Chapter 1

244 8 3
                                    

Matagal na ipilit ni Lucille sa mga magulang ang kagustuhan na patakbuhin ang kumpanya. Ngunit ngayong araw, tungkol sa ibang bagay naman ang gusto niyang hilingin sa mga magulang.

Excited siya na dumulog sa hapag-kainan. Kaagad na napansin ng kanyang ina ang kakaibang ngiti sa kanyang labi.

“Hindi at hindi kailanman, Lucille Seraphine,” sambit nito.

Lucille grunt, “mommy naman wala pa nga akong sinasabi e!” Napanguso siya pero sinabi pa rin ang iniisip niya kagabi pa. “Gusto ko sana humiwalay ng bahay, mom. 23 na ako, matanda na.”

Napatigil sa pagkain ang kanyang ina. “Ano ba ang sinasabi mo, Lucille? Wala ka ngang alam sa buhay tapos gusto mo pa humiwalay? Baka mamatay ka ng maaga!”

Malungkot na ipinagpatuloy ni Lucille ang pagkain. Bigo na naman. Lagi na lang. Sa lahat ng tanong at gusto niya ay palagi siyang nakokontra.

“Hindi kailangan bumukod ng babae, Lucille. Ang mapapangasawa mo lang ang may karapatan na alisin ka sa pamamahay na ito,” sabi ng kanyang ama. “Ang babae ay hindi kinakailangan na may sariling bahay at may trabaho dahil ang mapapangasawa mo ang bubuhay sayo.”

Nang matapos siyang kumain ay agad siyang pumunta sa kwarto niya para magmukmok buong araw. Tinalon niya ang kama at dumapa doon para isubsob ang mukha sa malambot na unan.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ngunit hindi siya nag-angat ng tingin dahil kilala niya ang yabag ng paa ng pumasok sa kanyang kwarto.

“Anong kailangan mo, LJ?” Lumundo ang parte ng kama sa kanyang paahan ngunit hindi pa rin siya nag-angat ng mukha.

“In a scale of 1 to 10, gaano mo kagusto na bumukod ng bahay?” tanong ng kanyang kapatid.

Sumagot siya ng hindi inaangat ang mukha mula sa pagkakasubsob. “11,” sagot niya.

“Kung papatirahin kita sa bahay na binili ko ng palihim, itatakwil ka nila mom at wala ka nang babalikan.” Napabangon si Lucille at pinagkatitigan ang kapatid na puno ng ka-seryosohan ang mukha at ang boses. “Baka hindi mo din matagalan doon ng isang linggo.”

“Why are you saying this, Lowell?” tanong niya sa kapatid. “Ano nangyayari sayo?”

Hinarap siya ng kapatid. “Hindi pwede na palagi na lang ganito, ate. Hindi ka itinuturing na anak, bilanggo ang trato sayo rito.”

Pagkasabi ng kapatid niya ng ganon ay saka niya lang napagtanto. Ang pagtrato sa kanya, ang pag-hindi sa mga bagay na gusto niya, lahat-lahat ng mga bagay na naranasan niya ay ngayon niya lang napagtanto.

“Naisip mo na ba?” Dahan-dahan siyang tumango sa tanong ng kapatid. “Hindi kita pinipilit na umalis sa bahay na ito. Ang sa akin lang, kung talagang desidido ka nang bumukod ng tirahan, susuportahan kita.”

“Bakit mo ginagawa 'to?” pabulong na tanong ni Lucille.

“This is the least thing I can do to help you. I know the reason why you always do this, ate.” Napalunok si Lucille dahil sa tindi ng titig sa kanya ng kapatid. “I can handle it now, big sis Lucy. You can stop now.”

She felt a familiar sting from the back of her eyes, tears starting to swell but she refused to let it fall. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” kaila niya.

“Ginagawa mo ang mga yon para ilihis ang atensyon nila mommy dahil alam mo na kahit anong pilit mo, hindi ka nila papayagan. Gusto mong ilayo sa akin ang responsibilidad na ako ang sasalo, para hindi ako mahirapan sa mura kong edad,” he paused. “Malaki na ako, ate. Kaya ko na.”

Ngumiti si Lucille bagaman may luha ang mga mata. “Tulungan mo akong makalipat. Ako na ang bahala sa sarili ko.”

* * *

The house is decent and well maintained, that's what Lucille thinks of the house. She let out a deep breath, sana hindi ko masunog itong bahay na to. It's a good thing that the house has an internet connection, at least she can browse the internet about how things works.

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit sa nilipatan niyang bahay nang makatanggap ng chats mula sa mga kaibigan.

Hazel: High end resto tayo, everybody.

Barbs: G, libre mo?

Anita: Buraot. Anw, g!

Hazel: Ikaw, Lucy? Sama ka ba?

Napailing ako at nagtipa ng reply.

Lucille: Yes. May chika din ako.

Hazel: Yun! Tara, 7 pm.





“YOU WHAT?!” Sinenyasan niya si Barbie na hinaan ang boses saka ipinalibot ang tingin sa buong resto. All of them seems to not care, except for that one guy na nakaupo sa hindi kalayuan sa kanila. Titig na titig ito kay Lucille at hindi kumukurap.

Iniwas na lang ni Lucille ang tingin niya sa lalaki at ibinalik ang buong atensyon sa mga kaibigan.

“Pinayagan ka nila na lumipat ng bahay?” tanong sa kanya ni Anita.

“Nababaliw ka na ba, Lucy?!” exaggerated na ungot ni Hazel.

Uminom muna si Lucille ng iced tea at hinarap ang mga kaibigan. “Chill, okay? Lumipat ako ng bahay. Hindi nila ako pinayagan, just like what I expected.”

“At paano ka nakalipat kung hindi ka naman nila pinayagan?” mariin at nagtitimping boses ni Hazel na pinipigil ang sarili na sumigaw.

“My brother helped me.” Umukit ang mapait na ngiti sa mga labi ni Lucille at ipinagpatuloy ang pagsasalita habang nilalaro ang daliri.  “He wanted me to experience what the world is like.”

“Saan ka naman nakatira ngayon?” tanong ni Anita, ang nag-iisang tao na kalmado sa mga kaibigan niya.

Ngumiti siya at binanggit sa normal na boses ang mismong address ng kanyang bahay.

“Paano mo aasikasuhin ang sarili mo nyan? Wala ka na sa poder ng mga magulang mo. Wala kang katulong na pwedeng mag-asikaso sayo,” nag-aalalang sabi ni Hazel.

Hinawakan ni Lucille ang kamay ng kaibigan at pinisil iyon ng bahagya. “May internet sa bahay. I can google everything.”

Napanganga sila sa sinagot ng kanilang kaibigan. “Google… everything?” tanong ni Anita.

“Wala kang alam sa buhay, Lucille!” Hindi napigilan ni Hazel ang magtaas ng boses at agad naman siyang tinapik-tapik ni Barbie sa likod. “Baka mapano ka nyan, ang dali mo pa magtiwala!”

“Panigurado na hindi mo magagamit ang card mo,” nag-aalalang sambit ni Barbie.

“May cash ako. Pinadala sa akin ni Lowell dahil alam niya na gigipitin ako nila mommy kapag umalis ako at iniwan ko rin sa amin ang mga card ko.”

Napahilot sa sentido si Barbie, “Lucille Seraphine, ang pera ay nauubos—”

“Maghahanap ako ng trabaho,” pagpapakalma ni Lucille sa kaibigan. “Relax, guys. I'll be fine. Stop worrying.”

“Stop worrying?” Umiling si Barbie, “hindi namin mapipigil ang pag-aalala sayo dahil sheltered ka. Wala ka ngang alam sa gawaing bahay!”

Napangiwi ang dalaga sa narinig. “I'll be fine.”

Napabuntong hininga na lang si Hazel, “makikibalita kami sayo ng madalas. Expect that.”

Tinapos na nilang magkakaibigan ang pagkain dahil baka hindi nila mamalayan na malalim na ang gabi. As they left the restaurant, Lucille already caught the eye of a six footer tattoed man without even trying, and she didn't know it.

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon