Chapter 3

151 8 5
                                    

Now playing: Meddle about.

Napapasayaw si Lucille habang nakikinig sa kanta na nagpi-play mula sa kanyang cellphone. Nakapanood na siya ng sandamakmak na tutorials kung paano magsaing at nagawa niya nang magsaing kaya nagagawa niya nang sumayaw. Literally having the best time of her life kahit na kanin pa lang ang kaya niya iluto.

Nag-prito siya ng itlog sa mahinang apoy dahil sa takot niya na matalsikan ng mainit at kumukulong mantika. Mabilis lang siyang kumain dahil may trabaho pa siya sa bakery. Iniligpit niya ang pinagkainan at hindi muna ito hinugasan.

Napabaling siya sa pintuan nang may marinig siyang katok. Wala siyang inaasahang bisita kaya hindi niya napigilan ang pagtataka sa kung sino ang kumatok. Gayunpaman, binuksan niya ang pinto para harapin kung sino man ang kumatok.

Nang mabuksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang isang delivery rider. “Dito po ba ang bahay ni Lucille Seraphine?” tanong ng rider.

“Ah, opo. Dito po, ako po yon,” magalang na sagot niya sa rider.

“May delivery po para sa inyo, ma'am,” sabi ng rider.

“Delivery? Wala po akong in-order,” ani Lucille. “Pasensiya na po pero hindi ko po mababayaran yan lalo na po kung malaki ang halaga niyan.”

“Ay, wala po kayong babayaran. Bayad na po ito, ma'am. Paki-receive na lang po.” Dahil sa narinig ay ni-receive na lang ni Lucille ang order. Nang mapirmahan niya ang papel na pinakita ng rider ay may kinuha ito mula sa loob ng L300 van na isang malaking teddy bear na kulay ash brown.

Hindi siya nakapagsalita nang iabot ito sa kanya ng rider. Napabuntong hininga siya ng makaalis na ang delivery rider, isinara niya ang pintuan at inilapag ang human sized teddy bear sa kama niya.

Napaigtad siya sa gulat nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang unknown number ang tumatawag. Unknown number man, alam niya na kaagad kung sino iyon.

“Natanggap mo na?” Bungad na tanong ng lalaki.

“Yes,” sagot niya. “Thank you dito. Unang teddy bear ko ito tapos ang laki pa.”

“No worries, kitty.” Tumikhim ang lalaki, “yung chocolates pala hindi ko nasamang ipadala.”

Natawa naman si Lucille, “so hindi lang pala teddy bear dapat?” the stranger hummed as an answer. “I need to go now. May trabaho pa ako.”

“Bye, kitty.”

“Bye.” Matapos niyang maibaba ang tawag ay nagmamadali na siyang lumabas sa bahay niya. Lakad-takbo ang ginawa niya nang matapos i-lock ang bahay.

Hindi pa naman siya mali-late pero feeling niya ay kailangan na tumakbo para mapaaga ng dating. Habol niya ang sariling hininga nang makarating sa bakery. Sakto lang ang dating niya dahil mag-a-out pa lang ang sinundan niya.

* * *

Napakamot siya sa ulo niya at ginulo ang sariling buhok. Kakalapat pa lang ng likod niya sa kama at hindi pa umiinit ang hinihigaan niya pero biglang may kumatok at para bang inip na inip na ito dahil sa katok nito na sunod-sunod.

Binuksan niya ang pinto at ang sumalubong sa kanya ay ang mataray na mukha ng kaibigan niya na si Hazel.

“Ang tagal mo buksan.” Itinulak ni Hazel ang pinto para mabuksan ito ng malaki at nagdire-diretso ito papasok sa bahay ni Lucille. “Ang plain ng bahay mo.”

Napabuntong hininga si Lucille at isinara ang pinto. “Hindi naman kasi ito sa akin. Sa kapatid ko ito, tanda mo?” ani Lucille.

Ipinalibot ni Hazel ang tingin sa buong bahay, “huwag mo sabihin na hindi ka marunong maghugas ng plato?” tanong ni Hazel matapos bumaling sa kaibigan.

“Marunong ako. Hindi pa nga ako nakakabasag e,” buong pagmamalaking wika ni Lucille.

Tumaas ang sulok ng labi ni Hazel, “ano pa ang kaya mong gawin?”

“Mag-saing at mag-prito ng itlog.”

Hindi na siya sinagot ng kaibigan niya. Naglibot ito sa bahay niya at sinundan niya naman ito. Naabutan niya ang kaibigan na nakahinto sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto.

Sinilip niya ang mukha nito at para itong nakakita ng multo dahil ang mga mata nito ay nanlalaki. Sinundan niya ang tinititigan nito at ang nakita niya ay ang human size teddy bear na payapang nakaupo sa kama niya.

“Kailan ka pa pinayagan ng mga magulang mo na magkaroon ng teddy bear?” paanas na tanong ni Hazel.

“Hindi nila ako pinayagan kahit kailan. Hindi naman yan sa kanila galing.” Napangiti ng maliit si Lucille, “dineliver yan dito.”

Bumaling sa kanya ang kaibigan at nahuli nito ang ngiti sa kanyang labi. “Kanino daw galing?”

Napa-awang ang labi ni Lucille, “pwedeng itanong sa rider kung kanino galing ang padala?” tanong niya sa kaibigan.

“Oo naman!” Napairap si Hazel, “hindi mo tinanong ano?”

Napanguso si Lucille. “Hindi ko naman kasi alam na pwede pala malaman kung sino ang nagpadala.”

“Ayon…” Pumasok ang kaibigan niya sa kanyang kwarto at pabagsak na naupo sa kama. “Kilala mo kung sino ang nagpadala?”

Umiling siya.

“May hinala o idea?”

“Nagsabi siya sa akin na magpapadala siya ng teddy bear.”

Pinaningkitan siya ng kaibigan. “Nagsabi?”

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Lucille at napangiti. Kinuha niya ang cellphone niya at pinakita ang palitan nila ng message ng isang hindi kilalang nilalang.

“Tanga ka ba?” napasinghap siya sa tanong ng kaibigan. “Tanga ka ba, Lucille Seraphine?”

Suminghap siya ng hangin, “ano? Mali ata ako ng dinig.”

“Tinatanong kita kung tanga ka ba?!” napaatras siya habang nanlalaki ang mga mata dahil sa biglaang pagsigaw ng kaibigan. Taas-baba ang dibdib nito, naghahabol ng hininga habang mahigpit ang hawak sa cellphone ni Lucille.

“Of course hindi!” depensa niya.

“Kung hindi ka tanga, bakit ka nagtext sa number na nakita mo na nakasulat sa papel?!” pasigaw na tanong ni Hazel. Hindi itinapon ni Lucille ang papel, nakapatong ito sa lamesa sa loob ng kwarto niya at dinadaganan lang ito ng vase na pinaglalagyan ng rose at nakita ito ni Hazel.

“Nagpasalamat lang ako.”

“Pasalamat? Nagpasalamat ka?! Nang dahil sa pagpapasalamat mo ay ibinigay mo lang naman sa kanya ang number mo!” Namumula ang buong mukha maging ang leeg ni Hazel dahil sa sobrang inis na bumabalot sa kanyang katauhan.

Pinagdikit ni Lucille ang kanyang labi at hindi sumagot. Ngayon niya lang naisip ang ginawa at kahit magsisi siya, wala nang mababago.

Hazel frustratedly grunt. “The gang needs to know about this.”

“Yung tungkol sa teddy bear?” Lucille asked.

“You have a fucking stalker, Lucille!”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon