Chapter 16

105 5 0
                                    

Nakapangalumbaba si Vance sa island countertop habang pinapanood si Lucille na napapatalon ng bahagya sa kada talsik ng mantika.

“Hindi ka masasaktan sa mantika, Lucille. Masasaktan ka lang kapag nadulas ka dyan sa pagtalon-talon mo,” sambit ni Vance.

“Kasi naman! Nakita mo naman na tumatalsik diba?” Natawa si Vance at naiiling na naglakad palapit kay Lucille. Kinuha niya ang tongs na hawak nito at binaliktad ang pini-prito ni Lucille.

“Lasog-lasog na ito ah. Hindi ka man lang naawa sa hotdog,” natatawang sabi ni Vance. Nilingon niya si Lucille matapos baliktarin ang lahat ng hotdog at nakita niya na pulang pula ang buong mukha nito. “Kawawa naman itong mga hotdog. Na-murder ng wala sa oras.”

Inis na hinampas ni Lucille ang braso ng lalaki at padabog na tinungo ang sala.

Dinukot ni Lucille ang cellphone mula sa bulsa niya nang tumunog ito. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita na kapatid niya ang tumatawag.

“Umalis ka na dyan, ate! Alam na nila kung nasaan ka!” nagmamadaling sigaw ni Lowell sa kabilang linya. Napahingal pa ito matapos magsalita ng mabilis.

“Paano nila nalaman?” kinakaban na tanong ni Lucille. Hindi siya kinakabahan para sa kanyang sarili, kinakabahan siya para sa kanyang kapatid na tumulong sa kanya na maka-alis.

“Sinabi ng kaibigan mo! Sinabi ni Anita!” Muling sigaw ng kapatid ni Lucille. Nakarinig si Lucille ng sunod-sunod na lagabog mula sa kabilang linya kaya napatayo siya.

“Paano ka? Alam na ba nila mommy na tinulungan mo ako umalis?” kagat labi na tanong ni Lucille dahil sa kaba at takot para sa kanyang kapatid.

“Hindi sinabi ni Anita.” Nakahinga ng maluwag si Lucille dahil sa sinagot ng kapatid niya. “Lipat ka ng bahay, ate. Kapag nakita ka nila sa bahay na yon ay iuuwi ka dito panigurado.”

“Wala na ako sa bahay mo,” mahinang sambit ni Lucille pero narinig pa rin ng kapatid niya. “Sunog na yung bahay kahapon pa. Sunog na bahay na lang ang naabutan ko pag-uwi ko.”

Natigilan si Lowell sa narinig. “Kung ganoon ang nangyari… Nasaan ka ngayon?” tanong ng lalaki.

“Nasa bahay ako ni Vance,” sabi ni Lucille para lang biglaang putulin ng kapatid.

“At sino naman yan?” Mabilis na tanong ng kanyang kapatid.

Napabuntong hininga si Lucille. “Hindi ko naman talaga siya kilala. Inalok niya lang ako na sumama kasi nga wala akong matutuluyan.”

“Ate naman!” Sigaw ni Lowell. “Nasa poder ka ng hindi mo kakilala! Sana sinabihan mo ako para ako na lang sana ang gumawa ng paraan!”

Napabuntong hininga si Lucille kasabay ng pag-ukit ng maliit na ngiti sa kanyang labi. “Ayoko na istorbohin ka pa ulit, LJ.” Muling umupo si Lucille. “Saka mabait naman ito. Wag ka mag-alala, kapag sinaktan ako nito physically, aalis ako kaagad dito.”

Napabuntong hininga si Lowell sa kabilang linya. “Siguraduhin mo lang.” Muling bumuntong hininga ang lalaki. “Alam ko na kung sino yung gustong ipakasal nila mommy sayo.”

Nakuha ng salitang iyon ang interes ni Lucille. Para bang mababago ng bagay na iyon ang desisyon niya at gugustustuhin niyang umuwi matapos malaman ang sasabihin ng kanyang kapatid.

“Vance Hendrick Fortaleza.”

Nakatulala si Lucille habang kumakain. Napansin na ito ni Vance kaya itinigil nito ang pagkain at pinagkatitigan si Lucille na nakatitig sa kawalan. Ibinaba ni Vance hawak na kubyertos at sumandal sa upuan.

“Tell me, Lucille, what's bothering you?” Agad na napa-angat ng tingin si Lucille at nasalo ng kanyang mga mata ang seryosong tingin ng lalaki.

Napalunok si Lucille at ibinaba ang kutsara na hawak. “Some things,” sagot niya. Hindi kumbinsido ang lalaki sa natanggap na sagot.

Vance leaned forward and put his arms on top of the table. “Sharing will make you a lot better, you know?”

“Natatakot ako dahil ayaw ko mapahamak si LJ dahil sa akin. Alam na nila mommy kung nasaan ako nakatira bago ako mapunta dito.”

“Wala ka naman na doon sa lugar na yon,” sagot ni Vance.

“Kapag nahanap nila ako, ipapakasal nila ako sa hindi ko kilala.”

Hindi nga ba kilala? Tahimik na tanong si Vance sa kanyang isip. “Hindi ka pa handa?” Tumango si Lucille bilang sagot. Napatango-tango naman ang lalaki.

Kagaya ni Lucille ay ipinagkasundo din si Vance. Ang kaibahan lang nila ay kilala ni Vance ang kanyang mapapangasawa ngunit si Lucille ay walang ideya kahit na kaunti.




Kumatok si Vance sa pinto ng kwarto ni Lucille ng ilang beses bago buksan ang pinto. Sumilip ang lalaki at nakita nito si Lucille na nakahiga at nakatitig sa kisame na para bang ito ang pinaka-interesanteng bagay na nakita nito.

“Lalabas muna ako. Kapag may tao at alanganin ka na harapin, huwag mo na lang pansinin,” bilin ni Vance. Tahimik lang na tumango si Lucille habang nakatitig sa kisame kaya naman napabuntong hininga na lang ang lalaki at iniwan na doon si Lucille.

May pumipigil na kung ano kay Vance para umalis. Alam niya na kailangan niyang umalis ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mayroong pumipigil sa kanya. Sa huli ay pinagsawalang bahala niya na lang ang pag-aalangan na nararamdaman at tumuloy sa lakad niya.

Hindi kalayuan sa labas ng bahay ni Vance ay may nakaparadang pulang sedan. Lulan nito ang dalawang babae na kuryosong nakatitig sa bahay ng lalaki.

“Sigurado ka ba na may asawa na siya?” tanong ni Melissa sa kanyang kaibigan na nakaupo sa passenger seat.

“Oo, girl,” sagot nito. “Siya pa nga mismo ang nagsabi sa akin.”

Tumango si Melissa. “Halika at katukin natin. Gusto kong makasiguro.”

Sabay na lumabas sa kotse si Melissa at si Ella. Mula sa labas ay pinagmasdan nila ang malaking bahay. Abala sa pagmamasid si Melissa nang biglang pindutin ni Ella ang doorbell at tumunog iyon kaagad.

“Baliw bakit mo pinindot?!” asik ni Melissa at nagkibit balikat lang ang kasama.

“Paano natin makikita kung hindi natin palalabasin?” Balik na tanong ni Ella.

Umirap si Melissa sa kaibigan at sabay silang napatingin sa harapan nang bumukas ang pintuan. Napanganga sila ng bahagya nang masilayan ang babae na lumabas mula sa bahay. Maamo ang bakas ng mukha nito na lalong nagpalaki sa pagkakabukas ng bibig ng dalawa.

“Ano po yon?” bahagyang pasigaw na tanong ni Lucille para marinig ng dalawa na nasa labas ng gate.

Tila natauhan naman ang dalawang babae nang magsalita si Lucille. Parang napapaso sila at nagmamadaling umalis para bumalik sa sedan at mabilis na pinaharurot paalis.

Kunot noo naman na nakatingin si Lucille sa mabilis na kotse. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka lang niya isinara ang pintuan.

Sa loob naman ng kotse na umalis ay nagsisigawan ang dalawang babae.

“Who the hell is that girl?!” bulyaw ni Melissa.

“Hindi ko alam! Hindi naman mukhang kasambahay!” sagot ni Ella.

“Don't tell me na iyon ang asawa niya na sinasabi mo?”

“Aba hindi ko alam! Bakit ba sa akin mo tinatanong e hindi ko din naman alam!”

Napatili si Melissa sabay hampas sa manibela. “No! This can't be!”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon