Chapter 5

141 8 7
                                    

“Ano itong sinabi sa akin ng mommy mo na nagsasalita ka daw mag-isa?” tanong ng lalaki sa kanyang anak. Kababalik lang nito mula sa isang business trip at iyon agad ang sumalubong na balita sa kanya.

“It's just a side comment, dad,” sagot ng lalaki.

“Then you are indeed talking to yourself, Vance Hendrick, that's not good, son,” sabi ng kanyang ama.

“No, dad.” Tumayo si Vance habang bitbit ang pinagkainan. “I should get going. Aasikasuhin ko pa ang kumpanya.” But before he go to their company, may isang bagay pa siyang ginawa.





Lucille spent her one hour free time at the bakery by staring at the passing vehicles. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga habang patuloy na nagmamasid sa magagarang kotse na dumadaan sa tapat ng bakery.

Kung hindi ko ba iniwan ang comfort na ibinibigay sa akin ng bahay namin, ano na kaya ang buhay ko? Living alone is not that bad. No— Lucille don't think it's bad.

Masaya naman siya, nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya at ramdam niya ang kalayaan na ipinagkait sa kanya ng mahabang panahon. Muli siyang bumuntong hininga at tumayo dahil tapos na ang isang oras na free time niya.

Napatingin siya sa pasukan ng bakery nang tumunog ang maliit na bell na nakasabit doon at pumasok ang isang lalaki na pamilyar sa kanya.

Napakunot ang noo niya nang mapansin ang titig nito sa kanya. Titig na titig ito, tila ba kinakabisado ang bawat parte ng kanyang mukha. Lumipas ang ilang segundo ay bumili na ito ng tinapay at umalis. Nang makalabas na ang lalaki ay doon pang napagtanto ni Lucille kung saan niya nakita ang lalaking iyon.

Siya yung nakita ko sa high end resto last week.

* * *

“Lucille, you should get yourself a boyfriend,” pagpipilit ni Hazel. Kasalukuyan silang nagvi-video call na apat. Dahil sa mahigpit na schedule ay hindi magawa ng tatlo na muling bisitahin si Lucille kahit na sobrang nag-aalala na sila para sa kaligtasan nito.

“Huh? What for?” tanong ni Lucille. “I mean, kailangan ba yan?”

“Oo! Para may magpoprotekta sayo dyan sa bahay mo! Pano kung bigla kang pasukin non dyan sa bahay mo, ano gagawin mo?” tanong sa kanya ni Anita.

“Boyfriend? Baka bodyguard dapat?”

Napatawa ang kanyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Bodyguard tapos dyan sa bahay na yan titira kasama mo?” nang-aasar na tanong ni Barbie.

“Bakit dito dapat?” tanong ni Lucille na halos magdikit na ang kilay sa sobrang kunot ng noo.

“Stay-in syempre! Baka kapag iniwan ka niya, saka ka pasukin dyan.” Napatigil si Hazel nang may maalala, “teka, ano pala ang sabi ng kapatid mo?”

Napabuntong hininga si Lucille at umayos sa pagkakahiga sa teddy bear. “Hindi daw niya alam ang dapat gawin. Alam niya na hindi dapat malaman nila mommy ang nangyayari dahil baka pauwiin ako o kaya ay hindi na tanggapin sa bahay.”

“May kilala ako na bagay sayo. You two should date,” pamimilit ni Hazel sa kaibigan. Napairap naman si Lucille dahil sa narinig.

Date? Labag sa kalooban niya ang makipagdate na lang kung kani-kanino. Isa pa ay iniisip niya ang pwedeng maramdaman ng isang tao na tanging sa boses niya lang kilala.

Araw-araw itong may iniiwan sa labas ng bahay niya. Chocolate, roses, bouquet of red roses, cupcakes, cakes. Wala pa itong mintis maski isang beses kaya ayaw niya na basta na lang makipagdate sa kung sino.

“I don't think I can do that,” bulong ni Lucille. Narinig ito ni Anita dahil may suot itong earphones, napailing ito.

“Ano naman ang dahilan mo para hindi gawin yon?” tanong ni Anita.

Nagkibit balikat si Lucille. “I don't think that's appropriate.”

“Sinasabi mo ba na nakokonsensya ka kung makikipagdate ka habang may isang tao na nagpapadala sayo ng mga bagay-bagay araw-araw?” tanong ni Barbie.

Mahinang tumango si Lucille habang nakasimangot. Napasinghap naman ang mga kaibigan niya at sabay-sabay na napa-ungot ang mga ito. “Ewan ko sayong babaita ka.”

In-end na ng mga kaibigan niya ang tawag. Ibinaba niya ang hawak na cellphone at pinagkatitigan ang kisame. Hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya kung sino ang lalaki na nag-iiwan ng sa labas ng kanyang bahay.

Bakit kaya hindi na lang ibigay sa akin ng direkta? Tanong niya sa sarili ngunit wala din siyang nakuhang sagot.




Don't you dare date someone, kitty. Madilim ang mukha ni Vance habang nakatitig sa monitor ng laptop niya. Hapon na at tirik pa rin ang araw pero ang dilim ng kanyang mukha ay pang-gabi.

Mahigpit ang pagkakakuyom ng palad ng lalaki at bumabakat na ang ugat nito sa braso habang masama ang tingin sa monitor. Nasa ganoong estado ang mukha ng lalaki nang may pumasok sa kanyang opisina.

“Don't you know how to fucking knock?” inis na tanong niya sa dumating. Nakakunot ang noo at halos magdikit na ang kilay ni Vance habang nakatitig sa lalaki na bagong dating. Prenteng naupo pa ito sa couch di kalayuan sa mesa ni Vance.

Tumawa ang lalaking bagong dating at iniunat ang paa sabay sandal sa malambot na sandaling ng leather couch. “Mataas pa ang araw, Vance. Mahiya naman sana ang dilim ng pagmumukha mo.”

“Fuck you, Ramirez. Huwag mo akong bwisitin ngayon,” Vance said in a dangerous tone but his friend just laughed at him.

“Bakit ba kasi ganyan ang mukha mo?” natatawang wika ni Ramirez kay Vance na hindi pa rin nagbabago ang dilim ng mukha.

“Buy me lots of chocolates and leave that to this house,” sambit ni Vance sabay hugot ng isang pirasong sticky note at sinulat doon ang address ng bahay ni Lucille.

“Babae ba nakatira dito?” tanong ni Ramirez na tinanguan lang ni Vance. “Ako na bahala kung anong klase ng chocolates?” 

“Basta masarap. Mahilig yan sa chocolates. Sweet tooth,” sambit ni Vance ngunit napatigil ng may maalala. “Kapag nakabili ka na, balikan mo yung teddy bear dito sa akin.”

“What was she like?” tanong ni Ramirez. “I mean, what kind of girl is she?”

Lalong nandilim ang mukha ni Vance at sumama ang tingin sa kaibigan. “Why do you want to know that?”

“So that I will know what chocolate to buy!”

Napatango-tango naman si Vance habang may multo ng ngiti ang kanyang labi. “She's kind, sweet, innocent, doll face, her movement is just as graceful as she looks.” Napabuntong hininga ito at napatingala para pakawalan ang ngiti na ikinukubli ng kanyang labi, “too pure for this world.”

“Inlababo amputa.”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon