Chapter 2

177 8 6
                                    

Paano ba mag-saing? Tanong ni Lucille sa sarili. Napakamot siya sa kanyang ulo habang nakatitig sa kaldero ng rice cooker na walang laman. Sa huli ay napabuntong hininga siya at nagpasya na lang na bumili ng pagkain sa karinderya hindi kalayuan sa bahay niya.

Nang buksan niya ang pinto ay agad na tumambad sa harapan niya ang isang tangkay ng pulang rosas na payapang nakalapag sa harap ng kanyang pintuan kasama ng isang maliit na papel na dinadaganan ng bulaklak.

Dinampot niya ito pareho ngunit pinagkatitigan niya ang papel na may nakasulat na numero. Isinara niya ang pinto at ipinatong ang bulaklak sa mesa. May ngiti sa kanyang labi nang kunin niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng short na suot.


To: 09*********

Thank you sa flower!


Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone at lumabas na ng bahay para bumili ng pagkain sa karinderya. Sa susunod na lang ako gagamit ng Google para mabuhay. Nakakatamad pa kung ngayon ko gagawin.

Nang makabili na siya ay agad siyang bumalik sa bahay niya para kumain. Alam niya na mauubos ang pera kaya ang plano niya ngayon ay magtrabaho na kaagad habang hindi pa ubos ang pera na ipinabaon sa kanya ng kapatid.

Nangako sa kanya si Lowell na palagi siyang padadalhan ng pera ngunit ayaw umasa ni Lucille sa mga padala. Gusto niyang maranasan ang buhay na hindi niya pa nararanasan kahit kailan. Gusto niyang maranasan ang buhay mag-isa at walang iniintindi, ang magtrabaho dahil gusto niya, hindi dahil kailangan.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang tumunog ang cellphone niya. Sinilip niya ito at nakakita ng text message mula sa isang unknown number.


From: 09*********

I can send more flowers if you want.


Napangiti siya sa natanggap na mensahe. Tinapos niya muna ang pagkain at iniligpit ang mga kalat saka hinugasan ang pinagkainan bago niya binalikan ang cellphone niya.


To: 09*********

As long as bukal sa loob mo, ayos lang sa akin.


Kumuha siya ng pambihis na damit at mabilis na naligo. Huminga siya ng malalim at binuksan ang pintuan. Desidido na siya na ngayon maghahanap ng pagta-trabahuan. Wala siyang sinayang na oras at kaagad na naglakad habang palinga-linga.

* * *

Masaya siyang bumalik sa bahay niya nang matanggap siya bilang cashier sa bakery. Hindi na siya namili ng trabaho. Wala naman siyang target na trabaho kaya ayos na sa kanya kung ano ang available basta may sahod siyang makukuha.

Balak niya lang naman na mag-ipon at dagdagan ang pera na binibigay sa kanya ng kapatid. Pabagsak siyang nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Naglakad-lakad lang naman siya ng wala pang kalahating araw pero grabe na ang pagod na nararamdaman niya.

Papikit na siya nang tumunog ang ring tone ng kanyang cellphone para sa phone call. Inabot niya yon at sinagot ang tawag habang ang mata ay nakapikit.

“Kumain ka na?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.

“Hmm…”

“Nagluto ka?”

“Hindi...”

Napabuntong hininga ang nasa kabilang linya. “Nag-order ka?”

“Bumili ako sa karinderya.”

“Kaya pa ba?” tanong nito.

“Mas gusto ko dito kaysa dyan, LJ.”

“Hinahanap ka na nila.”

“Please don't tell them where I am. Kaya ko ang sarili ko, bukas din ay may pasok ako sa bakery as cashier kasi gusto ko na madagdagan ang budget ko.”

Lowell scoff, “hahayaan ba kitang tumira dyan kung isusumbong din kita?” Bumuntong hininga ang kapatid niya. “Mag-iingat ka dyan, ate. Padalhan kita fire extinguisher?”

Natawa siya sa tinuran ng kapatid. “Sira, huwag na.”

“Cook book?” muling alok ng kapatid.

“YouTube or google na lang.”

“Ikaw bahala. Balitaan na lang kita kapag itinakwil ka na nila mom.” Magsasalita pa sana siya pero agad siyang pinatayan ng tawag. Ibinaba niya na ang hawak na cellphone. Pumikit lamang siya ngunit agad siyang nakatulog.







Nang magmulat siya ng mata ay ang sinag ng papalubog na araw ang kaagad na nakita niya. Tumatagos ito sa malaking bintana ng bahay na tinutuluyan niya, binibigyan ng ilaw ang madilim na interior ng bahay.

Dumako ang tingin niya sa cellphone niya. Inabot niya ito para lang tingnan ang oras ngunit hindi niya na nagawa ito nang makita na tadtad siya ng message galing sa unknown number.

Napakamot siya sa pisngi at nag-message dito.


To: 09*********

Nakatulog ako, ngayon ko lang nabasa.


Segundo lang ang binilang nang makatanggap siya ng reply mula dito.


From: 09*********

Can I call?


To: 09*********

Go ahead.


Nang mag-ring ang phone niya ay agad niya itong sinagot.

“Hi,” napanganga siya at nakagat ang ibabang labi nang marinig ang malalim at baritonong boses ng kausap.

“Bakit may flower sa pinto ko? Is that you who put it there?” tanong niya saka kinagat ang ibabang labi para ihanda ang sarili sa boses nito na nagpapalambot sa kanyang tuhod.

“Yes, it's me,” sabi ng lalaki. “What's your favorite food?”

“Chocolates,” walang pag-aalinlangan na sagot niya sa tanong ng lalaki.

“Any specific brand?”

“As long as it's chocolate or something sweet, I want it. Mahilig ako sa chocolates.”

“Yes, yes, I figured.” Napapikit ng mariin si Lucille nang marinig ang malalim at mahinang tawa ng kausap. “Chocolate lang ang gusto mo? How about plushies?”

“Uhm…” Napabuntong hininga si Lucille, “I haven't got one. Kahit isa sa bahay namin ay wala ako non. To be honest ay matagal ko na gusto magkaroon ng plushie kaso lang ay ayaw nila kasi pampasikip daw saka matanda na daw ako kaya hindi ko na kailangan non.”

“I'll send you one tomorrow.”

Napabangon mula sa pagkakahiga si Lucille at tumitig sa screen ng cellphone niya kung saan naka-display ang numero ng lalaking kausap. “TALAGA?!”

Muling natawa ang lalaki dahil sa reaksyon niya. “Yes. I'm serious, kitty.” 

Tumikhim si Lucille, “did you just say, kitty?”

“Uh-huh.”

“Why is that?”

“It suits you. Your tiny, cute, adorable, little figure is so attractive. You're lamblike, to be honest.”

Nakarinig siya ng padabog na pagbukas ng pinto sa kabilang linya. Sinabayan ito ng mabilis na pagsasalita ng kung sino kaya hindi niya naintindihan ang sinasabi.

“I have to hang up now. Take care, Kitty,” he said but didn't hanged up on her. Naintindihan ni Lucille ang gustong mangyari ng lalaki, siya na ang nagbaba ng tawag.

Bumangon siya at naghalungkat sa kitchen cabinet. Kumuha siya ng noodles at itlog sabay hinga ng malalim.

“Papakuluin lang ito, sana hindi ako mahirapan,” bulong niya sa sarili at binuksan ang kalan.

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon