Chapter 13

97 6 0
                                    

Nagsasampay si Lucille sa labas ng kanyang bahay. Katatapos niya lang maglaba ng mga ginamit niya habang nasa bakasyon at sobrang nananakit na ang kanyang bewang at likuran.

Napatingin siya sa mataas na sikat ng araw. Magta-tanghali na kaya may kasakitan na ang tama ng araw sa kanyang balat. Natapos na siya sa ginagawa kaya naman bumalik na siya sa loob ng kanyang bahay para magpahinga. Agad na nahagip ng kanyang mata ang cellphone na nakapatong lang sa sofa. Nilapitan niya ito ngunit nadismaya siya nang makita na walang tawag o text sa kanya si Vance.

Ano nangyari don? Wala pang paramdam sa akin.

Sa opisina sa kumpanya ni Vance ay tambak ang mga gawain nito. Napa-angat ng tingin ang lalaki nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok ang secretary niya.

“Boss, nasa conference room na sila at ikaw na lang ang kulang.” Tinanguan lang ni Vance ang kanyang sekretarya at lumabas na ito sa kanyang opisina.

Napabuntong hininga na lang si Vance at hinilot ang kanyang sentido. Fuck. I miss my Kitty. Ang katawan ni Vance ay nasa conference room pero ang utak niya ay lumilipad. Gusto niya nang pabilisin ang oras para mapuntahan na si Lucille pagsapit ng gabi ngunit pakiramdam niya ay hindi niya yon magagawa dahil sa sobrang busy niya.

Natapos ang meeting sa conference room na wala siyang naintindihan kahit isa. Mabuti na lamang at kasama niya ang kanyang secretary na nag-uusisa habang mataman na nakikinig at paminsan-minsan pa ay nagsusulat ito ng mga importanteng detalye dahil alam nito na hindi nakikinig ang kanyang boss.

Kababalik lang ni Vance sa kanyang opisina at agad siyang naupo sa swivel chair sabay bukas ng laptop. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Pinanood niya ang live feed mula sa bahay ni Lucille. Wala sa kwarto si Lucille base sa live feed na galing sa hidden camera ng malaking teddy bear kaya ang sunod na tinignan ni Vance ang isa pang teddy bear na maliit lang.

Doon ay nakita niya si Lucille na nakahiga sa sofa habang seryosong nanonood ng tv. Napabuntong hininga siya at hinawakan ang screen kung saan nakatapat ang mukha ng dalaga. Nasa ganoong posisyon siya nang pumasok ang secretary niya.

“May naghahanap sa inyo, boss.” Kumunot ang noo ni Vance sa sinabi ng kanyang sekretarya. “Nandito si Ramirez pero gusto niya na ipaalam ko muna sa iyo bago siya pumasok sa office mo.”

Tumango si Vance bilang sagot kaya lumabas na ang sekretarya nito. Nang makalabas ang lalaki ay agad namang pumasok si Ramirez na nakangisi kay Vance.

“Siguro naman ay hindi ka na galit sa nangyari?” sambit nito nang makaupo na sa leather sofa at pabukaka na naupo. “Sinadya ko talagang samahan ng isang Tabs na chocolate yung mga pinamili mo.”

Napahilot na lang sa sentido si Vance at sumandal sa swivel chair niya. “Ang tagal mo din hindi nagpakita. Iisipin ko na sanang na-hit and run ka.”

Napailing na lang si Ramirez sa sinagot ng kaibigan. “Wala kang kasing sama, Hendrick. Siguro itim ang buto mo.” Napabuntong hininga na lang si Vance sa sinabi ng lalaki. “Tambay muna ako dito. Wala kang magagawa. Isa pa ay may pakay ako sayong importante at alam ko na basta tungkol sa kanya, ihihinto mo kung ano man ang ginagawa mo para lang alamin yon.”

Hindi na pinansin pa ni Vance ang kaibigan at itinuloy na ang tinatapos na gawain bago umuwi. Pagod na pagod siya kahit na ang ginawa niya lang naman ay magbasa at maupo kaya naman ang balak niya ay umuwi ng mas maaga.

Natapos ni Vance ang lahat ng gawain na nakatambak sa mesa niya kaya maaga siyang lumabas sa kumpanya ngunit bago umuwi sa kanila ay pumunta muna siya ng supermarket dahil balak niyang lagyan ng pagkain ang bahay niya na bihira niya lang uwian.

Abala ang lalaki sa pagpili ng pamimilhin nung may bumangga sa pushcart niya. Kunot noo niya na nilingon ang bumangga sa pushcart at nakita niya ang isang babae na nakatitig sa kanya at ito ang may-ari ng pushcart na bumangga sa pushcart niya.

Hindi niya ito pinansin at tinulak na lang ang pushcart paalis doon. Nainis naman ang babae at sinundan siya ng tingin. Umirap ang babae at nagdesisyon na sundan si Vance.

Pinantayan niya ang lalaki, “hindi ka man lang magsasalita?” Patay malisya lang si Vance at ipinagpatuloy ang pamimili. “Hindi mo ba ako naririnig?”

Nilingon ni Vance ang babae gamit ang malamig na tingin. “Wala naman akong dapat sabihin,” sagot nito. “I no longer associate myself with people from my past.”

Kumunot ang noo ng babae kay Vance na itinulak ang pushcart patungo sa kabilang aisle habang palingon-lingon sa gilid, tumitingin ng mga bibilhin pa. “I don't think I am one of those people from your past,” sambit ng babae habang nilalaro ang ilang hibla ng mahaba nitong buhok nang mapantayan niya na si Vance na naiirita na.

“You're Melissa's friend. You are considered as someone from my past. Now stop pestering me,” iritang sambit ni Vance at inilagay sa pushcart ang huling bagay na dinampot niya. “My wife's waiting for my return.”

Tigagal ang babae dahil sa tinuran ni Vance.

Pumila si Vance sa counter na kaunti lang ang tao at mabilis ang used ng pila. Pasulyap-sulyap sa kanya ang cashier at napabuntong hininga na lang siya at hindi iyon pinansin.

“May asawa na ho ba kayo, sir?” tanong kay Vance ng cashier sa kabilang counter.

“Yes,” walang kakurap kurap na sagot ng lalaki. Binayaran niya na ang pinamili at lumabas sa grocery. Napatingala siya sa langit, ilang saglit na lang ay madilim na. Mapupuntahan ko na si Lucille. I fucking miss her.

“Bakit ikaw ang nag-grocery?” tanong ng kanyang ina nang makauwi siya sa bahay nila. Kibit balikat lang ang sinagot ni Vance at ipinatong sa malaking lamesa sa kusina ang mga pinamili.

“Kuya.” Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang marinig ang boses ng nakababatang kapatid na babae. “Sumabay ka na sa amin kumain.”

Hindi na hinintay pa ng kapatid niya na sumagot siya dahil agad siya nitong tinalikuran. Napailing na lang si Vance at sinundan ang kapatid.

“Hendrick,” tawag sa kanya ng kanyang ina. “Wala ka bang balak mag-girlfriend?” Hindi kumibo si Vance. “Si Vanessa may ipinakilala nang boyfriend.”

“At pinayagan niyo?” iritang tanong ni Vance.

“Why not? 20 naman na si Vanessa. Ikaw nga 25 na at matagal na nung huling beses na may dinalang girlfriend dito,” sabi ng kanyang ina.

“Do you want me to arrange numerous dates with pretty girls for you?” sabat ng kanyang ama na ikina-irita niya ng husto.

“Mom, Dad,” panimula niya. “Hindi dahil may pinakilala nang boyfriend si Vanessa ay dapat may ipakilala na din akong girlfriend.” Tumayo si Vance nang hindi tinatapos ang pagkain. “Pagod ako at ayokong madagdagan ang mga iniisip ko.” Binalingan niya ang kanyang ama, “dad, please don't set me up on a date. I don't want that.”

Lumabas si Vance sa kanilang bahay at mabilis na nagmaneho papunta sa bahay ni Lucille. Nang makarating siya ay madilim na sa buong bahay ng babae, wala ni isang ilaw ang nakabukas. Bumaba siya sa kotse at naglakad papunta sa bintana sa kwarto ni Lucille, ang tanging bintana na nakabukas.

“Hindi ka nagparamdam ng isang buong araw.” Agad na napalingon si Vance sa kama kung nasaan nakahiga si Lucille at nakatulala sa kisame. “Sumagi ba ako sa isip mo kahit isang beses?” 

Bumaling si Lucille sa lalaki. Kinuha iyon ni Vance bilang senyales. Lumapit ito kay Lucille at tinabihan siya ng higa, ang kanyang mukha ay nakasiksik sa pagitan ng kutson at braso ni Lucille.

“I'm sorry. Can I stay like this for a while?” Sinilip ni Lucille ang mukha ng lalaki at nakapikit ito habang nakayakap sa kanyang bewang. Madilim ang buong silid ngunit naaaninag ni Lucille ang matinding pagod sa mukha ng lalaki. “This day is just so tiring, kitty. I'm exhausted and I need to recharge.”

Sinuklay ni Lucille ang buhok ng lalaki. Napa-ingit ang lalaki. “Sige na nga, pahinga ka muna sa tabi ko.”

“Thank you, kitty. I need your embrace after hearing a lot of things.”

Burning AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon