

Lucille: Sino ka ba?

Alle: Pakasaya ka habang nandyan siya sa tabi mo.

Binaliwala ni Lucille ang reply ng babae kahit na bahagya siyang nakaramdam ng takot dahil dito. Hindi niya naintindihan ang nais iparating ng kausap pero may kutob siya na kung ano man iyon ay hindi yon maganda.



“Vance!” agad na tawag ni Lucille sa lalaki nang makapasok ito. Hindi niya na kayang pigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano kaya mas mabuti kung sasabihin niya ito sa lalaki. “May nag-message ulit sa akin.”

Agad na nandilim ang mukha ng lalaki. Inilahad niya ang kamay at tinitigan lang ito ni Lucille.

“Patingin.” Agad na inabot ni Lucille ang cellphone niya sa lalaki. Kaagad naman na nakita ni Vance ang hinahanap at agad itong pinindot para basahin ang buong conversation.

Kumuyom ang kamao ni Vance at ni-block ang number. I should get us a ring. Ibinalik ni Vance ang cellphone kay Lucille.

“Sa susunod na makatanggap ka ng ganoon ay i-block mo na kaagad.” Tumango si Lucille bilang tugon. “So, you're my wife, huh?”

Nanlaki ang mga mata ni Lucille at napa-atras kasabay ng pag-awang ng kanyang labi dahil sa gulat.

“Can I kiss you, wife?”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon